Prologue

1K 28 5
                                    

Heyya guys! Ibabalik ko na siya tutal madami namang nag rerequest. 😉 sana support niyo pa din ito ah?

———-
Prologue

I can feel him kissing me all around my body. I don't know what to do anymore. This is so wrong but I can't stop. I just...i just like what he's doing. He touched me everywhere until I felt his hands between my legs moving up and down. Then he went on top of me. I can feel something hard poking me. For the last time, I tried to open my eyes to see him. And there he is. The most expressive eyes I've ever seen.

"You can't escape me now."

Nagising nalang siya na sobrang pagod at masakit ang katawan. Inaalala niya lahat ang nangyari dahil wala talaga siyang matandaan na ginawa niya kahapon kung bakit pakiramdam niya pasan niya ang buong mundo at pagod na pagod siya.

Kinusot niya ang mata niya bago ito minulat. Napalingon siya sa tabi niya at nanlaki kaagad ang mata ng makakita ng isang gwapong lalaki sa kama niya.

"What the?"

At dahil sa gulat dali dali niyang inalis ang kamay ng lalaki na nakapatong sa tyan niya. Ngayon alam na niya ang dahilan ng pagkasakit ng katawan niya. Nakita niya ang dugo sa may kama, gusto niyang maiyak pero wala ng oras para doon dahil ayaw niyang abutan pa siya dito ng lalaki na nakasama niya.

Nagbihis siya at nagsimulang lumabas ng kwarto ng lalaki. Paglabas niya, pumunta siya sa kusina at uminom ng maraming tubig.

"Julie Anne! Tinamaan ka ng sampung kidlat! Anong ginawa mo kahapon? Bakit kayo humantong ni Elmo sa kama?"

Napasapo siya sa noo niya. Wala talaga siyang maalala hanggang sa nakita niya ang bote ng alak sa may mesa.

Napailing nalang si Julie dahil ngayon malinaw na malinaw na sakanya lahat kung anong nangyari.

Umiinom siya kagabi dahil nakipag break sakanya ang boyfriend niya. Dumating si Elmo na lasing din! Kita mo nga naman ang pagkakataon. Kapag nakainom ka talaga masasapian ka dahil parehong sinapian ang mga katawan nila ni Elmo kagabi.

Napasabunot nalang si Julie sa buhok niya. Anak ng pitong kulay pulang pusa! Kapag may alak, may balak! Laklak pa kasi!

"Julie Anne San Jose! Kasalanan mo ito! Kasalanan mo! Gagi ka kasi eh! Malandi ka! Haliparot! Paano na? Ano nalang sasabihin sayo ng mga tao? Si Elmo? Paano na ngayon at may nangyari sainyo?"

Napahinto si Julie sa pagkausap sakanyang sarili ng maramdaman niya na may matalim na mga mata na nakatingin sakanya. Dahan dahan niyang inangat ang kanyang tingin at nakita nga niya si Elmo na half naked at nakasimangot.

"Good morning!"

Sira ulo ka talaga Julie! May gana ka pang mag good morning eh kita mong masakit ang katawan mo at ang gitnang bahagi ng hita mo at dahil yun sakanya! Pinagsamantahalan niya ang kimchi mo!

"Tss. Ang weird mo."

Bumaba si Elmo at kinuha ang cellphone niya sa bulsa ng pants niya na nakakalat sa sahig. Napalunok si Julie ng makita niya yun.

Bakit nandun ang pants ni Elmo? Ibig bang sabihin dito palang sa ibaba may nangyari na? Huhu!

"Magluto ka ng breakfast!"

"H..Ha?"

Naiiritang tiningnan ni Elmo si Julie.

"Ano? Kailangan ko pa bang ulitin?"

"Ah..eh..sabi ko nga gagawa na ko ng breakfast."

"Tss."

Nagsimula na siyang magluto ng agahan nila ni Elmo. Habang ginagawa niya yun parang hari lang si Elmo na nakaupo sa couch at nanunuod ng basketball. Napabuntong hininga siya. Ang awkward naman kasi na ganito sila. For her kimchi's sake! May nangyari sakanilang dalawa!

"Kakain na!" Sigaw ni Julie.

Lumapit naman si Elmo at umupo. Tahimik lang sila na kumakain. Pasimpleng sinulyapan ni Julie si Elmo at saktong nagtama ang mata niya. Sinamaan siya ng tingin ni Elmo sabay nilapag ang kutsara at tinidor na hawak niya.

"Speak." Nakakatakot na sambit ni Elmo.

Huminga na muna ng malalim si Julie. "Y..Yung nangyari kagabi.."

"You really wanna talk about it, Julie Anne?"

Napailing naman si Julie. Siyempre ayaw naman niyang idetalye ni Elmo ang ginawa nilang kalandian kagabi. Torture na yun para sakanya!

"S..Sorry. Hindi ko naman kasi talaga alam na mangyayari yun.."

Hindi niya din alam kung bakit siya ang nagsosorry kay Elmo pero bahala na!

"Next time wag kang maglalasing ng dahil lang sa lalaki."

Napatingin siya kay Elmo. Tumayo na ito at tinalikuran siya. Bago pa man maglakad si Elmo paakyat sa kwarto niya, nagsalita muna siya.

"Tell him that you're dating me."

Napakunot noo si Julie sa narinig. Iniwan siya ni Elmo na tulala doon.

Ano daw ang sabi niya? Tell him that I'm dating him? Sinong "him" ang tinutukoy niya? At bakit ko kailangan sabihin na dinedate ko siya? Napailing iling si Julie sa naiisip niya.

"Ibig bang sabihin si Kieffer ang sinasabi niyang him? Sasabihin ko kay Kieffer na..."

Napasampal si Julie sakanyang sarili.

"I'm....Dating the Monster?!!!"

Dating the MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon