Dalawamput Dalawa

418 27 4
                                    

Dalawamput Dalawa

"Julie? Apo? Gising na kakain na."

Napabangon si Julie ng marinig niya ang boses ng Lola niya. Tumingin siya sa tabi niya at wala na doon si Elmo. Nakahinga siya ng maluwag dahil baka makita sila ng Lola Teresita niya.

"Opo, Lola. Susunod na po ako mag hihilamos lang po ako."

"Okay sige, apo."

Tumayo na si Julie at pumunta sa CR. Kumatok muna siya dahil baka nandon si Elmo. Nang masigurado na wala pumasok na siya. Nakita niya na nakasarado ang pinto papasok sa kwarto ng lalaki.

Naghilamos na si Julie at nag toothbrush. Habang ginagawa niya yun napatingin siya sa labi niya. Napangiti siya ng maalala ang nangyari kanina. Oo, kanina. Anong oras ba sila natulog ni Elmo? Hindi siya pinatulog nito dahil sa ginawa niya.

Walang nangyari sakanila. Natulog lang naman siya sa bisig ni Elmo matapos ng halik. Naalala pa din niya ang sinabi ni Elmo na namiss siya nito. Sobrang saya lang niya sa nalaman. Namimiss din pala siya ng Monster na yun.

Matapos gawin ang mga ritwal niya, lumabas na siya at bumaba. Ayaw kasing pinaghihintay ang pagkain kabilin bilinan ni Lola Teresita sakanila. Nandon na si Lola Teresita, Basty at Arthur. Hinahanap ng mata niya si Elmo pero wala ito doon. Natulog ba ulit si Elmo sa kwarto nito?

"Uhm, si Elmo po ba hindi kakain?"

"Hmm. Hindi daw siya nagugutom. Nasa labas siya naglalakad lakad."

Tiningnan ni Julie si Lola Teresita.

"Oh? Bakit apo? Nagtataka ka ba kung bakit hindi ko pinilit si Elmo na kumain? Hayaan mo siya malaki naman na yung batang yun. At kung magutom siya maraming pagkain dito. Hinayaan ko na siya na maglakad lakad. Maganda nga yun at lumabas naman ang batang yun. Kita mo nga ang kutis niya? Mas maputi pa sa babae eh. Hayaan mong maarawan." Natatawang sabi ni Lola Teresita.

May point nga naman. Simula kasi ng dumating sila dito hindi naman lumalabas si Elmo. Mabuti nalang at naisipan niyang lumabas. Sayang ang ganda ng farm.

"Oo nga pala, paparating na si Alliana at Juliet mamaya. Si Luke naman at Johnny susunod nalang kapag natapos ang ginagawa nila sa Malacañiang."

"Sayang hindi po makakasama sila Mommy ngayon. Busy po kasi sila sa Singapore eh."

Malungkot na sabi ni Basty.

"Basty, wag kang mag alala. Nandito naman kami. Sayang nga din at hindi makakapunta sila Marisa. Nasa spain kasi sila ngayon. Anyway, wala naman kaming lakad ni Julie ngayon. Anong balak niyong mga kabataan ngayong araw? Maging productive naman kayo."

Napaisip sila ng bigla namamang magsalita si Lola Teresita.

"Alam ko na! Arthur, mas mabuti pa kung ipasyal mo ulit sila dito sa farm. Tutal ikaw naman ang nakakaalam ng pasikot sikot dito sa farm. Ipasyal mo yang si Julie,Basty at si Elmo."

Tumango naman si Arthur. "Sige po, Lola Teresita."

Naunang matapos kumain si Julie. Dumiretsyo siya sa kusina at gumawa ng sandwich at naglagay ng gatas sa isang bottle.

"Oh apo? Gutom ka pa?"

Napatingin si Julie kay Lola Teresita niya.

"Uhm, para po kay Elmo. Baka po kasi nagugutom na yun."

Napatango si Lola Teresita. "Concern ka talaga sakanya ano? Mahal mo na ba apo?"

Napatigil si Julie. Nakita niya na nakangiti sakanya si Lola Teresita.

Dating the MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon