Labing Apat

441 35 17
                                    

Labing Apat

Nakatulala lang si Julie na nakatingin sa labas ng kotse habang pauwi sila ng bahay ni Elmo. Matapos ng yakapan nilang dalawa ay hindi na nakausap pa ni Elmo si Julie.

Patingin tingin din si Elmo sa gawi ng dalaga dahil talagang nakatulala lang ito. Iniisip niya kung bakit naging ganito ang dalaga samantalang bago siya pumasok sa locker room eh okay naman ito.

Biglang pumasok sa isip ni Elmo si Kieffer. Naalala niya habang naglalaro sila na sobrang seryoso ni Kieffer. Ibang Kieffer ang nakita niya at nakalaro niya kanina. Napaka seryoso nito. Pinanuod kasi ito ni Elmo kanina kung paano ang kilos ni Kieffer sa loob ng court at bigla nalang nagbago ito ng pumasok siya.

Muli niyang tiningnan si Julie. Napapailing siya. Mukhang alam na niya. Mukhang may multo nanaman mula sa nakaraan ang lumapit at nagpakita sa dalaga.

Nasa loob na sila ng village at wala pa ding imik si Julie. Hininto ni Elmo ang sasakyan sa may court doon. Kahit ang paghinto ng sasakyan walang kaaalam alam si Julie.

Lumabas si Elmo at may kinuha sa likod ng kotse. Nang makita niya ito tska niya binuksan ang pinto ni Julie.

"Labas."

Doon lang siya pinansin ni Julie.

"H..Ha?"

"Labas."

Lumabas naman si Julie at tumingin sa paligid niya. Nakita niya na nasa village na sila pero wala naman sila sa bahay nila.

"Anong ginagawa natin dito? Dipa ba tayo uuwi?"

"Mamaya na. Samahan mo muna ko."

Hindi na niya hinintay pang sumagot si Julie at naglakad na si Elmo papunta sa court. Nagsimula na siyang mag dribol ng bola.

Si Julie naman tiningnan lang si Elmo na nagsisimula ng maglaro. Umupo si Julie at pinanuod ang binata. Wala siya sa wisyo para magtanong kung bakit sila nandon at kung bakit hindi pa sila umuuwi. Mabuti na din sigurong mabaling muna ang attensyon ni Julie sa ibang bagay kesa naman umuwi sila at matutulala lang siya kakaisip kay Kieffer.

"So ano nanaman ang ginawa niya sayo ngayon?"

Napaisip si Julie sa sinabi ni Elmo. Alam kaya nito na nilapitan siya ni Kieffer kanina? O hula lang niya?

"Uhm.."

Sasabihin ba niya? Natatakot siya baka paslangin ni Elmo si Kieffer kapag nagsabi siya ng totoo pero kailangan niya din ng taong makikinig sa hinaing niya. Bahala nalang.

"Lumapit siya sakin kanina habang nasa locker room ka."

Nag shoot ulit si Elmo ng bola.

"Tapos?"

"Hmm. Nagtanong siya kung tayo na daw ba."

Tumingin si Elmo kay Julie. "Anong sinagot mo?"

"Siyempre tinanong ko siya kung ano naman ang pakialam niya sa buhay ko. Tapos sabi niya..."

Napayuko si Julie.

"Ang sabi niya hindi daw ba ko natatakot na mahusgahan dahil nagdadate tayo eh kaka break palang namin. Kung ano ano pa ang tinanong niya. Alam mo wala naman sakin yung mga tanong niya kaso ang hindi ko maintindihan bakit ganon siya? Paiba iba siya. Una nanghihingi siya ng tawad tapos biglang bago ng mood na kung makabintang parang ako pa ang nagloko at nakipag break. Hindi ko maintindihan si Kieffer. Ano ba talagang gusto niya?"

Dating the MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon