Dalawamput Isa

464 29 3
                                    

Dalawamput Isa

Kakarating lang nila galing dito sa farm ng Lola at Lolo ni Julie. Matagal tagal din silang hindi nakapunta dito.

"Namiss ko to."

Sambit ni Julie bago pasadahan ng tingin ang buong bahay. Hindi ito mansion. Isang simpleng lumang bahay lamang ito pero talagang napakaganda at napaka maraming memories. Dito sila madalas naglalaro nila Basty. Si Elmo naman kasi tahimik lang at masyadong seryoso sa pagbabasa ng Geography Book.

Ang madalas na gawin nila dito na kasama si Elmo ay ang manguha ng mangga at ng kung ano anong prutas na tanim sa farm. Yun ang madalas nilang kinakain tuwing hapon. Siguro pupunta mamaya sa mga puno na inukitan nila nung bata pa sila.

"Mga apo!" Sigaw ni Lola Teresita.

Napangiti naman agad si Julie at sinalubong ang Lola niya ng yakap. Ganun din naman si Basty na binitawan ang mga dala dala para magmano. Bestfriend kasi ng Lola ni Basty ang Lola Teresita niya.

"Ang dalaga na ng apo ko at ang ganda ganda pa! Ikaw naman Basty napaka bait mo pa din."

Napasimangot si Basty. "Lola Teresita, bakit mabait lang? Diba dapat po gwapo o kaya pogi?"

Napatawa si Lola Teresita. "Hala sige pogi na."

Bumalik naman ang ngiti sa labi ni Basty. Pare pareho silang napatingin sa pababang Elmo Magalona galing sa sasakyan. Kinukusot kusot pa nito ang mata niya. Napatingin siya sa mga taong nasa harapan niya.

"Hoy Elmo Moses! Hindi mo ba ko lalapitan man lang?"

Napakunot noo si Elmo. Tinanggal niya ang headset niya.

"Ano po La?"

Lumapit si Lola Teresita sabay kinurot si Elmo sa singit nito. Nagkatinginan at natulala sila Julie at Basty sa ginawa ni Lola Teresita.

"Araaaaaaaaaay! Lola!!!!!"

Nagmamadaling lumapit si Julie at humarang sa Lola niya. Natanggal tuloy ang pagkakakurot nito kay Elmo sa singit.

"Lola."

"Haynako! Ikaw talaga Moses! Sinabi ko na sayo na umayos ayos ka ng pag uugali. Napaka cold mong tao ka at parang walang pakialam sa paligid! Manang mana ka sa Lolo Pancho mo! Kaya sumasakit ang ulo ng Lola Marisa mo eh!" Naiinis na sabi ni Lola Teresita.

Sumimangot naman si Elmo. "La, hindi mo naman ako kailangan kurutin sa singit. Ang laki laki ko na don mo pa ko kinurot."

"Dapat lang sayo yan! Kung pwede lang paluin ka sa pwet eh. Sa susunod kasi bumati ka muna sa nakakatanda sayo. Late ka na nga lumabas ni hindi ka man lang bumati o tumakbo para bumati man lang sakin."

Napabuntong hininga si Elmo. "Tss. Paano ko po kayo babatiin eh sinalubong niyo ko ng kurot."

"Aba sumasagot pa tong batang ito!"

Akmang kukurutin nanaman ni Lola Teresita si Elmo ng pinigilan ni Julie ang kamay ng Lola niya.

"Lola, kalma ka na. Kalma na po."

Pinilit naman kumalma ni Lola Teresita. Hindi pa siya nasanay sa apo ng bestfriend niya.

"Ikaw Julie Anne, kanina ko pa napapansin na pinagtatanggol mo itong si Moses. Concern ka ba sa itlog nitong batang to?"

Namula agad ang pisngi ni Julie sabay tumabi sa Lola niya. Kung ano ano kasing lumalabas sa bibig nito.

"Lola talaga. Pinapakalma ko pang po kayo baka mapaano pa kayo eh."

Dating the MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon