Chapter 1: New World

394 10 7
                                    

Alexa's Pov.

"Good Morning Sunshine!"

As always kakabangon ko lang sa higaan ko. Time check? 11:59 am.

So dahil di pa PM kaya morning pa. Talino ko right?

We'll Magpapakilala muna ako.

I'm Alexa Marie Madrigal, 18 Years old. Single at always ready to miggle hahaha just kidding.

Maria Makiling ako noh. I mean Maria Virgin. Never been Touch, never been kiss oh diba? Taray! English yan!

So maiba ako. Nagbabakasyon ako ngayon sa El Niño este, El Paraiso. Isang lugar kung saan nagmana ang kagandahan ko charot! Haha

Matagal-tagal na rin simula ng bumisita ako rito. Nakakainis nga kasi ganoon pa rin ang lugar. Maganda pa rin tulad ko. Gaya-gaya lang ang peg diba?

Well, El Paraiso is the Place were I'm born.

May bahay kami rito na tinuturing ko na ring Rest house. Nag-iisa lang kasi ako sa buhay. Wla na kasi ang mga magulang ko. Deads na kasi, As in Deads ganern!

Bata pa lamang ako nun.

8 Years old I guess.

Pagmulat ko na lang isang araw, ang lola ko ang sumalubong sakin. Umiiyak at hindi alam kung anong sasabihin.

Namatay raw sila sa aksidente. Car Accident to be specific.

Gumuho ang mundo ko matapos kong malaman yun but still kailangan kong lumaban, kailangan kong magpakatatag. Sa buhay natin hindi nawawala ang problema at ang problema ay parte ng ating pagsubok kung hindi natin ito malalapasan it means mahina tayo. Paano tayo mabubuhay kung pinapairal natin ang ating kahinaan?

Weakness is the mirror of our sorrow if we deal with it forever then we don't know what path we've choose to have a better future. Haha ano daw? Ah basta!

Nag-aaral ako sa manila but since semestral break namin kaya heto sinusulit ko ang pagbabakasyon.

As always kumuha na ako ng damit ko at iba pang pampaligong gagamitin.

After 30 minutes ay natapos na ako.

Fresh na Fresh na!

Naisipan ko ng bumaba para maghanda ng breakfast. Well, Lunch na pala haha.

Sa pagbaba ko mula sa hagdan ay katahimikan sa loob ng bahay ang bumungad sa akin. Aminin ko man o hindi pero napakaboring talaga kapag wala kang kasama. Honestly I have a lot of friends pero alam niyo kung anong masaklap? Lahat sila plastic! Anytime pwedi ng ma'recycle.

But still I don't care! Kung fake pala angbpakikitungo nila sa akin aba'y kailangan ko rin silang suklian ng fakr din. Ano ako? Uto-uto na magpapauto na lang sa kanila? Hell no! Kaya lang naman sila dumidikit sa akin because of popularity. Aminin man nila o hindi yun ang number 1 na dahilan.

In our school, swerte ka na kung makakausap o magiging kaibigan mo ako. Hindi sa nagmamayabang pero ako yata ang Queen Bee sa School namin. Miss University pa last year, And Isa sa mga mayamang Estudyante sa school namin. Oh diba?

Lahag ng ari-arian nina Mama at Papa ay ipinangalan sa akin. Dagdagan pa yung pagkaano ni Lola sakin. Haha I'm kinda Spoiled yet nasa tamang lugar. Kahit papano kailangan kung kumayod para sa sarili ko. Ayokong umasa sa mana ko forever.

Kailangan kung ipakita sa lahat na may maibubuga din ako. Na magiging successful din ako. That's fighting spirit! Laban!

Papunta na sa ako sa kusina para maghanda na ng makakain ng may nakita akong kakaiba sa sahig.

Mga bakas ng paa papunta sa labas.

Oh My God! Baka may magnanakaw!

Sa takot ko ay dali-dali akong kumuha ng tinidor sa kusina at sinundan ang mga bakas ng paa palabas.

Namalayan ko na lang na nasa pool na ako at sa isang iglap nagsitayuan ang mga buhok ko sa katawan. Kasabay nito ang pagkahulog ng tinidor na dala ko sa sahig.

Kitang-kita ko ang nilalang na yun sa may pool. Gusto kong maniwala na nananaginip lang ako pero hindi eh. Totoo to. Isang.....

'Si---Sirena?'

-------
Haha. Any Feedbacks guys? Anong masasabi niyo?

Sorry for the typo's. Short update muna ah. haha

~CrazyButCuteAuthor

The Blue Moon's SecretWhere stories live. Discover now