All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014
"Apocalypse Series 1"
(The Beginning)
By: Admin Theo Mamites
with help on editing by admin Brix Ferrer and admin Jana Arellano
"Haplos ng Kadiliman"
Panimula......
Kakaiba ang katahimikan ng gabi, iyon ang napansin ni Ando. Siya ang katiwala ng hacienda ng mag-asawang Elena at Manuel Mondragon. Tila nagbabadya ang isang unos dahil unti-unting nilulukob ng dilim ang liwanag ng bilog na buwan. Nakagawian na ng matanda na kapag nagigising sa gabi ay naglilibot-libot sa kabuuan ng bahay. Sa tingin niya ay natutulog pa ang mga amo niya. Saktong nasa salas siya ay tumunog ng pagkalakas-lakas ng malaking orasan. Hatinggabi na nang mga oras na iyon, ilang sandali pagkaraan nitong tumunog ay may narinig siyang ingay na tila nagmumula sa itaas ng mansiyon. Dali-dali niyang inakyat ang hagdanan at tinungo ang pinagmumulan ng ingay. Narrating niya ang pintuan ng library ng mansiyon, hawak ng kandila na nakalagay sa candle holder ay pinasok niya ang aklatan.
Medyo may kalakihan ang aklatang iyon kaya natagalan ang matanda sa pagtunton sa ingay. Sa dulong bahagi ng aklatan ay nakabukas ang isang bintana, malamang ay dahil sa malakas na hangin na nagmumula sa labas. Nakita din niyang may natumbang stand kung saan nakapatong ang isang itim na kahon. Nabuksan ito, dahil narin sa pagkahulog nito. Dali-daling inayos iyon ni mang Ando. Sinaraduhan din niya ang bintana pagkatapos ay lumabas na siya at muli ay nag-ikot uli sa loob. Habang pababa siya ng hagdanan ay may narinig siyang kumatok sa main door ng bahay.
"Sinong nadiyan?" tanong ng matanda.
"Ako ito Ando, ang sir Manuel mo." Tugon ng isang tinig.
"Ah, sir kayo ho pala." Nagtataka ang tinig niya dahil hindi niya namalayan na bumaba at lumabas ang matandang Don. Tinungo niya ang pinto at dahan-dahan niyang binuksan. Binalot ng takot ang buo niyang katawan dahil sa nakakatakot na nilalang na kanyang napagbuksan!
Isang maitin na hugis taong nilalang ang tumambad sa harap niya. Mayroon itong itim na talukbong at hindi maaninag ang mukha nito na para bang isang anino. Dahil sa sobrang takot ay hindi na nakaalis pa si Ando sa kinatatayuan.
"Ha...ha...ha...ha..." ang makapanindig-balahibong halakhak ng nilalang ng dilim.
Itutuloy!.....
BINABASA MO ANG
"Apocalypse Series 1" (The Beginning)
AdventureAPOCALPSE SERIES is a story that I first wrote way back on High School. Hindi po ito Horror story or Zombie story. Ito po ay kwento ng mga indibiduwal na naitakdang maging tagapanatili ng katahimikan at kapayapaan ng mundo laban sa kasamaan. This ve...