Chapter 6 (The Night of the Full Moon)

385 21 2
                                    

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014

"We're traped!" ito ang mamutawi sa bibig ni Brent.
"Ano na ngayon?" Trish asked.
"Balik muna tayo sa kwarto." sabi ng binata. Halata sa mga mukha nila ang pagkabahala.

     They stayed on the girls room all day. Kumuha na lang sila ng kaunting pagkain sa kusina dahil mukhang hindi pa naman nagpaparamdam ang kalaban. Nanatili lang sila doon hanggang sa sumapit ang gabi. Mas lalo silang nakadama ng takot dahil alam nilang mas malakas ito kapag gabi.

Nasa loob parin sila ng kwarto nang sumapit ang hatinggabi. Walang makatulog sa kanila dahil sa situwasiyon nila ngayon. Tahimik lang ang halos lahat sa kanila maliban kina Brent, Brandon, Crystel at ng mga boys. Nag-iisip sila ng paraan para makalabas o kung pano matalo si Neferu.

"Full moon ngayon guys!" sabi ni Brent.

"Then?" tanong ni Jorge.

"Sasamantalahin ni Neferu ang pagkakataon na makaipon ng sapat na lakas para sa nalalapit niyang pagkabuo.!" si Crystel ang sumagot sa kanya.

"What?  Mabubuo pa ang demonyong iyon?" bulalas ni Boby.

"Bukas during the eclipse it will happen." sabi ni Brent.

"Then we should stop him from getting enough energy on the moon. This devil killed my grand parents. Ayoko nang may mabiktima pa siya. We need to stop him now!" pursigido si Brandon sa mga sinabi.

"Ayoko rin na dito na magwakas ang mga buhay natin. So lalaban tayo for our survival.!" si Fred.

After that ay gumawa sila ng plano......

Pagkatapos ng sampung minuto ay natapos din sila. Sakto din na may narinig silang ingay sa labas. Kumikilos na kasi ang kalaban at mukhang nasa bubong ito ng mansiyon.
Kaagad na silang kumilos.

"Boby, stay here at bantayan mo ang mga girls." sabi ni Brandon.

"P-pero..?" pautal na sagot nito.
"No buts ok!" si Brent.
"Ok."

At isa-isa na silang lumabas ng silid.
"Lock the door." sabi ni Brent bago umalis.

Tinungo nila ang attic dahil malamang na doon lumabas ang shadow builder. Gamit ng flashlight ay inilawan ni Bourgy ang loob ng attic. Though maliwanag ang buwan ay maliwanag doon. Pinatay nito ang flashlight at nakita na bukas ang isang bintana. Nang sumilip sila ay nakita nila na nasa bubong nga si Neferu at kumukuha ng enerhiya sa bilog na buwan. Sinenyasan ni Brent si Jorge na gamitin upang i-reflect nito ang liwanag ng buwan.

"Aim well!" sabi pa ni Brent bago mahinang nagbilang hanggang tatlo.

3
2
1

"Go!"

Agad na ginawa iyon ni Jorge at tinamaan ang nakatalikod na si Neferu ng liwanag ng buwan mula sa salamin.

"Aaahhhggggg....." napahiyaw ito sa sakit at parang nalulusaw. Dahan-dahan itong humakbang at lumundag pababa.

"Tara sa baba!" sabi ni Jake na nauna ng lumabas ng silid.
"Hoy teka lang!" si Brandon.

Walang nagawa ang mga ito kundi ang habulin ang kaibigan. Madali naman silang nakababa. Nadaanan nila ang silid kung nasaan sila Crystel at dumiretso sa hagdanan.

Nadatnan nila doon si Jake na nakatingin sa nakabukas na pinto. Hindi ito gumagalaw na kahit kaunti. Mabilis silang lumapit at nakita nila ang tinitignan nito. Si Neferu ang nakita nila. Kumumpas ito at sa isang iglap ay hindi na sila makagalaw.

"Sa tingin niyo ba ay mapipigilan niyo ako?" at tumawa ito ng malakas.
"Walang ang mga gaya niyong mga mortal sa kapangyarihan ko!" kumumpas uli ito at may nabuong mga maliliit na patalim sa paligid niya. Isang kumpas uli niya ay diretsong lumipad ito patungo kina Brent. Tinamaan sila nito sa mga balikat. Halos napa-aray silang lahat sa sakit nang biglang may sumigaw sa likod nila.

"Kuya.... Brent!' sigaw ni Crystel mula sa likuran nila. Tumakbo siya para lapitan ang mga ito pero muli ay gumawa si Neferu ng patalim na yari sa anino at itinira kay Crystel.

"Dapa!" mabuti na lang at nakasunod si Boby. Nailagan nilang dalawa ang patalim dahil hinila ni Boby si Crystel.

"Pagbabarayan mo kung may nangyari sa kapatid ko!" bulyaw ni Brandon sa halimaw.

     Samantalang si Brent naman ay pilit kumakawala sa kapangyarihan ni Neferu. Please God help us! Help us end this! sa isip niya. Biglang nag-iba ang pakiramdam niya pagkasabi nun sa isipan. Sa tingin niya ay parang kontrolado na niya uli ang katawan. Ganito rin ang naramdaman nila Brandon.

Sa walang pag-aalinlangan ay itinutok ni Brent ang hawak na salamin sa kaharap. Napaatras ito ng makita ang salamin. Ganon din ang ginawa nila Jake at nang iba. Unti-unti silang lumalapit kay Neferu. Atras naman siya ng atras.

"Balak niyo akong lusawin gamit ng Enerhiya ng buwan tama!?" sabi niya.

"Tama iyon kaya humanda ka ng bumalik sa impiyerno!" sabi ni Fred.

"Puwes nagkakamali kayo kung sa tingin niyo ay mapapatay ninyo ako.!" agad itong naghandang magpakawala ng kapangyarihan. Bigla ay sumigaw ito ng pagkalakas-lakas. Dahil dito ay nagkaroon ng sonic wave na naging dahilan ng pagkabasag ng mga salamin. Pati ang mga salamin ng bintana ay nawasak. Napatalsik din sila Brent ng kaunti sa lakas ng pwersang iyon.

"Masama ito!" sabi ni Bourgy.

Kumumpas ulit si Neferu para muling patigilin sa pagkilos sila Brent ngunit sa di alam na rason ay hindi na ito gumagana sa kanila.

"Hindi ko alam kung anong kapangyarihan ang pumoprotekta sa inyo pero hindi parin iyan sapat para pigilin ako.!" sabi niya.

Si Boby naman ay pinulot ang isang piraso ng nabasag na salamin at biglang ibinato sa kinaroroonan ni Neferu.

"Eto ang sa'yo!" sabi pa ni Boby.
Direkta itong tumama sa katawan ni Neferu at bigla ay nagkawatak-watak ang katawang anino nito.

"Takbo sa taas. Hindi pa siya patay!" sabi ni Brent sa mga kasama.

Agad silang nagmadali. Muling nagsara ang pinto at tila gumagalaw ang mga munting anino at tila nabubuo ulit. Nagmadali na silang umakyat at pumasok sa silid kung saan naroon ang iba.


End of Chapter


Oh ayan ah natapos din ang chapter 6.

What will happen sa ating mga bida.?

Abangan ang nalalapit na pagtatapos!

3 Chapters na lang......



@TheoMamites

"Apocalypse Series 1" (The Beginning)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon