Chapter 4 (The First Evil that Existed)

488 16 0
                                    

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014

"The Origin of Evil!"

      Maalikabok ang libro na nakuha nila mula sa aklatan kaya pinagpag muna nila ito. Kakaiba ang disenyo nito masyadong makaluma. Si Brent na ang nagprisentang magbasa. Tila maamong mga tupa namang nakikinig ang mga kasama. Parang bedtime story lang.

page 10....

    In ancient time in Giza 26th Century BC ago a solar Eclipse phenomina happend. By that exact moment when the moon covered the sun and took away the light an EVIL was born.

Isang nilalang ang isinilang,,... isang nilalang ng dilim. walang tiyak na anyo o itsura.... walang tiyak na kapangyarihan.....walang ibang nais kundi ang maghasik ng lagim...

Neferu ito ang pangalan niya. Shadow Builder, Spreader of Darkness, Spectre of Darkness.... ito ang mga naging bansag sa kanya.

Naghasik ito ng kasamaan sa ehipto sa panahong iyon. Lahat ng kanyang mahawakan ay nilalamon ng kadiliman. Nagiging abo o nagiging alagad ng dilim ang mga nabibiktima nito. Kamatayan sa mga may malinis na puso at walang hanggang kasamaan sa mga may maitim na budhi. Nilabanan at hinarap ito ng mga Druids ni haring Menkaure. Dahil sa mahina pa ito at hindi pa lubos ang lakas ay naikulong nila ito sa isang itim na kahon na puno ng salamin. Ito kasi ang kahinaan niya, anumang bagay na nagdudulot ng repleksiyon. Ang isa pa niyang kinakatakutan ay ang reflection ng  liwanag ng buwan sa salamin. Nalulusaw siya nito.

Ipinalagay ng hari ang kahon sa ulo ng Sphinx pero kalaunan nang matapos magawa ang unang pyramid ay inilipat ito doon. Ang kahon ay may malakas na mahika na pumipigil kay Neferu na makalabas. Nilagay ang kahong ito sa isang Sarcophagus na yari sa limestone at ginto. Ito ay nakatago sa isang sekretong silid ng pyramid at may seal ito na yari sa bato. Sinasabing may malakas itong mahika para hindi mabuksan agad ang kabaong.

     Ito ang nilalaman ng ika sampung pahina.

"Do you believe in that type of story?" reaksiyon ni Norman.

"Not sure, Pero there's no harm in believing right?" sagot ni Crystel.

Tumango naman ang iba sa sinabi nito.

"I mean magic don't exist diba? Exagerated lang masyado ang mga ancient people guys." giit ni Norman.

"You have a point there." sang-ayon ni Trish. "It's the new mellenium and there is no such thing as magic or evil monsters." dagdag nito.

"Correct ka diyan girl!" sabi naman ni Missy at ng ibang girls.

"Tama dude. OA lang ang librong iyan." nagsalita naman si Jake.

"Siguro nga." tipid na sagot ni Brent. Maging siya ay hindi nagpapaniwala sa mga halimaw.

"Pero the question is. Pa'no iyan napunta dito?" tanong ni Fred.

"Lolo and lola are addict in collecting antiques sa ibang bansa. Sa mga auctions nila kadalasan nakukuha ang mga iyan." sagot ni Brandon.

"Paano yan nakuha sa pyramid of Giza?" tanong ni Amy.

"Hellow,? Grave robbers girl!" singit ni Norman.

"Or Archeologist ang mga nakakuha niyan." hula naman ni Boby.

"Nope. If archeologist ang mga nakakuha niyan it will be on a museum. Hindi sana nasa auction iyan. So I'll buy Norman' s conclusion." sabi ni Brent.

    Blahh,,,blahh,,,,blah.... naging bida si Norman na nagtali-talinuhan. Napagpasyahan nilang magpahinga na pagkatapos ng mahabang usapan. Tinago ni Brent ang libro for future needs daw. Hahaha..

Sabi ni Brent na di parin daw sila dapat maging kumpiyansa. Nagawa pang manakot ng binata sa kanila.

They took there rest that night di alintana ang nagbabadyang panganib sa kanila sa nalalapit na Solar Eclipse.

End of Chapter 4

     Maikling chapter lang ito. I just introduced Neferu THE SHADOW BUILDER! Ang unang kasamaang pinanganak sa mundo.

Anong mangyayare sa mga bida natin?

Magiging masaya pa ba ang bakasiyon nila?

O magiging masalimuot at puno ng takot?.....

Abangan............

@TheoMamites

"Apocalypse Series 1" (The Beginning)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon