"Restoration!"
Natalo nila ang Diyos ng mga Anino. Pero may babala itong binitawan. Babalik daw ito, at hindi pa daw iyon ang huli nilang pagkikita. Ano ang ibig nitong sabihin?
Nanghihina ang katawan ni Brent pagkatapos niyang harapin si Neferu. Dahil din ito sa madaming enerhiyang nagamit niya.
"Tapos na ba?" tanong ni Boby.
"I hope so." sagot ni Brandon.
"Ang braso mo Brent!" nag-aalalang wika ni Crystel.
"Braso lang iyan, malayo sa bituka." nagawa pang magbiro ni Brent.
Hindi mapigilang manglumo sa sinapit ng kaibigan si Crystel.
"Guys! Hindi parin natatapos ang eclipse. Supposedly tapos na ang eclipse ngayon!" napansin ito ni Trish. Ilang minuto lang kasi dapat magtagal ang eclipse.
"Oo nga!" nakiayon naman si Kate.
Muling sumulyap si Brent sa loob ng simbahan. Sa di kalayuan sa altar ay nakita niya ang staff na ginamit ng Shadow Builder. Kataka-takang hindi ito naglaho kasama nito. Bumitaw siya sa pagkakahawak ng kaibigang si Brandon at muling pumasok.
"Oh, saan ka pupunta?" tanong ni Brandon.
"May kukunin lang ako." sagot ni Brent. At tuluyang bumalik sa loob.
Pinulot niya ang itim na staff gamit ng kanan niyang kamay. Ikaw ang kinasangkapan niya para mangyari ang kadilimang ito. Ikaw rin ang makakapagbalik nito sa dati. Sabi ni Brent sa isipan.
'Please gumana ka. Pakinggan mo'ko. Ibalik mo ang liwanag na nawala! Nakikiusap ako sayo! Kahit kapalit ng sarili ko basta ibalik mo lang ang lahat sa dati.'
Ito ang binulong ni Brent sa mahiwagang bagay na kanyang hawak. Bigla pagkatapos iyong gawin ay nagbago ang kulay at kaanyuan ng staff. Ngayon ay naging kulay ginto ito at nagkaroon ng parang disenyong pakpak sa pinakadulo nito. Nagliwanag ito ng kulay puti at naramdaman ni Brent ang unti-unting pagkabuo ng kanyang kaliwang braso at ang muling pagbalik ng liwanag ng araw.
Napangiti si Brent at muling bumulong. 'salamat kaibigan!'
Nabigla ang mga kasama niya sa nangyari.
"What the hell happened?" tanong ni Brandon nang lumabas si Brent dala ang isang gintong Scepter.
"Mahabang istorya bro. I'll just explain it along the road. Gutom na ako eh!" nakangiting sagot ni Brent. Kasabay nito ang muling pagbabago ng scepter na nagbalik sa pagiging isang susi. Isang gintong susi. Ito ay dinala at pinangako ni Brent na pangangalagaan.
They went back on the villa with smiles on their lips. Punong-puno sila ng pag-asa at buong galak na haharapin ang bagong umaga na may ngiti sa labi. Their vacation wasn't bad after all!
samantala............
Habang tinatahak nila ang daan pauwi ay naiwan sa lumang simbahan ang dalawang gabay.
"Natupad na ang propisiya Poi!" sabi ni Rai-rai.
"Oo, Napatunayan nila ang kanilang sarili bilang mga karapatdapat na Guardians." sagot ng binata.
"Marami pa silang haharaping mga ganitong bagay sa hinaharap. Sana mapagtagumpayan nila." ito ang tanging huling namutawi sa bibig ni Rai-rai.
End......
Abangan ang book 2 (Ang Itim na Salamangkero)
May bagong kalaban ang ating mga bida....
Makakaya kaya nila?..........
Kung nagustuhan ninyo ang Book 1 please vote and comments po.
Thank you for reading!
@TheoMamites
BINABASA MO ANG
"Apocalypse Series 1" (The Beginning)
AdventureAPOCALPSE SERIES is a story that I first wrote way back on High School. Hindi po ito Horror story or Zombie story. Ito po ay kwento ng mga indibiduwal na naitakdang maging tagapanatili ng katahimikan at kapayapaan ng mundo laban sa kasamaan. This ve...