Chapter 10 (Like?)

40 2 9
                                    

Miko's P.O.V

Shit! di ko na talaga 'to kaya! kanina pa ako nakatitig sa picture ni Phobe at gustong gusto ko ng aminin sa kanya na may gusto ako sa kanya at seryoso ako! pupuntahan ko nga siya mamaya para sabihin na may gusto ako sa kanya..

"Hey! mag sh-shopping lang kami ni Nat, okay?" sabi ni Chloe

"Okay" sabi ko at umakyat na para maligo..

Phobe's P.O.V

"Tara na, baby" sabi ni Rhyles kaya sumakay na ako sa kotse niya

Mag sho-shopping kami ngayun kase mag b-bake kami ng cake! kanina kase bigla nalang akong nag crave ng cake kaya tinawagan ko agad si Rhyles para samahan akong bumili pero sabi niya mas maganda daw kung mag b-bake kami kaya mag sho-sopping kami ngayun! ^_^

---Mall---

"Tara dun tayo sa flour section!" sabi ni Rhyles, sumunod lang ako sa kanya..

Pagtapos namin sa Flour, pumunta naman kami sa Eggs section hanggang na-kompleto na namin yung nasa list..

"Pagtapos nating magpa cashier, punta tayo ng DQ ah!" sabi ko at tumango lang si Rhyles saka ngumiti

Chloe's P.O.V

Nandito kami ni Nat sa DQ, kumakain ako ng Ice cream at ang inorder naman niya ay banana split. takaw -_-

Maya maya lang ay may pumasok na babae at lalaki at pamilyar yung babae!

teka..

Si ate Phobe ba yun?! o baka namamalikmata lang ako, ang alam ko kase sa States na nakatira si ate Phobe kasama yung nanay, tatay, lola, at yung bunso niyang kapatid..

Baka nga namamalikmata lang ako.. umalis na yung dalawa habang nagtatawanan kamukha niya talaga si ate Phobe!

"Let's go home na" sabi ko kay Nat pagtapos kong kumain ng ice cream ko

"Huh? kakarating lang naten ah!" sabi niya

"Kung ayaw mong umuwi edi wag" sabi ko at iniwan siya dun

----Mansion----

"Where are you going?" tanong ko kay Miko, naabutan ko kase siyang bihis na bihis at paalis na

"Dyan lang" sabi niya at pinat yung ulo ko saka tuluyan ng umalis

Umakyat nalang ako at nag bihis ng short and t-shirt, bumaba ulit ako para kumuha ng Ice cream. Manonood nalang ako ng One Piece.

Miko's P.O.V

Nandito na ako sa tapat ng bahay nila Phobe.. Nakikita kong sobrang saya nga niya pag kasama niya si Rhyles. Papasok palang sila ng bahay at may dala dala silang mga paperbags habang nagtatawanan, Nasaktan ako pag nakikita kong tumatawa si Phobe ng hindi ako yung kasama niya kaya aagawin ko siya kay Rhyles..

Tatambay muna ako sa park at aantayin kong umalis si Rhyles para makausap ko si Phobe..

Nakakita naman ako ng naglalako ng bulaklak sa park kaya bumili ako.. Sana bumalik na sa dati yung samahan namin ni Phobe.. nagtataka ako kung bakit hindi na niya ako kilala.. aishhh..

Sumilip ulit ako sa bintana nila Phobe at nakita kong sobrang saya niya talaga pag kasama niya ang lalaking yun!dadating din ang araw na maagaw kita kay Rhyles! magiging akin ka rin Phobe..

Rhyles P.O.V

"HAHAHAHAHA!! MUKHA KANG POLVORON! HAHAHAHAHA!!!" sigaw ni Phobe habang tawang tawa -_-

Hinagisan niya kase ako ng flour yan tuloy :3

"Ikaw kase!" sabi ko at sumimangot

"Sorry na baby! natutuwa lang talaga ako sayo" sabi niya at pinunasan yung mukha ko

IPT2: A Relationship with my Enemy. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon