Phobe's POV
"Uuwi na si Yanna eh kaya bihis na bihis ako" katwiran sakin ni Renz
Nakasalubng ko kase siya dito sa park na bihis na bihis at may dala dalang dalawang plastic bag.
“Ganun ba? Kelan?” tanong ko
“Bukas na, susunduin ko kayo ah! Magbihis kayo agad pupunta ako sa inyo n 1pm bukas. Bye!” sabi niya at ngumiti sa akin saka kumaway
“Sige! Ingat!” sigaw ko, pumasok naman ako agad sa kotse ko. Sasabihin ko 'to kay Fei, nakamove on naman daw siya eh baka okay na ulit sila ni Yanna
-----~~~~~~ Adams Residents ~~~~~~~------
Pagpasok ko, nakita ko agad si Feiro na kumakain ng cherry tomatoes habang nanunuod ng Ninja Turtles.
“Fei!” lumingon naman agad siya sakin at ngumiti
“Ate! San ka galing?” tanong niya
“Sa park lang, nakasalubong ko si Renz. Uuwi na daw si Yanna” bigla namang lumaki yung mata niya
“Talaga? Kelan daw?” tanong niya na mejo excited
“Bukas daw, susunduin daw tayo dito ni Renz” sabi ko at nagtanggal ng sapatos
“Ahh sige sige, pwedeng isama si Llianz?” tanong niya
“Hm, ikaw bahala” sabi ko at umupo sa tabi niya
“Sige, kakausapin ko si Llianz mamaya” sabi niya at nanuod na ulit
Renz's POV
Abalang abala ako sa pag gawa netong Cherry Cake para kay Yanna bukas. Favorite niya kase yung cherries eh kaya nag search talaga ako ng recipe para dito.
“Bhie! Ano yang ginagawa mo? Wooow” sabi ni Meeyan pag punta niya sa tabi ko
“Cherry cake bhie” sabi ko, bigla naman siyang nagcling sa braso ko
“Para kanino?” sabi niya habang ngiting ngiti
“Kay Yanna, uuwi na siya bukas bhie” sabi ko habang natatawa, siguro akala niya para sa kanya yung cake haha!
“Talagaa? Wow! Yang cake lang ba ang handa?” tanong niya
“Yep saka cherry shake, mahilig kase sa cherry yung babaeng yun eh”
“Sama ako sa pagsundo ah?” sabi niya at niyakap ako sa likod
“Oo naman bhie, lahat kasama” sabi ko
“Sige bhie, dito muna ako sa sala ah? Bumili ako ng dvd ng Phineas and Ferb eh, papanuorin ko lang” sabi niya at pumunta na ng sala
Simula nung umalis si Yanna lagi ng nandito si Meeyan para manuod ng cartoons. Ewan ko pero dalawa naman tv nila sa bahay. May cable naman pero dito pa nanunuod! Kala ko tuloy minsan ako yung pinupuntahan yun pala manubuod lang ng cartoons!
Nilagay ko na yung cake sa oven at inayos na yung mga gagamitin ko para sa icing at decorations. Tinabi ko narin yung mga di ko na gagamitin na gamit at recipes.
Matapos kong ayusin. Pumunta na ako kay Meeyan para makabonding siya. Naabutan ko siyang naka indian seat sa sofa habang kumakain ng jellyace at marshmallows.
“Bhie, matanong ko nga. Bakit dito ka pa nanunuod ng cartoons?” tanong ko
“Hmm, nandun na kase si kuya Zeus kaya di na ako makanuod” sabi niya habang naka pout
“Kuya Zeus?” sino naman yun?
“Hindi mo pa ba siya kilala? Well, siya lang naman ang nag iisa kong kuya na napaka sungit” sabi niya at nagpout
BINABASA MO ANG
IPT2: A Relationship with my Enemy. [COMPLETED]
Humor[COMPLETED] This is the book 2 of It's Payback Time. Please read the book 1 first before reading this. Thank you! ❤ Copyrights© by: AM_009