"Whaaaaah! DJ! I love you! Akin ka na laaaang!"
Sa sobrang kilig, napasigaw ako. Ang gwapo kasi ni Daniel Padilla. Siya na ang ultimate crush ko. Haaaaaaay. ^____________________^
"Gaga! Kahit anong sigaw mo di mapapasa'yo yan." Sabi ni Osang. Kaboardmate ko.
"Tse! Inggit ka lang. Hindi ka kasi marunong kiligin."
"Sira. Anong di marunong? Eh nung una nating pinanuod sa sinehan ang palabas na yan kilig na kilig ako. Pero Nicole, pang sampung beses na nating pinapanuod yan. Nakakasawa na." Reklamo niya. Bumili kasi ako ng dvd copy ng movie ng KathNiel, pirated nga lang. Gusto ko kasing panuorin ng ilang beses. Para sa'kin hindi nakakasawa. Feeling ko kasi ako si Kath na kalove team ni DJ sa mga palabas niya. Nakakakilig. :">
"Di ako magsasawa kahit ilang beses ko pag mapanuod ang movie na 'to para sa DJ my love, prince charming and everything."
"Kahit ano pang itawag mo sa kanya at kahit ilang beses mo pang panuorin lahat ng movies niya, di siya mapapasa'yo. Huwag kang matulog ng dilat ang mga mata. Itigil mo na yang pagpapantasya mo."
"Alam mo, Sang, pwede kang maging artista. Role mo kontrabida." Sabi ko. Lagi na lang kasi siyang kumukontra sa mga ganitong pantasya ko.
"At ikaw, bida? Wala ka namang kapartner. Wala kang kaloveteam."
"Si DJ!"
"Ambisyosa! Ilusyunada!"
"Aw! Ang sakit mo namang magsalita."
"Tanga. Para magising ka. Hapon na nananaginip ka pa din ng gising." -___________- Bagay talaga sa kanya maging kontrabida.
*toktoktok*
BINABASA MO ANG
Let me tell you a story...
Short Storyone-sided love stories.. stories of unrequited love.. :)