PS... I Still Love You

15 1 0
                                    

“…bakit ganun? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit feeling ko mag-isa pa din ako? Wala ka na dapat eh… Wala na dapat! Dapat di na kita iniisip. Move on na eh! Pero bakit ganun? Kahit ilang beses kong ikubli, alam kong sarili ko lang ang niloloko ko… Andyan ka pa din!

Naiwan  sa’kin yung takot na naiwan mo sa’kiin. Yung takot na baka pag sinubukan ko, iwanan lang din ako. Yung takot na baka pag naghintay ako, I will just ed up alone. Waiting… just waiting for nothing. Ayokong maranasan yung naranasan ko sa’yo. Ayoko na… nakakatakot. :(“

 

Napangiti ako. Ang drama pala nito.

“Thea,” Kinalabit ako ng kaibigan ko. “ano yang binabasa mo?”

“Hmmm. Wala ‘to. Nakita ko lang sa mga gamit ko.” Sagot ko.

“Talaga? Pabasa naman.” Sabi niya.

“Ha? Wala nga ‘to.” Nakipag-agawan siya sa’kin sa binabasa ko. “Ano ba?!” Tuluyan na niyang naagaw.

Hmph! Nakakahiya. Ang drama nun eh. -____-

“Dear Gerald, Happy birthday! See? Hindi ko nakalimutan… kahit na feeling ko, ako limot mo na…” Pagbabasa niya. “Huh? Teka? Sinong Gerald? Para kay Gerald dela Cruz ba ‘to?” Walang preno niyang tanong.

“I guess so…” I didn’t admit it directly.

“Ikaw nagsulat nito ‘no?” Tanong niya. “Ang pangit talaga ng handwriting mo.” Panlalait niya.

“Haaayz! Nakikibasa na nga lang nanlait pa. Akin na nga yan!” Pilit kong inagaw sa kanya yung papel. Pero hindi niya talaga binitawan yun.

“Wait lang. Binabasa ko pa eh.” Sabi niya. “ Aaaargh! Ano ba ‘to? Birthday mo, dapat masaya ako, pero naiiyak ako…” pagbabasa niya. Mas malakas na ang boses niya kesa kanina. Ipinaparinig ba niya sa lahat yung laman ng sulat? -_______-

“Kelan pa ‘to? Bago lang?” Tanong niya.

“A year ago.” I answered.

Hindi ko naman alam na nakatago pa pala yan sa mga gamit ko. At eksatong birthday din ngayon ni Gerald, ngayon ko pa ulit nakita yan. Natatawa na lang ako nung nabasa ko yun.

“Wow! Ang drama nito, girl ah.” Sabi niya. “Anong nakain mo at naisulat mo ‘to?”

“Wala. Hindi ko kasi siya nabati that time eh. Nahihiya akong batiin siya sa facebook, kaya sinulatan ko na lang siya.” Paliwanag ko.

“Have he red this?” She asked.

“Noooo!” Mahaba kong sabi. “Asa namang ipabasa ko yan sa kanya.”

“Why not? Isn’t this for him?” She asked.

Let me tell you a story...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon