“Kung ako manliligaw mo, lagi kitang pupuntahan dito.” Sabi ni Adhi.
Kaso hindi, naisip ko.
Inopen ko ang netbook ko. nakita naman niya ang wallpaper nun.
“Reasons why I love you…” Pagbabasa niya. “You have the brightest cutest smile, ako yan.”
“Kapal mo ah.” At natawa ako.
“Ako nga yan. Ito pa oh, you make me smile. You make me laugh. You’re really cute. Super duper cute. I can’t stand it. You’re sweet, sweet ako, smart, hindi nga lang ako smart. Pero ako yan. Good-looking, absolutely stunning, funny… ako talaga yan eh!” Sabi niya nung binasa niya yung wallpaper ko.
Tawa lang ako ng tawa nung binasa niya yun. “Assuming ka! Haha!”
“Crush mo ko ‘no?” Taas noo niyang tanong.
“Hindi ‘no!” Mariin kong tanggi. “Hindi ikaw ang tinutukoy niyan. Yung crush ko.” Sabi ko sa kanya.
“Eh ako ang tinutukoy niyan eh.” Sabi niya.
“Haha. Hindi nga ikaw. Wag kang assuming.”
“Sus! Eh sino ba yang crush mo na yan? Baka mas gwapo pa ako dyan.”
“Secret.” Sagot ko.
“Tsk. Secret pa daw. Ipakita mo sa’kin yan. Tignan natin kung sino mas gwapo sa’min.”
“Di hamak na mas gwapo siya.”
“Ah ganun?” At sumimangot siya.
Ngumiti lang ako.
Tama naman siya. Lahat nung characteristics na nabasa niya, pwedeng idescribe sa kanya. Pero hindi naman talaga siya yung dahilan kug bakit ko winallpaper yung quote na yun sa netbook ko.
Hiniga niya ang ulo niya sa table at tumingin sa’kin, “Seryoso, crush mo ko ‘no?” tanong ulit niya.
Ang kulit talaga. “Assuming level: 1000!” sabi ko.
“Pretending level: 1million!” Balik niya sa’kin.
“Tsk. Kapal mo.” Sabi ko. Hindi naman ako nagpepretend o ano kasi hindi ko naman talaga siya crush. Masaya lang akong kasama siya.
Si Adhi yung tipo ng lalaki na hindi man kasing gwapo ni Piolo, madali namang mahuhulog ang loob mo.
BINABASA MO ANG
Let me tell you a story...
Cerita Pendekone-sided love stories.. stories of unrequited love.. :)