Kapitulo. Trece

63.4K 2.5K 269
                                    



Sarah Louise Quino's

For the first time in months, tuluyan kong binuksan ang phone ko. I needed to talk to my parents. Uuwi na ako at makikipag-usap sa mga taong iniwanan ko sa New York. Hindi ko sigurado kung anong mangyayari but I have to do this, in order to be free para naman makasama ko na si Pepe. Kung may isang bagay akong gustong gawin, iyon ay ang alagaan siya at hindi ko basta magagawa iyon kung kasama ko pa rin ang multo ni Roldan sa araw – araw kong buhay.

I was a battered wife, I am scared, I am freaked out every time I think about him or what he did to me. Pero kung palagian kong iisipin iyon at kung palagian akong matatakot. Hindi ako nmakakaalis sa kung nasaan ako ngayon. I need to move forward. I need to move on.

Nasa Malolos na ulit kami nang araw na iyon. Kasama na namin ni Jufran si Pepe sa bahay. Si Toto ay gabi – gabi nang umuuwi ng Paombong dahil kay Pan. Si Fonso naman ay nagpaiwan dahil nga nabugbog rin ng mga Navarro ang kapatid niya.

Sa totoo lang, medyo excited akong bumalik ng Malolos nang kaming dalawa lang ni Pepe. Alam kong trabaho ang dapat kong atupagin pero heto ako, nasa office ng compound. Sa may bintana at nakatitig kay Pedro habang minamanduhan niya ang mga tao niya sa ibaba. I was sighing. Ang gwapo ng isang ito.

Tumupad naman siya sa pangako niyang aalagaan at ipapakita niya sa akin na siya talaga ang para sa akin. Wala na akong nakitang kalandian niya, kahit tingin, hindi niya ginagawa sa ibang babae. He told me just yesterday that his eyes are only for me. Siyempre, kinilig naman ako noon, pero hindi ko pinahalata. Kunwari na lang hindi ko siya narinig. Hinayaan ko siyang magmaktol. Jusko, pinahaba nang sobra iyong nguso, para na lang matapos kami, hinalikan ko, aba ang siraulo, nandakma ng dede. Nagulat talaga ako.

Napamulagat ako nang mapansin kong nakatingin na siya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang unti – unti at dahan -dahan niyang hinuhubab ang tshirt niya, may kasama pang paggiling iyon. Pumalakpak siya ng isa at pagkatapos noon ay biglang pumailanlang ang Versace on the floor ni Bruno Mars sa paligid. Nagsimulang gumiling si Pepe.

Namula naman ang mukha ko nang matandaan ko kung anong ibig sabihin niyon para sa kanya.

"Gago talaga." Bulong ko. Sinara ko ang bintana at saka bumalik na sa trabaho. Hindi ko rin naman nagawa ang dapat kong gawin dahil iniisip ko ang mga magulang ko. I finally picked up my phone to give them a call. Si Mama ang tinagawan ko. Nakadalawang tawag ako bago niya nasagot. She's probably at work.

"Sarah?" She said on the other line. "Sarah nasaan ka? What happened? Bakit hindi ka nagpaalam na aalis ka na?"

Pinigilan kong umiyak. Iniisip ko kung sasabihin ko kay Mama ang tungkol sa Pilipinas pero naisip ko rin na baka kapag nalaman nila, mas mahirapan silang itago ito mula kay Roldan. I don't want Roldan coming to me, I want to come to him. Mas maganda iyong ganoon kaysa naman ako ang magulat na nandito na siya.

Tanda ko pa iyong naging panaginip ko noong nakaraang gabi. The thought of him here makes me want to crawl under my bed and hide forever. Hindi pa ako handa pero kailangan ko na itong gawin.

I am doing this for myself – hindi dahil gusto kong nilalandi ako ni Pepe. Naisip kong ano ng aba ang magiging buhay ko sa haba ng panahon ay hahayaan kong mamuhay ako sa takot kay Roldan? Ang tagal – tagal ko nang ganito, kailangan ko ring palayain ang aking sarili.

"Ma, okay ako." Sabi ko sa kanya. "Okay lang ako. Gusto ko lang sabihin na okay ako, at uuwi ako kapag naayos ko na ang lahat."

"Bakit kasi hindi mo sinabing sinasaktan ka na pala ng lalaking iyon?" Narinig kong humagulgol si Mama. "Sarah, I want you to work out your marriage with him but not to this extent! Hindi ka dapat sinasaktan ng demonyong iyon! Kung hindi ko pa nakita iyong Latina mong kaibigan, hindi ko malalaman, Sarah naman!" Iyak nang iyak si Mama. Pinahid ko naman ang luha ko.

Quit playing games with my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon