Chapter 2
Nakaupo lang ako sa sofa ng maganda at malaking bahay. Si mama may kausap na super bait at ganda na babae. Sabi ni mama kanina dito na daw kami titira sa mansion na ito.
"Hi." Lumingon ako at nakita ko ang isang lalaking nakangiti sa akin. Nasa likod siya ng sofa na inuupuan ko. "I'm Klaus."
Ang gwapo. Hindi ko mapigilan ang mahiya ng iabot niya sa akin ang kamay niya. "I'm Kayla."
Lumibot siya at umupo sa tabi ko nang hindi parin nawawa ang ngiti na mas lalong nakapag dagdag ng appeal sa kanya. Napansin ko na hindi itim ang kulay ng buhok niya kundi light brown. May lahi yata ito.
"Are you Manang Elma's daughter?" Tumango ako. Hindi ko kasi alam kung dapat ba akong sumagot ng English. Mukha kasi talaga siyang may lahi. "So dito ka na pala titira."
"Nagtatagalog ka pala?" Natawa siya sa sinabi ko at tumango. "Anak ka ba ni Maam Victoria?" Umiling siya.
"Nope. I'm just friends with her son." Tinignan niya ako ng taas baba pagkatapos ay ngumiti. "Ilang taon ka na?"
"Twelve." Napataas ang dalawang kilay niya.
"Ang bata mo pa pala." Saad niya. Naagaw ang attention namin sa dalawa pang tao na bumaba ng hagdan. Umirap si Klaus habang pareho kaming nakatingin sa kanila. "Here they go again."
"Kuya Demitri naman kasi! Give me my phone na nga!" Sigaw ng babaeng pababa ng hagdan habang nakakunot noo lang ang lalaking tinawag niya ng kuya.
Lumapit ang lalaki sa pwesto namin ni Klaus at umupo sa harap namin. Hindi ko mapigilan ang mamangha sa gwapong mukha ng lalaki. Kung si Klaus ay nakangiti, siya naman mukhang seryoso. Parehas silang gwapo pero mas may appeal parin sa akin ang nakangiti.
"Demitri, this is Kayla." Tumango lang siya sa akin pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa kapatid na nakatayo at nakasimangot sa gilid niya.
"Don't start with me Mira." Hindi na nakapagsalita pa ang batang babae dahil dumating na si mama kasama si maam Vicky.
"Oh, I'm glad you've all met since you are all going to the same school." Saad ni Maam Victoria.
"Mommy?" Agad na nakabalik sa kasulukuyan ang ulirat ko nang marinig ang tawag ni Riona. She's wearing her pajama while hugging her favorite stuffed toy. Luma na ito dahil sa akin pa ang stuffed toy na yan, it was given to me by Klaus many years ago. I wanted him to have place in my daughter's life while she grows up. I smiled at her as she walked up to my bed.
"Yes baby?" I kissed her on her forehead and hugged her.
"Why po malayo kami ni lola mama sayo?" Tanong niya sa malungkot na boses.
Napag pasyahan kasi namin ni mama na dito sila sa probinsya habang nasa Manila ako dahil nandoon ang hotel na pagtatrabahuhan ko. Ayaw ko pa nga sanang pumayag pero yun ang gusto ni mama dahil nandoon din ang iba pa naming kamag anak. Tumatanda na daw siya at ayaw na daw niyang ma stress sa traffic at sa magulong buhay dito.
"Kasi baby malayo ang school mo sa work ni mommy. Ita-try naman ni mommy na puntahan ka kapag may free time okay?" She nodded her head willingly.
"Love mo ako mommy?" Ngumiti ako ng malapad sa kanya.
"Love ka ni mommy ng sobra sobra. Kiss mo nga ako?" She giggled and kissed me on the lips before she hugged me.
BINABASA MO ANG
Running Away from the Billionaire (LOB series #4)
General FictionHe is a playboy billionaire. She's an assistant's daughter. He loves her. She loves another man. She wanted the love of her life to be hers, but things didn't go according to her plan and a little twist made her end up in the wrong billionaire's b...