Chapter 10
I went to Driveo Corporation to see Alex. He said he had a list of some people who knows how to decorate for an event. Siya din naman kasi ang isa sa nakikipag-coordinate kapag may event ang kumpanya nila dahil siya ang assistant ni Klaus. Pumayag na din akong puntahan siya dahil ang sabi niya ay out of town ang boss niya.
"Bakla! Ang aga mo naman yata?" Saad niya habang naglalakad palapit sa akin at sinalubong ako para bumeso. Maaga kasi ako ng thirty minutes sa napag usapan naming oras.
"Busy ka ba? Pwede naman akong maghintay." Sa totoo lang inagahan ko talaga dahil gustong gusto ko nang gawin ang trabaho dahil ayaw kong biguin si Gerard.
"Ay hindi naman. Wala nga akong ginagawa sobrang boring kapag wala si sir eh. Hinihintay ko lang si—" I was about to ask what's wrong when his eyes suddenly went wide na para bang gulat na gulat siya sa taong nasa likod ko. "Shit."
"Bakit? Anong meron?" Lumingon ako at nasalubong ng tingin ko ang mata ng babaeng kahit kailan ay ayaw na ayaw ko nang makita. Ilang segundo rin siguro kaming nakatitig sa isa't-isa bago siya ngumisi.
"Wow . . . you're still alive pala?" Hindi ako nagsalita at nanatili lang na nakatitig sa kanya. Sumulyap siya sa pinto ng opisina ni Klaus. "You're here, huh? After all this time you're still not over him?"
"Hindi ako pumunta dito para sa kanya Calla, wag kang mag-alala hindi kita aagawan." She raised an eyebrow at me before she laughed sarcastically.
"I see, you still have the guts. Well, you can try." Naglakad siya palapit sa akin hanggang sa tumigil siya sa harap ko. "I've said this before and I will say it again to remind you, Klaus is mine." She took a step forward before she stopped and turned to Alex. "I want my documents and my tea."
Nakahinga lang ako ng maluwag nang marinig kong nagsara ang pinto ng opisina ni Klaus. I looked at Alex at nanlalaki lang ang mga mata na nakatingin siya sa akin. I raised both my hands in the air. "Long story."
"Marami akong time. Magsasalita ka after kong mag serve ng tea sa feelingerang Reyna." I sighed.
"Kaylareen! Come on!" Iniwan ko si Klaus at nag derederetso lang sa paglalakad. Kanina pa siya habol ng habol sa akin pero hindi ko siya pinapansin. "Bakit ba galit ka? You were the one who started the fight."
Gusto kong ibato sa kanya ngayon ang mga libro na hawak ko. Bakit ba hindi niya makita ang sungay ng syota niya? Tapos ako pa ang nagmukhang masama!
"I'm sorry, okay? Hindi dapat kita pinagsalitaan ng ganon, but you were wrong Kayla." Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.
"Ako? Ako ba talaga Klaus? Wala ka naman nung nangyari yun. Bakit ba ang dali sayo na husgahan ako? Parang hindi mo ako kilala!" Hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak. Shet. Tumingala ako dahil ramdam ko na ang pagtutubig ng mga mata ko.
"That's the problem, Kayla! Parang hindi na kita kilala. You're always so grumpy when it comes to me. I keep on thinking, have I wronged you?" Huminga ako ng malalim.
Ano nga bang nagawang mali ni Klaus para sungitan ko siya araw-araw? Tama siya. Wala siyang ginawang mali para tratuhin ko siya ng ganon. Wala namang masama sa narinig ko. Nagpakatotoo lang siya at kahit kailan, hindi naging mali ang katotohanan.
BINABASA MO ANG
Running Away from the Billionaire (LOB series #4)
General FictionHe is a playboy billionaire. She's an assistant's daughter. He loves her. She loves another man. She wanted the love of her life to be hers, but things didn't go according to her plan and a little twist made her end up in the wrong billionaire's b...