Kasulukuyan akong naglalakad patungong classroom ko.
San nga ba yun? Ang alam ko banda dito lang yun eh.
Kanina pa kasi ako nagpapalakad lakad dito, mga halos 10 minutes narin. Hindi ko parin mahanap yung Room 3-B. Nakakapagtaka yung mga bulungan at tinginan ng mga studyante dito.
Bakit kaya ganito sila makatingin? Nakaapak ba ko ng jakpot?
Inis kong tinignan yung talampakan ng sapatos ko.
Wala naman ah? Kalokohan. Tss.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ng may mabunggo akong grupo ng mga lalaki.
Ang lawak ng hallway, sa daan ko pa haharang.
Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Ngunit, nung mga nakasampong hakbang na ako..
"Hala, shet"
"Patay na, away na naman to"
"Bakit hindi niya pinansin sina Jeid?"
"Aww, pre chicks oh!"
"Chicks ba yan?, nakajogging pants sa loob ng palda?!"
"Ang weird!"
"Hoi, ikaw!" Napatigil ako sa paghakbang nung sumigaw yung isa sa likod ko. Nilingon ko naman sila. Mga nasa 7 sila, puro katangkaran at may mga itsura.
Ano namang kailangan nito sakin?
Tinignan ko lang sila ng parang wala akong paki. Wala akong gana makipagusap, lalo na at di ko pa nahahanap yung room ko, malalate na ko,6:30 na oh, 7:00 pa naman umpisa ng klase ko. Tsk.
"Wala ka man lang ba balak magsorry?" Tanong ng isa sa kanila, medyo kasingkitan, at maliit.
Tingnan ko sila ng nagtataka.
"Hoi miss kinakausap kita! Sumagot ka." Ulit niya.Habang natingin ako sa kanila, napaangat yung tingin ko..
Room 3-B
Oh! Ito na pala eh.
"Aba't----". Akma siyang hahakbang papunta sakin ngunit inunahan ko siya sa pamamagitan ng paglakad papunta sa kanila. Huminto ako sa harap ng lalaking singkit tapos nginitian ko.
Hmmm. Pasalamat ka, dahil sayo, pandak, nakita ko yung room ko.
"Salamat" Tipid kong sabi sa kaniya saka tinignan yung iba niyang kasama, saka nilampasan at pumasok sa room ko.
Hayy. Salamat naman, nahanap ko rin.
Pagpasok ko sa room iba't ibang bulong ang narinig ko .
"Hala! May transferee!"
"Luh, bat may pants siya sa loob ng palda?"
"Guys siya yata bagong target ng Spades ngayon."
"Hala patay tayo."
"Huy! Wag kayo masyado maingay baka makarinig siya!
Ehh? Spades? Ano yun? Banda? IV of Spades?
Napatingin naman ako sa suot ko..
Wala naman siguro masama magsuot ng jogging pants sa loob ng palda hindi ba?
Napakaiksi kasi ng uniform dito, mga 2 inches above the knee, pinartneran ng puting long sleeve at patterned necktie.Hindi ko nalang sila pinansin saka dumiretso na sa upuan na malapit sa bintana. Sa dulo na lang ang available kaya yun ang pinuntahan ko.
Paglapag ko ng bag ko sa table ko ay umupo na ko at tinignan ang oras.6:55 AM
Nagring na ang bell at nagsipasukan na ang mga estudyante sa kani-kanilang room.
Hindi ko inalis yung tingin ko sa bintana hanggang sa pumasok ang teacher namin.
Tumayo sila, at bumati. Nanatili lang ako sa upuan, tutal hindi naman ako pansin dito sa pwesto ko. Dulo ito at pinakasulok.
Napatingin lang ako sa harap nung nagsalita yung teacher.
"Good Morning, Class 3-B, I'm your adviser for this year, my name is Samantha Garcia. You can call me Ma'am Sam."
"In any case, is there any new students? Please raise your hands."
Tinaas ko yung kanang kamay ko, nilibot ko rin naman yung paningin ko para tignan kung sino yung mga bago. At hindi naman ako nabigo,may isa pang lalake ang nagtaas ng kamay, katabi ko siya.
"Oh, there are 2 of them, kindly introduce yourselves to the class" sabi samin sabay ngiti.
Tinignan ko yung lalaki at tinanguan, senyas na siya na ang mauna.
"A-ah. Good morning, my name is Luther Rio Chan, you can call me Rio. 18 yrs old. Transfer student from, Angelux Academy." Nahihiyang sabi niya sabay yuko, baka may lahi.
Tumayo na ko at nagpakilala.
"Good morning. Raven Zin Lee. 18 years old, from Briom Valle Academy." Sunod-sunod kong sabi sabay upo."Kyaaah! Ang gwapo ni Rio! "
"May lahi siguro siya!"
"Oo nga eh! Ang ganda ng mata niyaaa!!
"Kyaaaah! Wo Ai Ni!(I love you.)"
"Saranghae! Oppa!"
"Uyy! Pre! Raven daw, kunin mo number oh."
"Pre, parang Koreana"
"Oo nga, pareha silang may lahi."
"A-ah, Class! Calm down." Utos ni Ma'am Sam na agad naman nilang sinunod.
"G-gaya narin ng mga tanong na narinig ko, may mga lahi ba kayo?" Tanong niya.
"Opo, pure Chinese po ang grand parents ko." sagot niya sabay yuko ulit.
Kuya, dahan dahan lang baka mamaya nasa sahig na ulo mo.
"What about you? Raven." Baling sabay tanong sakin.
"Yes , Ma'am. Both my parents are Korean Citizens but grew up here ni Philippines." Sagot ko.
"Ohh! That's why. Anyways, goodluck on your studies and have new experiences." Saad niya sabay ngiti ng matamis.
Mga makailang ulit pa siyang nagtanong ngunit nagdiscuss narin siya ng mga rules at regulations dito sa campus.
Mukhang magiging mahabang araw to.
![](https://img.wattpad.com/cover/155047308-288-k259236.jpg)
YOU ARE READING
Multiple Choices Of Boys.
Teen FictionMoon High Academy. Ano nga ba ang mga bagong karanasan na ipaparamdam mo sakin? Magiging masaya ba ito? O masaklap?