-Jackie POV-
Para maka-ahon sa hirap, ako'y nagdesisyon na lumuwas sa Manila upang makahanap ng trabaho doon. Ngunit, sa kabila ng pagsisikap at tiyaga sa pag-punta at pag-sumite ng aking application sa iba't-ibang kompanya, ni-isa sa kanila ay wala man lang sumagot. Kaya eto ako ngayon, umupo nlang sa isang park para magpahinga. Napapa-isip nalang ako na ang hirap na nga ng sitwasyon ko at ng pamilya ko, pati pa naman sa paghahanap ng trabaho ang mahirap din. Habang kumakain ako ng meryenda, narinig ko nlang na may humahagolgol.
'Sinu kaya yun?' tanong ko sa sarili ko habang hinahanap-hanap kung saan nanggagaling ung iyak. Noong papalapit na ako sa may isang madilim na sulok ng building, nakita ko ang isang lalake, nkaupo sa damuhan at nakayuko. Iyak to ng iyak, na kahit ikaw nakakaramdam din ng kurot sa puso dahil sa kalagayan nito. Lumapit ako sa lalake at umupo sa harap nia.
"Excuse mu, sir. Bakit po kayo umiiyak dito?" nagtanong ako. "Kailangan niyo po ba ng tulong? May masakit po ba sa inyo?" nanong ko ulit.
Tumigil sa pag-iyak ang lalake at unti-unti niyang inangat ang ulo nia hanggang sa nagkatinginan na kami. At nabighani ako. Kahit na maga na ng mga mata nia, nakikita ko parin kung gaano ito kalaki at gaano ito kaganda. Kahit namumula na ang ilong nia, nakikita ko parin na kung gaano ito katangos. At unti-unting bumababa ang mga tingin ko sa mga labi nia.
'Ay... naka lipstick.. mas putok pa kesa sa labi ko...'
Napa-ubo nalang ako sa gulat.
"Oo. May masakit sa akin." sabi nung lalake.
Nakalimutan ko ung iniisip ko at nakaramdam bigla ng takot. May sugat ba siya? Kailangan ko bang tumawag ng ambulansya? O kaya pulis?
"Saan sir? Gusto nio po dalhin ko kayo sa ospital?" natataranta kong tinanong. "Anung gusto nio pong gawin ko?"
Hindi siya sumagot. Nagtitigan lang kami ng mga ilang segundo na parang minuto na din. Tatayo na sana ako para maghanap ng tulong hanggang sa bigla nalang siyang nagslita.
"Eto." hinili nia ako palapit sa knya at hinalikan sa gilid ng labi ko. Sinubukan kong kumawala pero hindi ako makagalaw dahil nakahawak ung kamay niya sa batok ko.
"Ikaw?" tanong niya sa akin. "Ano ang gusto mu?"
---END---
Hahaha di ko alam kung magugustuhan niyo peru super thanks sa mga nag follow at nag sub :) Update ako within this week sguro. :)
PS. Sobrang saya ko ngayong araw dahil may moment ang ViceJack sa trabahula. Hayy salamat Mamang Pokwang <3 hahaha
YOU ARE READING
Mr./Ms. CEO
RomanceAng pag-ibig na kung minsan ma'y hindi mu inakala, ay eto pa ang makakapagbago ng buhay mu. Sundin natin ang kwento nila Vice na kung saan siya ay isang CEO sa isang kompanya at si Jackie naman na isang simpleng babae lang na nagpunta ng Manila para...