Chapter 2

331 11 2
                                    


-Jackie POV-

"Ikaw?" tanong niya. "Anung gusto mu?"

Ilang segundo din akong natulala dahil sa nangyari.

PAK!

Ang tahimik na paligid ay tumahimik lalo. Walang nagsalita sa amin. Nagtinginan lang kami. Ramdam na ramdam ko ang init sa kamay ko pagkatapos ko siyang masampal. Wala naman siyang imik. Nilagay nia lang ang kamay niya sa pisngi niya at dahan-dahan hinihimas.

"Bakit mu ginawa yun?!" tanong ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagagalit o naiinis sa kanya at imbis parang...... hinahanap ko pa. Gusto ko pa....

'Jackie, anu nangyayari sayo?'

"Pasensya na ha. Di ko sinadya yun. Medyo nalulungkot lang kasi ako ngayon. Wala ako sa tamang isip nung nakita kita." ang sagot niya.

Nararamdaman ko na parang gusto ko siyang pakinggan. Kahit yan nalang siguro ang maitulong ko sa kanya.. nararamdaman ko kasi na parang wala siyang mahihingian ng tulong o kahit makakausap man lang.

"Gusto mu bang pag-usapan yun? Kahit makikinig lang ako."

"Naks naman. Ikaw ang pinaka-unang taong nag-sabi sa akin ng ganyan."

"Bakit naman? Wala kabang mga kaibigan?" tanong ko. Tumawa lang siya ng mahina at ngumiti. Yung malungkot na ngiti. Nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ko.

"Kaibigan? Marami akong kaibigan." Huminto siya saglit na parang yung pinag-iisipan ng mabuti ung sasabihin nia. "Na yung nagiging kaibigan mu pag may kailangan lang sila sayo." 

Wala naman akong masabi kasi kung sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ang alam ko lang ay kailangan nito ng taong nasasandalan niya tuwing may problema siya. Yung taong kasama nia sa pagdidiwang tuwing masaya siya. Yung taong masasabi niyang "tunay kong kaibigan to". Siguro nga masaya ka pag marami kang nakakasama sa buhay, peru dyan mu na rin mararamdaman ang pait kung kelan ikaw na yung nangangailangan ng tulong. Yung masasampal nalang sa mukha mu ung katotohanan na sa huli pala, yung sarili mu lang ang nandiyan para sayo.

Nakakaramdam ako ng awa sa kanya. Gusto ko siyang tulungan at sabihin na, 'Nandito ako para sayo.'. Pero sinu ba naman ako sa kanya at sino siya sa akin? Natatakot ako na baka mapahiya ko lang ang sarili ko. Baka naman may nobyo na to at baka naman hindi nia talaga kailangan ng tulong. Tulong na manggagaling sa isang katulad ko. Base sa kanyang suot, halata na magka-iba kami ng estado sa buhay. Yung hindi ko kayang abutin. Eh paano, relos nito ay ginto; tatak Rolex. Napa-ubo nalang ako. Wala nga akong relo kasi mas gusto kong gamitin yung pera na yun para sa mas mga importanteng bagay. 

Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nag-iisip hanggang sa nag-salita siya.

"Kahit hindi ko na sabihin ung dahilan kung bakit mu akong nahuling umiiyak dito. Ang importante, gusto kong malaman mu na dahil sayo, lumuwag ang pakiramdam ko." Tiningnan niya ako sa mata at ngumiti. At sa mga segundo na yun, nakita ko ang tunay na kaligayahan sa mga mata niya. Nakakagaan sa dibdib...

"Ano pala ang pangalan mu?" tanong nia.

"Ako si Jackie." sagot ko naman.

"Kahit ngayon lang tayo nagkakakilala, there's something about you that made me happy. Your atmosphere is so light. Hindi ka nakakatense kasama." sabi nia.

"Salamat, Jackie ah." at tumayo ito. Nagsimula na siyang maglakad papalayo nung tinanong ko siya.

"Anu po ang pangalan niyo?" 

"Vice. Ako si Vice." Ngumiti sya ulit bago siya naglakad at patuloy na itong nawala sa paningin ko.

'Vice.... magkikita pa kaya tayo ulit?' bulong ko sa sarili ko. Gusto kita makita ulit, Vice.



----

Hello! Sorry natagalan ako mag-update. Sobrang busy sa work! :'( Peru atleast napapadalas na moment nila Vice at Jackie ngayon sa Showtime ah. Lalo na tuwing segment ng Trabahula. Haha.

Thank you sa mga nag subscribe at nag star ng story ko! Sana nagustuhan nio cya so far. :)


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mr./Ms. CEOWhere stories live. Discover now