Ormosia Pov
Paggising ko alas kwatro na pala ng hapon.
Akalain mo yun ilang oras din akong nakatulog uh. Nasa clinic din pala ako. Hindi Sinabi sakin ng nurse kung sino ang nagdala sakin dito. Nagpumilit ako Pero ayaw talaga hays. I wonder bakit kaya?
Sayang magpapasalamat pa naman sana ako ...Binilinan narin ako ng nurse na wag magpupuyat at wag magpapagod. Nagpaalam narin ako at umalis na. Ang problema ko nalang ngayon pagabi na.
Jusko mag isa nalang ako ngayong nag lalakad sa hallway. Huhu nakakatakot.Patakbo akong palabas sa gate isasara na kasi ni manong guard . Ako nalang ata ang tao sa school huhu.
Paglabas ko ng gate , humampas sakin ang sariwang hangin. Luminga linga ako takte wala na ata akong masakyan . Dibale na lalakarin ko nalang tutal medyo malapit lang naman. Ang kinakatakutan ko 2 skinita pa ang lalampasan ko bago ako makarating sa bahay . God help me huhu.Nag simula na akong maglakad. Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko .
Nakakatatlong hakbang palang ako nang may maramdaman akong parang may sumusunod sakin. I calm myself. No no.guni guni ko lang to.Napapikit ako nang may narinig akong parang may sumisitsit sakin. Nagsitaasan lahat ng balahibo ko. Pakiramdam ko nasa isang horror scene ako kung saan huling araw ko nato. Lumakas ang tibok ng puso ko nang paglingon ko wala namang tao, huhu guni guni ko lang ba yun? Marsiang!!! Nababaliw kana ata.
Nakarinig ako ng halakhak ng mga kalalakihan agad agad akong nagtago sa malaking puno malapit sa skinitang pinagdadaan ko . Hawak hawak ko ng mahigpit ang bunganga ko para hindi ako makapagsalita sa kabang nararamdaman ko. Pakiramdam ko anytime pag nakita nila ako kikitilin nila ako ng buhay.
HuhuhuhuSumilip ako para makita kung sino sila,
Agad akong tinubuan ng kaba..
Hindi ko sila kilala shiiiizzzz ... Sino sila?
Mga kalalakihang may bilang na isa dalwa tatlo ... Walo? Walo silang lahat!. napahigpit ang kapit ko sa puno. God.. Konting lapit nalang makikita na nila ako dito.. Lord mamatay na po ba ako? HuhuhuNapansin ko ding naka half mask silang lahat. Yung mata lang ang nakikita..
Nasa left side ang apat kalalakihan. Apat din sa Right side . Naka itim silang lahat animo parang may lamay silang dadaluhan..Anlakas ng tibok ng puso ko juskopo madalim din sa gawi nila kaya masyadong hindi ko sila maaninag. Tatlong dangkal Lang ang layo nila saakin kaya naririnig ko pinag uusapan nila.
" Ilang oras nalang ang natitira naiinip na ang ating pinuno" nagsalita ang lalaking may katangkaran... Puno and presko ang pagkasabi nito. Nag si yukuan naman ang lahat. Anak ng tokwa ano batong nasasaksihan ko. Agad akong napapikit nang may mapaapakan akong plastic bottle dahilan para makagawa ako ng ingay nanlaki ang mga mata ko nang naagaw ko lahat ng atensyon nila at nakatingin sa punong kinaroroonan ko.
At tumigil ang mundo ko naiiyak na ako sa kaba nang lumapit ang isa sa kanila dali dali naman akong humakbang ang siniksik ang sarili ko sa mga halaman nagpapasalamat nalang ako dahil medyo madilim at malalaki ang mga halaman pero kahit ganon posibleng makita parin nila ako huhuhu. Taimtim akong nanalangin nang nakita ko ang dalawang pares ng paa sa harapan ko tumutulo ang luha ko at pilit wag kumawala ng ingay jusko anong gagawin ko pag nakita nila ako . Ni hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa buhay ko
"May tao ba dyan Ru?" dinig ko ang isang tinig na nanggagaling sa mga grupo ng kalalakihan. Hindi ako gumaalaw nakapikit ako para hindi ako makagawa ng ingay umiiyak parin ako ... Jusko katapusan ko naba?
Nagulat ako nang may lumabas na itim na pusa galing sa taas ng puno maging ako nagulat ngunit minabuti kong wag mag ingay
" Tanginang pusa yan " saad ng lalaking nasa kinaroroonan ko ngayon.. Pigil ang hininga ko nang tumingin sya sa mga halamang kinaroroonan ko .. Nakahinga naman ako nang maluwang nang sa wakas lumisan na sya kinaroroonan ko..
Hindi ko na narinig ang mga tinig nila mga yabag nalang ng mga paa at naririnig ko. Nang masigurado kong wala na sila ingat na ingat akong lumabas sa kinaroroonan ko. Lumingon ako kung naroon parim sila . Ahhh thank God wala na sila . Dali dali akong naglakd hanggang makarating ako sa bahay . Napasapok ako sa noo . Pagtingin ko sa relo alas 8:00 na pala. Sinarhan narin nila ako ng pinto.. Dating gawi . Agad akong pumasok sa hidden door ko patungo to sa kwarto ko talagang patagong ginawa koto dahil pag nasarhan na ako ng pinto hindi na nila ako papapasukin. Nang makarating ako sa kwarto ko pabagsak akong humiga sa kama ko. Agad akong nagtalukbong ng kumot natatakot padin ako hanggang ngayon jusko sino sila bakit ganun bakit sila naroon?
Sa pagod sa takot at sa lahat na nangyari sakin ngayon iniisip ko padin hanngang sa hilain ako ng antok ~~
***********
Authors note!Helloooo
Hihi sino ngaba sila ?
July 20, 2018
Enjoy reading
BINABASA MO ANG
ORMOSIA(ongoing)
Teen FictionSana all maganda. Sana all napapansin nila. Sana all katanggap tanggap nila. Sana all pag nagmahal mamahalin din. Sana all mahal ka. Sana Sana Sana