CHAPTER 2

20 5 0
                                    

Alas Siete na ngunit dipa kami nakakauwi dahil inabutan na kami ng traffic.

Natapat kami sa isang park kung saan may isang pamilya na nagkukulitan.Buhat buhat ng ama ang kanyang anak habang hinahabol naman sila ng ina.

At sa pagkakatingin ko, Ang saya saya nila.

Hindi ko tuloy maiwasang maisip ang daddy ko.Ano kayang hitsura niya?Binubuhat niya rin kaya ako nung bata ako?Nasan na kaya siya?Okay lang kaya siya?Iniisip niya rin kaya ako?

Kasabay ng pag-andar ng sasakyan namin ay ang pagpatak ng luha ko.Hindi ko lubos maisip na sa dinami-dami ng tao sa mundo bakit kabilang ako sa mga walang Ama.

"Sunshine." Tawag pansin saakin ni manong jerry.Ang driver namin.

"Po?" Sagot ko naman.

"Okay ka lang ba?Mukhang umiiyak ka kasi eh.May nangyari ba?" Nag aalalang tanong niya.

"Ahh wala po ito." Pilit ang ngiting sagot ko.

"Kanina ko pa kasi tinatanong kung gusto mo munang mag meryenda kaso hindi ka sumasagot eh.Umiiyak ka na pala.Ano bang nangyari?" Tanong ulit niya.

"Wala po manong.Tara na ho baka hinihintay na tayo ni mommy." Pilit pa rin ang ngiting sagot ko at nagpatuloy naman siya sa pagmamaneho.

Alas siete imedya na noong nakarating kami sa bahay at hindi nga ako nagkamali.Hinihintay ako ni mommy.

"Oh bat ngayon lang kayo?" Tanong ni mommy.

"Inabutan po kasi kami ng traffic mommy." Simpleng sagot ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Hey you look sick are you okay Sunshine?" Nag aalalang tanong niya.

"Yes mom." Nakayukong sagot ko.Pero alam kong hindi siya kuntento sa sagot ko.Alam kong mag uusisa siya.

"I know there's something your not telling me.Come on,tell me what's wrong honey.What's the problem?" Maalumay na may kasamang pag aalalang tanong ni mommy.

Sasagot na sana ako nang biglang may tumulong luha mula sa aking mga mata.

"Hey Sunshine don't cry.What's the problem baby?" Tanong ulit niya.

"Mom,I just wonder,Is my dad thinking of me right now?Kilala niya parin kaya ako?May balak pa kaya siyang makilala ako?" Humahagulhol ng tanong ko.Natigilan naman si mommy.

"Anak bakit mo natanong yan?" Malungkot niyang tanong.

"Dahil gusto ko pong maramdaman ang pakiramdam ng may isang ama." Umiiyak kong tugon.

"Am i not enough Sunshine?" Tanong niya at ako naman ang natigilan.

"I don't mean like that mom.kanina po kasi natapat kami sa park at nakakita po ako ng isang family na naglalaro doon.Ang saya saya nila mom.Iniisip ko lang po kung naging ganun din po ba ang daddy ko noon.Kung di po kaya umalis si daddy magiging masaya po kaya tayo as family?makikita ko pa ba siya mommy?" Tanong ko at natigilan na naman siya.

"Umaasa ka parin ba anak?" Naaawang tanong ni mommy.

"Bakit mommy sumusuko kana?" Pabalik na tanong ko pero tiningnan niya lang ako kaya mas lalo akong naluha.

Talagang sumuko na pala siya.

"Akyat na po ako mommy." Sambit ko at pinunasan ang mga luha ko.

"Hindi mo lang ba ako sasabayang kumain Sunshine?I cooked your favorite." Sagot niya.

"I not hungry mom.Nag meryenda po ako kanina bago ako umuwi." Pagsisinungaling ko at umakyat na ako.

My Long Lost ManWhere stories live. Discover now