Nasa harapan namin ngayon ang papalubog na araw. Ang kaninang bughaw na dagat ay naging kahel at ang langit ay kinakain na ng dilim. Habang sya ay nasa likuran ko at nakayakap sa akin ay bigla namang umihip ang hangin at unti-unting nilipad ang aking may kahabaang buhok. Everything right now is perfect. No, It's beyond perfection. It feels surreal but God help us surpass all the challenge and now we're together.
"Penny for your thoughts?" sabi nito at mas lalong hinigpitan ang yakap saakin.
"Wala naman. Naisip ko lang kung paano kaya kung hindi kita nakilala, ano kaya ako ngayon?" pagsasabi ko naman ng aking iniisip.
"Kung di man tayo nagkakilala, gagawa at gagawa ako ng paraan para ang landas natin ay magtagpo. Di ko kayang isipin ang buhay ko kung hindi ikaw ang kasama ko." sabi nito sabay halik sa aking balikat at mas lalong hinigpit ang kanyang yakap. Humarap naman ako sa kanya at tinignan sya sa mata. All I can see is love, sincerity, and honesty.
"I love you" sabi ko habang diretsong nakatingin sa kanyang mata. Alam kong sinasalamin lang ng mata nya kung ano man ang nasa aking mga mata.
"I love you too. No matter what happen, I will love you forever." sabi nito at binigyan ako ng isang magaang halik at pagkatapos ay tinignan akong muli sa aking mata. Pinulupot ko naman ang aking mga kamay sa kanyang balikat at ang kanya namang kamay ay lumandas sa aking bewang at ako'y hinila palapit sa kanya na tila ba malaki pa ang distansya sa aming dalawa. Dahan-dahan kaming gumalaw at sinimulan ko ang pagkanta ng hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Di, di ko inakalang
Darating din sa akin
Nung ako'y nanalangin kay Bathala
Naubusan ng bakit
Bakit umalis nang walang sabi?
Bakit 'di siya lumaban kahit konti?
Bakit 'di maitama ang tadhana?Kinanta naman nya ang sumunod na lyrics at katulad ko ay di rin binibitawan ang tingin saakin.
At nakita kita sa tagpuan ni Bathala
May kinang sa mata na di maintindihan
Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo
Nung ako'y ituro mo
Siya ang panalangin koAko naman ang kumanta at nagsisimula ng manubig ang aking mga mata. I never thought that this moment will happen. Sa lahat ng nangyari saamin, lahat ng pagsubok, pagdududa, lahat ng masasakit na salitang aming nabitawan sa isa't isa di ko aakalain na magkakatuluyan parin kami.
At hindi di mapaliwanag
Ang nangyari sa akin
Saksi ang lahat ng tala
Sa iyong panalangin
Pano nasagot lahat ng bakit?
Di makapaniwala sa nangyari
Pano mo naitama ang tadhana?Ngayon naman ay sabay na naming kinanta ito. Pareho na rin kaming lumuhuha. Oo nga at di naging madali ang aming laban. Madaming nasayang na oras pero I will never give up on him. He is worth the fight. Our love is worth the fight. I so love this man in front of me.
Nung nakita kita sa tagpuan ni Bathala
May kinang sa mata na di maintindihan
Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo
Nung ako'y ituro mo
At hindi ka lumayo
Nung ako yung sumusuko
At nagbago ang mundo
Nung ako'y pinaglaban mo
At tumigil ang mundo
Nung ako'y pinili mo
Siya ang panalangin koPinunasan naman nya ang luhang kanina pa lumalandas sa mukha ko at ganon din naman ang ginawa ko sa kanya. Pagkatapos ay nagyakapan kami ng pagkahigpit. Mas lalo tuloy akong napahagulgol. Hindi ko alam kung anong nagawa ko at ibinigay saakin ng Diyos si Saturnino. I know there's a lot of girls out there na mas deserving nya pero I would never give up on him. Hinding-hindi ko na sya bibitawan. I would do everything to be worthy to be by his side.
"I love you." sabay pa naming paglalahad. Natawa nalang kami at sa huli ay pareho naming tinanaw ang langit. Puno na ngayon ito ng mga bituin. Saksi ang mga tala at ang Diyos sa pag-iibigan naming dalawa. Tumingin naman ako sa kanya at napangiti. I love you Saturnino always and forever.
YOU ARE READING
Our Kismet
Teen Fiction"I first saw you in his home. You're singing your heart out with closed eyes and big smile and when you open the windows to your soul, our gaze meet. From that moment I know that you are the girl that I will marry. Sounds crazy but I'm already crazy...