Capitulo Dos

1 0 0
                                    

Mahlia's P.O.V.

Pagkatapos ng pagdiriwang ng bagong kasal ay dumiretso kami sa reception area. The place is magical. Punong puno ng ilaw ang buong lugar na nagmimistulang mga tala sa kalangitan. The reception is an outdoor place dahil ang bagong mag-asawa ay parehong mahilig sa kalikasan. Sa pinakagitna naman ay may malaking puno na pinalibutan din ng ilaw at sa ilalim ng puno ay may nakahandang lamesa para sa bagong kasal. Sa gilid naman ng lamesang iyon ay naroon at nakalagay ang 3-layered cake na may disenyong bulaklak na kulay rosa at puti. Nagmistulang cherry tuloy ang cake nila. The newly wed couple ay nakilala ko dati sa isang cafe. Naalala ko noon na mag boyfriend-girlfriend palang sila. Nagtatampo kasi si ate Sky kay kuya Flaire at napagdisyunan nilang mag-usap sa cafe na yun. Sakto naman at kumaraket ako sa café na yun tapos ang kinanta kong song ay "Sorry na" by pakorya ni edgar. Ayun damang dama daw lalo ni ate Sky ang paghingi ng tawad ni kuya Flaire. Simula non naging regular customer na sila sa cafe. Kaya naman ngayong kasal nila ay ako ang napili nilang kumanta habang naglalakad si ate Sky papuntang altar. Natutuwa lang ako dahil alam ko ang hirap na pinagdaanan nila makarating lang sa dulo sa Bahay ng Maykapal. Inilibot kong muli ang aking paningin at ang umagaw sa pansin ko ay ang imahe ni Saturnino. Kinusot ko muna ang mata ko para makumpirma talaga na si Saturnino talaga ang nakikita ko. Siya nga! Kaano ano ba nya ang may kasal? Teka si ate Sky ay Jimenez samantalang si Saturnino ay Jimenez din! Hay naku Mahlia madalas talaga ang bagal magproseso ng utak mo. Malamang magkamag-anak sila. Pero alam ko only child si ate Sky so probably mag-pinsan sila? Baka nga.

"Lia nandoon yung assigned seat para satin" turo ni Alex sa bandang kaliwa.

"Pasensya na. Lumipad na naman ang utak ko. Paano ba naman ang ganda dito" pagdadahilan ko at binigyan ng nahihiyang ngiti si Alex.

"Okay lang sanay na naman ako." sabi nito at sabay gulo ng buhok ko. Nagiging habit na ni Alex na lagging guluhin ang buhok ko. Siguro dapat ko ng pagbawalan ng masyadong k-drama si Alex. Minsan kasi feeling ko feeling nya nag-fi-film kami ng drama. Hay.

"Lex naman, bawas bawasan ang panonood ng k-drama. Mahirap kaya mag-ayos ng buhok. Minsan na nga lang kumulot ang buhok ko e guguluhin mo pa." paninita ko dito na akala mo nanay nya.

"Sorry na po Miss, Minchin. Ang gaganda kasi ng plot twist ng k-drama."sabi pa nito na may ngisi sa labi. Na-corrupt na ata ng Korean ang utak ni lex.

"Sige lex susuportahan kita kung saan ka sasaya. You got me." natatawang sabi ko. Inaasar ko lang naman kasi sya about k-drama. Alam ko namang pinagti-tripan nya lang talaga ang buhok ko.

"Sige nga, ligawan kita dyan" pabulong nyang sabi. Di ko tuloy naintindihan masyado.

"Anong ligaw?" tanong ko sa kanya at tinignan sya sa kanyang mga mata. Tama ba ako ng narinig?

"Oo ligaw. Ililigaw na kita ng ma-explore mo naman ang mundo." mabilis na depensa nito.

"Ako ililigaw mo? Sa tingin mo magtatagumpay ka? Ha?" sabi ko dito na para bang nagbabanta.

"Syempre!" sabay pa naming sagot. Natawa naman kaming pareho dahil alam na alam nya na wal akong sense of direction.

"Kaya ikaw wag na wag mo akong ililigaw baka kung saan pa ako mapunta." sagot ko naman ng makabawi sa pagtawa ko.

"Oo, di talaga kita ililigaw. Baka mapunta ka pa sa kanya." naguluhan naman ako sa sagot nya. Kanino naman ako mapupunta?

"Ewan ko sayo." yun nalang ang nasabi ko. Di ko naman kasi alam kung ano ang isasagot ko sa kanya Sa kaka-usap namin ni Alex ay di namin namalayan na nasa tapat na pala kami ng upuan namin. Nandoon narin ang iba naming ka-banda.

"Yow! Tagal nyong maglakad. Para kayong nagalalakad sa buwan. Nagfi-feeling nasa k-drama na naman yan si uod ano?" pambungad na tanong ni Alliea saamin ni lex. tawag nga pala ni iea kay lex ay uod sa hindi naming alam na dahilan. Basta nasanay nalang kami na yun ang tawag ni iea kay lex. Nga pala si Alliea ay kasama ko rin sa banda. Actually, Lima kami sa banda. Ako na vocalist, si Lex na guitarist, alliea na pianist, Azhton as the drummer and Leo na electric guitarist, si lex kasi ay bass guitarist. Si Alliea talaga ang nag-intorduce ng banda saakin. Tapos kinalaunan naging kaibigan ko narin sila. Bukod sa kanila ay iba pa akong mga kaibigan pero puro babae kami. As a matter of fact, magkikita-kita nga pala kami bukas.

"Oo, kanina nga may pagulo-gulo pa ng buhok ko" panunumbong ko kay iea. Natawa naman ang buong grupo.

"Torpe!" sigaw ni leo kay lex. Sa totoo lang may hinala na naman akong may gusto si Alex saakin pero kasi di naman nya direktang sinabi pati ayokong mag-assume. Namumula na tuloy si Alex dahil sa pang-aasar ng tropa sa kanya.

"Tigilan nyo na nga yan. Tignan nyo yung tao halos mapunta na ang lahat ng dugo nya sa mukha." pagsasabi ko na mas lalo atang kinamula ni Alex. Wrong move pa ata.

"Ayan bumabalik na sya sa tunay nyang anyo. Bwahahaha." pagdadagdag gatong ni iea. Napahilot nalang ako sa sintido ko at pinatigil na sila ni alex. After ng toast ay may nag-congratulate ang mga family member nila ate Sky and kuya Flaire. Nag-first dance na rin sila at maya maya ay open na ang dance floor para sa mga gusting sumayaw. Di na muna kami tumayo dahil puro lover ang nagsayaw sa gitna. Hinintay nalang namin na i-serve ang pagkain namin. Actual three-course meal sya. May appetizer, main dish tapos may desert pa. Sosyal kasi ang mag-asawa. Nang natapos kami sa pagkain ay sakto namang nagbago ang kanta. Malumanay parin naman ngunit hindi na katulad kanina na puro lovers ang nasa gitna. Nakakatuwa ngang isipin na ang daming nag-iibigan. Puro kasi ngayon sa internet ay "walang forever" o di kaya ay "maghihiwalay din kayo". Minsan di ko maisip bakit di nalang maging masaya ang ibang tao para sa kasiyahan ng iba. Masakit ba sa mata na makitang masaya ang ibang tao?

Kanina habang nang-co-congratulate ang mga kamag-anak ni ate Sky ay hinintay ko kung makikita ko bang muli si Saturnino. Siguro mali lang ako at nagkataon lang talaga na magka-apelyido sila or baka may nangyari lang talaga. Nanghinayang ako na hindi ko na sya muling nakita hanggang ngayon. Nasa malalim ako na pag-iisip ng biglang may naglahad ng kamay saakin. Tinignan ko naman kung kaninong kamay yun at ganon na lamang ang gulat ko ng mga palad pala ni Saturnino ang nasa harapan ko? Teka niyayaya nya ba akong sumayaw? Nakita ko naman ang gulat din sa mata ng kagrupo ko lalo na ni iea dahil alam nyang may tinatago akong pagkagusto kay Saturnino. Natigilan naman kami ng biglang hawakan ni Alex ang braso ni Saturnino na tila ba pinipigilan ito. Dahil doon ay nabaling kay Alex ang tingin ni Saturnino. Nakita ko naman ang mapanghamong mga mata ni Alex. Teka, natulala lang naman ako ng saglit diba? Paanong nangyari ang nasa harapan ko ngayon?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 24, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our KismetWhere stories live. Discover now