Mahlia's P.O.V.
Ako si Mahlia Bibianna Hermosa. Maihahalintulad daw nila ako kay Maria Clara. Tipong mahinhin, di makabasag pinggan, konserbatibo, at maka-Diyos. Maraming nagtataka bakit daw ganito ako. I grew up in a liberated place pero hindi ko rin alam bakit ganito ako. Laging ngiti lang ang sagot ko sa kanila dahil hindi ko naman obligasyon na ipaliwanag ang sarili ko sa ibang tao. I don't own them any explanation for being me. Ano naman kasing paki nila kung ganito ako. As long as wala akong ginagawang mali at hindi ko natatapakan ang dignidad ng ibang tao ay hindi ako magbabago. Minsan na rin akong nasabihan na nasa loob daw ang kulo ko at dapat daw na mas mag-ingat ang mga kaibigan ko saakin dahil isa daw akong ahas. Tahimik lang pero makati at makamandag. Alam ko namang di sila maniniwala sa pinagsasabi ng iba. Alam kong may tiwala sila saakin. They are my friends ever since we were young and they know me inside and out and vise versa. Moderno man ang kinalakhan kong henerasyon ay mas ginusto kong maiba. Ito kasi ang itinuro saakin ng aking ama at ina at naaayon din ito sa Bible. Ang mga kabataan kasi ngayon ay masyadong liberal patungkol sa relasyon at pakikipagtalik. Gusto ko kasi na ibigay ang buong ako sa lalaking mamahalin ko at pakakasalan ko. Hindi na daw uso yun pero ano namang paki ko sa uso na yan. I rather preserve myself kesa naman ibigay ko sa maling tao. Ito ang paniniwala ko. Iba man sa pananaw ng ibang tao ay ginagalang ko naman ang kanilang pananaw. Kanya kanya lang naman tayo ng pananaw sa buhay and beside buhay naman natin to so I'll do what I want and you do what you what.
Kasalukuyan akong nandito sa Simbahan. Suma-sideline kasi ako sa pagiging wedding singer. Ayoko naman kasing iasa ang lahat sa magulang ko. Matanda na sila at ayokong pati ako ay tutustusan pa nila. Kaya ko na naman ang sarili ko. As of now, I'm currently third year college at University of Regina taking business management. Gusto ko kasi balang araw na makapagpatayo at magmanage ng sarili kong spa shop. Nakahanda na akong kumanta at sinenyasan ko na ang banda na magsimula na sa instrumental para que sa pagpasok ng bride. Ipinikit ko na ang aking mga mata at kumanta. Damang-dama ko ang kinakanta ko habang iniimagine na balang araw ako naman ang naglalakad papuntang altar. Di ko mapigilang mapangiti.
Ohh ohh
When the visions around you
Bring tears to your eyes
And all that surround you
Are secrets and lies
I'll be your strength
I'll give you hope
Keeping your faith when it's gone
The one you should call
Was standing here all along
And I will take
You in my arms
And hold you right where you belong
Till the day my life is through
This I promise you
This I promise youHindi lang ako modernong version ni Maria Clara, isa rin akong hopeless romantic. Hindi ko mapigilang kiligin sa mensahe ng kanta. Na-curious naman ako sa reaction ng groom at nararamdaman kong may mga matang nakatitig saakin. Kaya naman ay unti-unti kong idinilat ang aking mga mata at sumalubong saakin ang titig ng berde nyang mga mata. Such a beautiful eyes. It's Saturnino that's looking deeply at me. At aaminin ko bigla akong kinabahan at nanginginig ang aking mga binti. Sino ba namang di kakabahan sa titig nya palang nakalulusaw na ako. Sa totoo lang gwapo naman talaga si Saturnino pero kasi out of my league sya. We are totally opposite. Pati baka guni-guni ko lang na nakatingin sya sa akin. Bakit naman kasi sya titingin sa akin? Ahhh alam ko na. Baka kinikilala ako. Kaklase ko kasi sya sa isang major ko at dalawang minor. Pero di naman talaga kami nag-uusap bukod sa academic na topic lang. Ayoko rin naman syang kausapin dahil ang awkward lang. Imbes na makipagtitigan sa kanya ay nilingon ko ang bride at groom at pinagpatuloy ang kanta.
I've loved you forever
In lifetimes before
And I promise you never
Will you hurt anymore
I give you my word
I give you my heart (give you my heart)
This is a battle we've won
And with this vow
Forever has now begun
Just close your eyes (close your eyes)
Each loving day (each loving day)
I know this feeling won't go away (no..)
Till the day my life is through
This I promise you
This I promise you
Over and over I fall (over and over I fall)
When I hear you call
Without you in my life baby
I just wouldn't be living at all
And I will take (I will take you in my arms)
You in my arms
And hold you right where you belong (right where you belong)
Till the day my life is through
This I promise you babySinarado kong muli ang aking mga mata at winala sa isip ko na nandito si Saturnino. I can't loss my focus dahil baka masira ko pa ang araw ngayon ng may kasal. Wait kaano-ano nya kaya yung ikakasal? Nevermind.
'Ikaw Mahlia mag-focus ka nalang.'- paninita ko sa sarili ko at itinuloy ang sunod na lyrics.
Just close your eyes
Each loving day (each loving day)
I know this feeling won't go away (no..)
Every word I say is true
This I promise you
Every word I say is true
This I promise you
Ooh, I promise youNang matapos ko naman ang aking kinakanta ay nakarating na ang bride sa kanyang groom. Di tuloy maiwasan ng utak ko na lumipad sa future ko. Sino kaya ang itinadhana ng Diyos saakin? Nakilala ko na kaya sya? O baka naman five years from now ko pa sya makikilala? Nakakabaliw namang mag-isip. Hindi dapat ganito. Sabi nga ng Diyos na magtiwala lang sa kanya dahil naka-ready na ang future ko. Tama tama. Maghintay ka lang Mahlia malay mo nasa tabi tabi lang ang future groom mo. Bigla namang pumasok sa isip ko ang litrato ni Saturnino kanina habang nakatitig saakin.
'Noooo!' iniling ko ang aking ulo kahit ako lang naman ang nakakarinig ng aking iniisip.' Mahlia hingang malalim. Inhale. Exhale. Kunwari walang kang naisip okay? Just forget about that thought. Kahit kailan di yun mangyayari. Si Saturnino para lang yang planet Saturn, out of your reach at delikado. It's known yet unknown kaya ikaw maghunos dili ka.' panenermon ko sa aking utak. Huminga naman ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Inabala ko nalamang ang aking utak sa kasal na nangyayari.
Ano kayang feeling ng ikasal? Paano pa kaya yung mahanap mo yung lalaking mamahalin ka habang buhay? Pinagsaklop ko ang aking mga kamay at nagsimulang manalangin.
'Lord di naman po sa minamadali ko kayo pero curious lang po ako. Nakilala ko na po ba ang the one ko? O next next next year pa po? Lord I trust you and I'll wait for the right time and the right place. No rush God. Alam ko naman pong di nyo ako papabayaan at lalong di nyo po ako hahayaang mag-isa. Salamat po. Amen.' panalangin ko. Sa hindi ko malamang kadahilanan ay bigla akong napatingin sa gawi ni Saturnino at mas lalo akong nagulat ng nakatingin rin pala sya sa akin. Bigla naman akong napaiwas. No way. Nakatingin ba talaga sya saakin? Naramdaman ko naman na kinakabahan na naman ako at ang bilis ng tibok ng puso ko. Di naman ako nakipagkakera dahil kanina pa ako dito nakaupo. No way. No way. Just no way. Imposible talaga. Tinampal ko naman ang aking noo para mabalik sa wisyo ang utak ko.
"Ayos ka lang?" concern na tanong ni Alex. Sya yung nag-giguitara kanina. Nakalimutan kong sabihin na mga kaibigan ko yung nasa banda kanina. Katabi ko kasi sya ngayon at nakita nya siguro yung pagtampal ko sa uno ko. Malamang sa alamang nagtataka to sa kinikilos ko. Baka nga naisip nya pa na baliw ako.
"Wala yun. Wag mo nalang akong pansinin. May naisip lang ako bigla hehe" pagpapaliwanag ko naman.
"Ganon ba kalala para tampalin mo ang noo mo? Hahaha ang weird mo talaga Lia." sabi nito at tinapik pa ang balikat ko. Aminado naman akong minsan ay weird ako. Pati di naman malakas ang pagkakahampas ko sa noo ko. Tamang lakas lang para mabalik sa present ang utak ko.
"Medyo." sabi ko sabay ngiti ng alanganin. Binalik nalang namin ang paningin sa harapan.
"I pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." lintanya ng pari at hinalikan naman ng groom and bride ng puno ng pagmamahal. Ang sweet nila. Sana ako rin someday makaranas ng ganyan. Muli na naman akong lumingon sa gawi kung saan nakaupo si Saturnino kanina ngunit bakante na ito. Bigla naman akong nalungkot at tumamlay ang sigla ko. O well, what do I expect it's Saturnino and wedding is not his thing.
YOU ARE READING
Our Kismet
Teen Fiction"I first saw you in his home. You're singing your heart out with closed eyes and big smile and when you open the windows to your soul, our gaze meet. From that moment I know that you are the girl that I will marry. Sounds crazy but I'm already crazy...