Lumuhod ang labing tatlong taong gulang na si Eunice Amor sa paanan ng kama. Isinuksok niya ang kanang kamay sa pagitan ng mattress at bed frame para kunin ang story book na ibinigay sa kanya ng mama niya nung nabubuhay pa ito. Doon niya itinatago ang story book dahil siguradong parurusahan siya ng lolo niya kapag nalaman nitong nagbabasa siya ng mga ganoong libro.
Sa edad kasi ni Eunice, puro business books na ang ipinababasa sa kanya ng lolo niya kahit hindi pa niya naman maintindihan ang mga nakasulat doon. Ang sabi kasi ng lolo nya na si Don Jordan Yllusurio, mas magandang sa murang edad ay maintindihan na niya kung paano ang magpatakbo ng isang negosyo.
Napatayo siya ng hindi makapa ang libro. Sinubukan pa niyang buhatin ang mattress para masilip ang ilalim at hanapin sa iba't-ibang panig nang kwarto pero wala roon ang libro. Nagsimulaa na siyang kabahan. Alam niyang nandoon lang sa ilalim ng kama niya ang libro nilagay pagkatapos niya basahin and kwento ng Beauty and the Beast.
"Looking for this?" mahina pero ma awtoridad na tanong ng lolo niya. At unti-unti syang humarap sa lolo nya. She tried to explain but her lolo stop her.
"Ilang ulit ko bang sasabihin na bawal ka magbasa ng ganitong libro. Napakawalang kwentang libro! I've told you already that you should read only business books pano ka matututo kung ito lagi ang babasahin mo ha." Mariing sabi nito bago pinunit ang libro.
"I understand po" sagot nya habang umiiyak
"Don't dissapoint me Eunice Amor" sabi nito bago umalis ng kwarto nya. Umiiyak na pinulot nya ang librong pinunit ng kangyang lolo habang humihikbi.
"I will fix you at itatago kita. Hindi man ako makakabasa ulit ng librong ibinigay mo mom but the story of belle and the beast will always in my heart." Sabi nya sa sarili bago nya isinilid sa kahon at inilagay sa ibabang bahagi ng kanyang cabinet.
BINABASA MO ANG
The Princessita
Teen FictionA'mari Deor Zytka Yllusurio - beautiful,smart,talented and super rich but a totally spoiled brat. Everyone envy her for having a perfect look and a perfect life that everyone wants. Everyone says She is like a princess and She get what she wants exe...