Chapter 2

59 1 0
                                    

Kylie's P.O.V

OH NOOO!!! This can't be happening!!!

Hiyaw ng utak ko dahil muli na naman kaming nagtagpo nung lalaki kahapon. Ni sa hinagap ko ay hindi ko akalain na dito kami magkikita nung buysit na lalaking yon. Haay. Hindi pa nga ako nakakamove on sa kahapon na pambabastos nya sa akin eh. Kasalanan ko ba na nag aalala lang tlaga ako sa boyfriend ko? Tama na nga ang drama, baka saan na naman mapunta ang isip ko eh.

''Ms. Tan are you listening?''

Nahimasmasan naman daw ako sa narinig kong sabi nang kaofficemate ko. Nabalik na yung diwa ko sa kasalukuyan

''Yes Sir'' May Sir, kasi mas mataas pa rin naman yung pwesto nya kesa sa akin.

''I will repeat what I have said. I said say Good Morning to Mr. Rivera.''

''Good Morning Mr. Rivera.''

Tanging tango lamang ang nakuha kong sagot mula sa bago kong Boss. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa pangyayaring ito. Kung maiinis ba ako kasi magiging katrabaho ko yung hambog na lalaking yun, o maiinsulto ako dahil doon sa buysit na kaofficemate ko. Anyways, kailangan ko makaisip ng paraan para hindi kami masyadong magkita nung lalaking yun. Paano kaya?

''Ehem. As I said, ngayon tayo mamimili nang bagong secretarya ni Mr. Rivera. At ayon sa napagmeetingan kahapon ay......''

Lord sana wag ako ayaw ko pong makatrabaho ung lalaking yun. Please Lord magpapartime nlang po ako para umasenso yung buhay namin. Please Lord.

''Ang napili ay si Ms. Tan. Ikaw na ang bagong secretarya. Congratulations''

OMO. Buhay nga naman. Expect the unexpected. Kainis. Lord naman eh.... Why are you so mean??? Pero wala naman akong magagawa might as well go with the flow na lang ang drama ko ngayon. Haha.

"Thank you Sir. I promise that I will work hard." sagot ko na lang ng may pekeng ngiti sa labi.

"Then work harder. I don't want people working in my company to think of other things while working. Keep that in mind Ms..."

"Tan Sir. Ms. Tan"

"Well then Ms. Tan. I am expecting your full cooperation as the new CEO of this company. That's all you can go back to your work."

"Taray namn ng bagong boss natin no. Nagpapacute na nga ako wa epek pa rin. Hmmp!" Hiyaw ng isa kong kaofficemate.

"Oo nga." sagot namn ng isa.

Pero mukhang napalakas ata ang boses niya kaya bago pa makabalik si Sir sa office ay narinig niya iyon.

"The last thing I said is to go back to your work not to chit chat with your officemates." sabi ni Sir sa may malamig na tinig. Atsaka nagpatuloy sa paglalakad papunta sa office niya.

Nyiikks!!! Katakot! Keri ko ba to? Gulay! Basta iisipin ko na lang na para to sa mga magulang ko. Hehe. Noong marinig yun ng mga kaofficemates ko ay nagmadali sila sa pagbalik sa kanikanilang ginagawa. Takot siguro yung mga yon. Ang sungit namn kasi ni Sir. Mukhang meron siya ngayon.




Gumagawa ako ng ilang paper works ng sabihin ng kaofficemate ko na tinatawag ako ni Sir. So binitawan ko yung mga papers at nagpunta na ako sa office ni Sir. Mahirap na baka bigla na naman maginit ang ulo niya. Scarry! Nasa tapat na ako ng pintuan ni Sir. Syempre boss ko pa rin naman siya kay kumatok muna ako sa pintuan.

"*Knock! Knock! Knock! Sir?''

" Come In"

Binuksan ko ang pinto at pumasok ako sa loob. Wow Infairness kay Sir ha. Ang linis ng office walang masyadong kalat. Napansin ko lang na halos black and white ang makikita mo sa room. Yung mga folders ay naka arrange mula sa pinaka malaki hanggang sa pinaka maliit. Nakalagay ang mga yon sa gilid. Napansin ko rin na walang masyadong abubot si Sir. Basta plain table chair couch and book shelves. Walang pictures. Pero may isang painting. Ang ganda nung painting upside down. In short ang linis tignan ng office ni Sir. Hmmm. Ang bango pa. Ang manly ng amoy, halata mo na lalaki tlaga ang gumagamit.

Seducing Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon