Kylie's P.O.V
Naiyak na ako ng makita ko yung lalaking sumigaw.
"Aba. Sino ka namang pakielamero ka?" sabi nung kalbong may bigote.
"Look who's talking. Im the one who should tell that. Let her go I said!"
"Tara Pare, Englisero. Hindi ko maintindihan. Marami pa namang babae diyan." bulong kalbo at pinakawalan na nila ako.
Pagkabitaw nila sa akin ay agad akong napasubsob sa sahig dahil sa mga nangyari. Muntik na akong marape. Maraming salamat po Panginoon na iningatan niyo po ako.
Gusto ko mang tumigil sa pag iyak ay hindi ko magawa. Nanginginig din ang mga kamay ko. Nabitawan ko na rin ang bag na hawak ko.
Nabigla ako ng may isang malambot na bagay ang tumatama sa pisngi ko. Napatingin ako sa kung ano ito at nabigla ako na nandito pa yung lalaking tumulong sa akin kanina. Wala sa loob ko na kinuha ang panyo at umiyak lalo.
"Oh. Stop being a crybaby and stand up. Nothing happened so just be thankful" sinabi niya sa akin sa isang matigas na Ingles.
Ng marinig ko yun ay parang gumaan ang loob ko sa kanya. Kaya dali dali akong tumayo sa kinatatayuan ko at nginitian siya.
"Salamat sa tulong mo ha. Kung himdi ka dumating baka kung ano na ang nangyari sa akin. Kaya salamat talaga."
"Its just nothing. Come on I'll walk you home."
"Ha? Hindi pwede. Pupunta muna ako sa convenience store sa tabi dahil siguradong maga pa ang mata ko sa kaiiyak. Mauna ka na. Thank you talaga. I owe you one Mr..."
"Joshua. And drop the Mr thingy." walang kagatolgatol na sabi niya
"Okay Joshua. Thank you. Bye." sabi ko. Paalis na sana ako kaso bigla niyang hinila ang braso ko.
"Hey. After what happened do you think I can just leave you like that. I'll take you home, and we can just pass at the convenience store to unwind." pagkatapos ay hinila na niya ako kung saan at isinakay sa kanyang sasakyan.
Tinupad niya ang sinabi niya. Nagdrive na siya at dinala niya ako sa convenience store. Nagpark siya.
"Don't open the car." nagtataka man ay sinunod ko nalang siya.
Pinatay niya ang makina at lumabas siya sa kotse. Umikot siya at pumunta sa pintuan ko at binukdan ito.
"Thank you." sabi ko at isang matipid na ngiti ang nakuha kong tugon sa kanya.
Naglakad na kami papunta sa Store. Pinagbuksan kami ng guard. Agad siyang nagpunta sa mga bakanteng mesa at umupo. Sinundan ko na lamang siya kahit medyo na-aakward na ako. Dahil hindi ko pa naman siya gaanong kilala. Oo nga't niligtas niya ako but a stranger will always be a stanger.
Pagkaupo ko ay nakabibinging katahimikan ang nagmulat sa akin. Magsasalita na sana ako ng maunahan niya ako.
"What do you want?" matigas na sabi niya.
"Ay. Hindi ako na. Ikaw ba ano bang gusto mo? Libre kita. Pangbayad na rin sa pagligtas mo sa akin."
"No thanks but I don't like the idea of a woman paying for me. So what do you want?"
Grabe lang ha. Kanina parang medyo mabait siya tapos ngayon ang sungit niya na.
"Ah. Sting na lang yung akin. Yung red."
Walang pasabing bigla na lang siyang tumayo at nagpunta na marahil kung saan yung pinabibili ko at kung ano man ang bibilhin niya.
Naiwan naman ako dito. Nagiisip ako sa mga nangyari. Nakakainis tlaga yang boss ko na yan. Kundi dahil sa kanya. Hindi ako mapapahamak. Ipapasalvage ko talga yan kapag may time. Hay. Buti na lang dumating si Joshua. Speaking of Joshua. Haha. Ang cute niya.

BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Sungit
Romansa[On Going] A story that would make you believe that a simple girl can change a cold hearted guy into a prince that every girl dream of.