Chapter 1

124 4 0
                                    

Sorry sa lahat ng typos. Enjoy Reading

——————————————————————————————————————————-

Kylie's POV

''Ano ba bitawan mo ko Kylie. Break na nga tayo e!''

''Bakit mo nagawa sa akin to?! Hindi ba ako sapat bakit kelangan mo kong iwan?!''

''Kylie hindi na kita mahal. Yun lng ang dahilan. Alin ba don sa mga salitang yon ang hindi mo maintindihan?!''

''Lahat hindi ko naiintindihan! Wala akong naiintindihan kasi ginawa ko ang lahat para sayo! Lahat ng kailangan mo binigay ko ano pa bang kulang!''

''Yun nga eh binigay mo lahat kaya nakakasawa! Masyado kang Easy to Get! Hindi man nga ako nahirapan ng ligawan kita. Yung mga pinakita ko hindi man ako nag effort sa mga yon. Pero ano tuwang-tuwa ka diba?!''

Nagpantig sa mga tenga ko yung mga sinabi nya. Hindi ko na kinayanan nagdilim ang paningin ko at bigla ko na lang syang nasampal tsaka ako umalis doon. Lumalakad akong luhaan at the same time nasasaktan. Hindi ko maintindihan kung bakit parati nlang nila akong iniiwan. Kaya naglakad ako papunta sa park at doon ako naglabas ng sama ng loob.

''Mali ba na sabihin ko sa kanya na mahal ko sya? Mali ba na bisitahin ko sya o kaya naman ay tawagan sya dahil namimiss ko sya at nag aalala ako para sa kanya? Mali ba na puntahan ko sya pag may problema sya? Mali ba na gusto kong gawin ang lahat para sa kanya?  Ano bang mali kung magbigay ako ng regalo sa kanya tuwing anniversary namin? No! Scratch that, monthsary lang pala! Tchh! Ano ba? Ano ba ang mali sa lahat ng yun? Diba yun naman ang ginagawa dapat ng mag kasintahan?''

''Miss.''

Nagulat ko ng may magsalita sa tapat ko. Akala ko ako lang magisa dito sa park. Nakakahiya naman kaya pinunasan ko kaagad ang mga luha na patuloy pa rin umaagos sa magkabila kong pisngi.

''Ha?''

''Ayon sa narinig ko, ikaw lang ba ang gumagawa ng mga bagay na yon?''

''Oo. Bakit mo nalaman? Ay! Oo nga pala narinig mo. Tch.'' Imbyerna naman tong lalaking to.

''Pano ko nalaman kasi yan ang magiging bunga ng pakikipagrelasyon mo sa isang tao na nawawalan ka na ng respeto para sa sarili mo.''

''Ha?'' Ano bang pinagsasabi nang lalaking to?

''Isang payo lng Miss. Kung patuloy kang aakto ng ganito sa bawat maging boyfriend mo, parati ka nilang itatrato na parang basura. Pagkatapos mapakinabangan, basta basta na lang itatapon. In short walang lalaking magmamahal sayo ng totoo at tatanda ka na walang magiging asawa.''

Para akong binuhusan ng malamig na tubig na may yelo dahil sa sinabi ng lalaking ito. Parang bigla akong nagising sa katotohanan.

''Magsorry ka!''

''Bakit namn ako mag sosorry? E never pa kong humingi ng sorry sa buong buhay ko.''

''Ano bang mali sa mga ginawa ko? Kung gugustuhin ko lang maraming lalaki ang luluhod sa harapan ko para lang makuha nila ako. Pero hindi ko ginagawa yun.''

''Talaga?! E kung ganon bakit mo iniiyakan ang isang lalaki?''

''Sino ka ba? Bakit ganyan ka kung makapag salita? Kaano-ano ba kita? Kilala mo ba ako? Alam mo ba kung anong pinagdadaanan ko? Ang kapal mo rin ha?''

''Actually, wala naman akong pakielam sayo. Like you said, I don't know you. Pinapayuhan lang naman kita Miss ngayon kung ayaw mo, edi wag mo.''

Tumayo na ang lalaki atsaka umalis sa aking harapan. Tumayo na rin ako. Broken Hearted na nga ako nabastos pa ako nung bwisit na lalaking yon. Tandaan nya pag nagkita kami sisiguraduhin kong magmamakaawa sya sa harapan ko para lang maging girlfriend ako. Gaganti ako pangako.

Seducing Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon