Chapter 12: Sacred

828 62 5
                                    

*Avriella's POV*

Nahahapong tumagilid ako sa pagkakahiga at inaantok na tinalukbong ang kumot sa mukha ko.

Ngunit bahagya akong natigilan ng masamyo ang mabangong amoy niyon. Kumilos ako para alisin ang kumot na nakatalukbong sa ulo ko ngunit lalo akong nagtaka ng isang malambot na tela ang nahawakan ko.

Nagmulat ako ng mga mata at dagli ring napapikit ng masilaw sa liwanag. Kinusot kuso ko pa iyon para alisn ang antok at nagsimulang bumangon.

"She's awake."

Halos maestatwa ang buong katawan ko ng marinig ang baritong boses. Kinakabahang iminulat ko ang mga mata ko kasabay ng pagbaling ko sa nagsalita.At ganun nalang ang tila pag tigil ng puso ko ng makita ang dalawang Prinsepe di kalayuan sa akin.

Sina Prinsipe Cedric at Prinsipe Jaden. Nakaupo sila sa harap ng isang magarang marmol na mesa at nakaupo sa mararangyang upuan. Nasa harap nila ang mamahaling tasa na may lamang maiinit na inumin base sa usok ma nakikita kong nanggagaling doon. Katabi nila ang malaki at nakabukas na balkonahe. Kung saan malayang pumapasok ang malamig na simoy ng hangin at banayad na tinatangay ang maninipis na puting kurtina.

Napakurap ako at maang na ibinaling sa iba ang paningin ko. Pero kahit saan ako tumingin ay puro mararangyang bagay lang ang nakikita ko.

Hindi ko mahanap ang nakasanayan kong silid. Ang masikip, at halos walang kagamit gamit na tinutulugan namin.

Napatingin ako sa sarili ko at ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng makitang isang napakagandang puting bestida ang suot suot ko. Nakita ko pang bahagyang nanginig ang kamay ko ng haplusin ko iyon. At ng madama ko ang malambot na tela niyon ay saka tila kumabog ang dibdib ko.

Teka! Anong nangyayari?

Kinakabahang tanong ko sa isip at agad na bumaling sa dalawang prinsipe. Pero ganun nalang ang gulat ko ng makitang pareho silang tahimik na nakatingin sa akin. Na para bang kanina pa nila pinanonood ang kilos ko.

At parang... may hinihintay silang mangyari?

Napasinghap ako ng tuluyang tumino ang isip ko. Heto ako, nakahiga sa kamang para lamang sa mahaharlika! Hindi ko alam kung paano ako napunta dito pero hindi tama na naririto ako.

Mabilis akong kumilos at halos tumalon pababa ng kama. Pero sumabit ang paa ko sa kumot at halos napasigaw ako ng bumagsak ako sa sahig.

Naipikit ko din ang mga mata ko at hinanda ang sarili ko sa sakit ng pagbagsak ko.

Catch. Catch. Catch.

Narinig kong bulong ng hangin kasabay ng paglabas ng malakas na ihip nito. Naramdaman kong pumaikot iyon sa akin at pinigilan ang pagbagsak ko.

Ramdam ng balat ko ang malamig at mabilis na ihip niyon habang inaalalayan akong mapaupo sa sahig ng maayos.

Maang na napadilat ako at ng tuluyan akong napaupo sa sahig ay saka umalis ang hanging nakapaikot sa akin.

"Kagigising mo lang at balak mo na namang mawalan ng malay?" Tila amused na sabi ni Prince Jaden. Nakita ko pang nakataas ang isang sulok ng labi niya.

"You should be more careful." seryosong komento naman ni Prince Cedric. Inabot nya ang tasa at uminom doon.

Naramdaman kong sandaling umikot sa kanya ang hangin na sumalo sa akin kanina bago iyon lumabas ng balkonahe.

Kung ganun, siya ang sumagip sa akin.

Isip isip ko at hindi makapaniwalang nakatingin lang sa kanila.

Guardians Of The West [[[ ON HOLD  ]]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon