Chapter 11: Power

1.5K 100 12
                                    

*Avriella's POV*

Sandali akong naestatwa ng magsabog ng puting liwanag ang puno sa likuran namin.  Parang tumigil din pansamantala ang puso ko at nanlamig ang buong katawan.

Hindi ko inaasahan ang agarang sagot sa dasal ko.  At lalong hindi ko inaasahan ang ganito.

Dahan dahan akong lumingon sa puno at ng makita ko ang kakaibang liwanag nito ay parang kusang kumilos ang katawan ko.

Hinarap ko iyon at nagsimulang maglakad ang mga paa ko papalapit sa puno.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari.  Pero alam ko sa loob ko na kailangan kong lumapit dito.

Gaya ng una kong makita ang puno,  ramdam na ramdam ko ang pwersa sa loob nun.  At kahit sinasabi ng babaylan na nagising na ang kapangyarihan nito,  ay nararamdaman ko pa din na natutulog pa din ang kung anong nasa loob niyon.

Huminto ako sa tapat ng puno at tiningnan ang kabuuan nito.  Hindi na mahalaga sa akin ang nangyayari sa paligid ko,  dahil buong pagkatao ko ay hinahatak ng puno.

Naririnig ko ang tinig na nangagaling mismo sa loob niyon.

It wants to wake up. 

And it wants Me , to wake it up.

Kusang kumilos ang kamay ko papunta sa puno.  At habang paliit ng paliit ang distansya namin ay unti unti kong nararamdaman ang kapangyarihan niti.  Mula sa dulo ng daliri ko hanggang sa buong palad ko.

At ng tuluyang lumapat ang kamay ko sa katawan ng puno ay saka ko naramdaman ang totoong paggising nito.

Muling nagsabog ng liwanag ang puno.  Mas matindi kumpara kanina.  At hindi na ko magtataka kung magagawang sakupin ng liwanag nito ng buong palasyo.

Sandali rin ako nung binulag sa matinding liwanag,  at ng lumamlam iyon ay nakita ko ang sarili ko sa ibang lugar.

Sa isang puting templo. Bawat bagay doon ay nangniningning din na tila ba punong puno ng buhay at kapangyarihan ang lugar.  At sa pinakadulo niyon,  kung nasaan dapat ang isang altar ay may isang nilalang.

Dahan dahan akong lumapit doon at nakita ang isang natutulog naputing tigre

Gaya siya ng nakita ko sa panaginip ko.

At ng huminto ako sa harap niya ay saka naman unti unting kumilos ang katawan nito.

Unti unti siyang nagising at minulat ang mga mata niya.

Ang dapat ay makaramdam ako ng takot sa harap ng mabangis na hayop na to.  Ngunit wala akong makapang ganung emosyon sa loob ko. 

Sa halip ay may antisipasyon at tuwa akong nararamdaman. Na para bang matagal ko ng hinihintay ang tagpong ito.

Tuluyang nagising ang tigre at itinaas ang ulo niya para tumingin sa akin.

At ng magtama ang mga mata namin,  alam ko,  na ito ang totoong nakatadhana sa akin.

Itinaas ko ang kamay ko at inilahad sa kanya.  Kumilos naman ang tigre at inabot ang isang paa nitong may matatalas na kuko.

At sa unang dampi palang ng paa niya sa kamay ko ay syang pagbuo agad ng koneksyon sa pagitan namin.

Naramdaman ko ang kakaibang kapangyarihang pinasa niya sa akin.  Nagliwang ang kamay kong nakahawak sa kanya at ng mawala ulit ang liwanag ay nakita ko ang sarili kong nakabalik na sa harap ng puno.

Binawi ko ang kamay ko na nakalapat sa katawan niyon at tiningnan.

Isang nagliliwanag na bagay ang nasa palad ko.

Guardians Of The West [[[ ON HOLD  ]]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon