14- Balikan

341 15 1
                                    

"Hala, na sa'yo pa rin pala 'to?"

Hindi ko maipaliwanag ang mukha ni Ivan nang makita niya ang teddy bear na regalo niya sa unang date namin 8 years ago. Oo, gago. Nasa akin pa rin 'yan.

"This is yours. Binigay ko na sa'yo 'to. Sana hindi mo na binalik, Pam."

"Balikan nga, diba? Lahat ng mga bagay na bigay natin sa isa't isa, ibabalik na natin. Kasi hindi na tayo," kunware ay natatawa kong sagot, pero sa loob loob ay nasasaktan ako.

Walong taon din, eh.

Ang sakit.

"Pero, hays... sige na nga. Kaso," tila ay naguguluhan siya.

"Kaso?" tanong ko.

"Saan ko naman 'to ilalagay? Baka makita ng girlfriend ko, magalit pa 'yon..."

Aray.

"May girlfriend ka na pala?" tanong ko. Pinilit kong ngumiti kahit na nasa teddy bear naman ang mata niya at hindi sa akin.

"Joke lang. Hindi niya pa ako sinasagot."

"Ahh..." sagot ko. "So, ikaw na ang bahala sa mga binalik ko. Basta, nandiyan lahat. Sa bahay ko nalang din titignan ang mga binalik mo."

Tumayo na ako tsaka tinapik siya sa balikat.

"Pam, sandali lang..."

"Ha? Bakit? May kulang ba sa mga binalik ko?"

"Yong nililigawan ko kasi..."

Tumalikod ako. Baka kasi tumulo ang luha ko... ayaw kong makita niya.

"Hindi ko pa siya tinatanong eh. Pam, tayo nalang ulit, please?"

Flash FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon