1- Kapatid

1K 41 7
                                    

Noong nasa probinsya pa ako, malaking balita ang nagawa ng pagkamatay ng kapatid ko.

Usap-usapan sa lugar namin kung gaano kabrutal ang ginawa sa kaniya. Halos masuka ang mga nakakita sa katawan ng kapatid ko dahil lumalabas na ang bituka nito, nakikita na ang utak sa ulo, at lasog-lasog ang kaniyang katawan.

Pinaluwas ako ng mga magulang ko sa Maynila dahil kung sino man ang gumawa nito ay siguradong may malaking galit sa pamilya namin... lalo na't mag-eeleksyon na at tatakbo bilang gobernador si papa, at baka ako ang isunod. Kahit malayo na ako, hindi ko pa rin lubos maisip kung paano... kung paano nila nahanap ang katawan ng kapatid ko dahil sa pagkakaalam ko ay tinago ko iyon ng mabuti.

Flash FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon