FALLEN - 10

7.5K 307 136
                                    

RADGE'S Pov

"Arte, di ko yata kaya. Nahihiya ako" kasalukuyan kaming binibihisan ng damit dahil sa gagawing photoshoot mamaya. Akala ko pinapatawag lang kami para mag meeting yun pala may photoshoot na. Di man lang ako ininform ni arte. Haiist ayoko talaga na kinukuhan ng picture, naiilang talaga ako.

"Oh may hiya ka pa pala" walang ganang sagot niyo sakin. Walangyang bababe. Nagmomomment of truth ako dito eh tapos babarahin niya lang ako. Ang gago lang.

"Syempre! Baka ikaw yung wala" at pinagsisihan ko yung sinabi ko ng sinamaan niya ako ng tingin.

"S-sorry, ganito lang talaga ako pag kinakabahan" inaamin ko naman talaga, mapagbara at mapang-asar ako kapag kinakabahan.

Di niya ako sinagot at pinagpatuloy lang sa pagkalikot ng kanyang cellphone. Ano ba ang meron sa cellphone niya at parati nalang niyang pinaglalaanan ng pansin.

"Arte" walang sagot -_-

"Uyy ate arte" dedma -_-

"Ate" tumingin ito sakin. Walang emosyon yung mukha niya. Napalunok naman ako pero pinagpatuloy ko parin ang pang-aasar sa kanya.

"Arte"

"At-"

"Pwede ba! Can you stop calling me arte or ate! Naririndi ako!"

"Eh ano ba ang gusto mong itawag ko sayo! Baby?!" bigla akong natigilan sa sinabi ko. Tumingin naman siya sakin ng nakakaloko. Shet ka Radge! Sa dami ng pwedeng sabihin bakit baby pa ang nasabi mo.

"Ay EUT!!" nagulat kami sa taong sumigaw. Shet! May ibang tao pa palang nandirito. Nakakahiya tuloy.

"Sige lang. Tuloy niyo lang po. Wala lang po kami dito. Kakilig po kayo" sabi ng isa na umakto pa na parang ihing-ihi sa sarili.

"Di naman ako nanghihingi ng callsign babymanyak, pero if you like, tawagin mo kong baby" kumindat pa ang gaga. Ang tanga talaga ng bibig ko. At anong callsign ang pinagsasabi nito

"Bahala ka nga diyan" ayaw ko na siyang asarin. Ako lang yung na-aasar eh.

"Pikon" asar niya sakin. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Mhalan Dee and Hee Ghad, are my models ready?" tanong ng bagong pasok na babae. Siya ang magiging photographer namin sa photoshoot na gagawin. Ipinakilala siya kanina ni Ms. Moe na pumunta pa dito para makapag-observe daw.

"Just a few touches!" sagot nila. Tumango naman ang photographer at lumabas.

Sa totoo lang, kay Arte lang sila nag-effort ng malaki. Sakin, wala. Binihisan lang ako ni Hee Ghad ng puting damit at parang jacket na mukhang leather na kulay itim at pants. Kay arte naman ay binihisan nila ng kapareho ko din pero manipis na sando ang ipinares sa jacket at maikling shorts kaya kitang-kita ang mapuputi nitong mga hita tsaka nilagyan ng kolorete yung mukha.

Yung hita talaga Radge yung napansin mo. Di ba pwedeng yung paa o mukha

Pakyu! Eh yun yung una kong napansin

Napansin o minanyak este tinitigan.

Napansin! Gago ka talaga! Manyak

Ako ay ikaw! Gago! Ikaw yung manyak!

"Baliw" sayo oo. Nababaliw nako sayo arte.

"Tsk" pagsusungit ko. Akala niyo siya lang ang marunong magsungit. Ako rin no!

"Di bagay sayo magsungit Baby" nanlaki yung mata ko. Did she just call me...?

Bitchy Series #1: The Bitch has Fallen (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon