FALLEN - 12

6.7K 247 79
                                    

RADGE'S Pov

"Good job Radge, the excitement level of students and guests totally exceeded because of you" pagpupuri sakin ni Miss President na ikinahiya ko naman. Wala naman akong ginawang malaki eh, pero kung makapuri yung mga kasamahan ko akala mo may ginawa na'kong engrande.

"Oo nga Radge, nakakakilig ka talaga kanina. Sayang at may girlfriend kana" aniya naman ng isa kong kasamahang babae. Oo nga pala, akala ng lahat na meron kaming relasyon ng maarteng yon. Pinalabas na kasi ang magasin kanina at pinamigay na sa lahat ng estudyante. Wala man lang akong kamalay malay. Isama mo pa na ikinonfirm na pala ng agency ang relasyon namin kuno.

"Oy di kaya! Nakakakilig kaya sila kanina ni Miss Ivory. Ayiee! Infairness. Ang sweet-sweet ni Miss Ivory ah" kutya ng isa ko pang kasamahan. Haynako, ang arteng yon. Ang galing talaga gumawa ng eskandalo. Bumalandra ba naman ng pagkalaki-laking banner na may itsura ko lang naman at di pa nahiya sumigaw-sigaw pa ng kung ano-ano.

Kunyare ka pa. Eh kinilig ka rin naman ng husto.

Di ako kinilig no! Asa!

"Let's stop teasing her guys. Look oh. Pulang-pula na siya" panunukso ni miss president na mas lalong ikinapula ko.

"Cute!" sigaw nila. Haynako

"Miss Ivory!" nagulat naman ako sa biglaang pagsigaw nila at dali-daling lumingon.

Kunyare ka rin eh no.

Tsshh. Tahimik.

"Hey guys. Would you mind kung kukunin ko siya sa inyo? May pag-uusapan lang kami ng baby Radge ko" tinaasan ko siya ng kilay. San na naman kaya ako hahatakin ng babaeng to. Narinig ko naman yung mga impit na tili ng mga tao sa backstage. Psh, gumawa pa ng eksena ang maarteng to.

Na gusto mo naman.

Alam mo, ang sarap mong sapakin minsan.

"Ganon mo ba'ko namiss at pati yang utak mo inaaway mo?" natauhan naman ako sa sinabi niya. Huh? Napatingin naman ako sa paligid ko. Wow. Puno ng sunflowers yung paligid. Nasa gitna kami ng field kaya halos napapalibutan kami ng mga sunflowers. Ganon ba'ko kawala sa sarili at nahatak niya'ko ng ganito kalayo. Teka, nasa school pa ba kami?

"Nami- este nasaan na tayo ha?" muntikan na yun ah. Oo namiss ko siya ng sobra. Pero di ko sasabihin sakanya yun. Baka mas lumaki pa ulo niya lalo.

"Don't worry. Nasa school pa rin tayo. Nasa sunfower farm lang tayo ng school" sagot nito habang nakatingin sa paligid.

"Bakit mo'ko dinala dito?" napalunok ako ng bigla itong tumingin sakin pero ibinalik rin nito ang tingin sa paligid. Ngayon ko lang siyang napagmasdan ng ganito. She looks so..serene. So perfect. Hindi ko na kasi siya nakita kanina after ng performance ko. Busy kasi kakapicture sa mga fans niya. Psh. Pero grabe! Isang linggo lang siya sa Pransya pero parang-haissh hindi pala parang kasi mas lalo pa siyang gumanda. Mas lalo siyang naging makinis at nagpakulay rin pala ito ng kulay-lila sa kanyang buhok na mas lalong ikinabagay at ikina-puti niya.

Haisst baby arte. Minsan yung kagandahan mo sobra-sobra rin eh no. Shhh

Luh! Tama ba yung naiisip ko? Tinawag mo siyang 'Baby Arte' 😏

Tahimik!

Pasimple ka rin eh no😏

Tumahimik ka nalang diyan.

"Stop fighting with yourself. Baka mabuang ka niyan sige ka" tinignan ko siya ng masama kahit hindi naman ito nakatingin sakin dahil nasa paligid pa rin ang tingin nito. Tsk, ikaw yung pinag-aawayan namin ng sarili ko. Psh, kung alam mo lang, sayo ako mababaliw. Alam ko kung ano ang meaning ng buang kasi nagpaturo ako ng hiligaynon kina Yulo. Taga bacolod rin kasi ang isang yun. At para malaman ko narin ang pinagsasabi minsan ng arteng to. Pwera nalang sa french dahil ayaw akong turuan ng mga gago kong kaibigan para may thrill daw. Daming alam.

Bitchy Series #1: The Bitch has Fallen (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon