Suspicion

419 2 0
                                    

Kasalukuyang nasa cafeteria sina Jenny at Reina kumakain ng lunch at hindi mapigilan ni Reina ang kilig sa kinuwento ni Jenny tungkol sa nangyari kanina sa room sa acctg 1 subject niya.

"Ayiee! Kinikilig ako bes!" kinikilig na sabi ni Reina habang nakatingin sa student profile ni Valerio.

" Lagi ka namang kinikilig at saka mamaya adik pa yun edi mamamatay pa ko ng maaga. Kaya nakapagdesisyon na ko na iiwasan ko na lang siya." Sagot ni Jenny bago sumubo ng kanin at ulam.

Nilapit ni Reina ang phone niya kay Jenny kung saan nakadisplay ang student file ni Valerio. "Wow ah ganyan baa ng adik? Picture pa lang yummy na." giit ni Reina.

Inilayo ni Jenny ang phone ni Reina sa mukha niya at nagpatuloy sa pagkain. "Looks can be deceiving noh. Isa pa hindi naman ako nag aral ditto para humanap ng lovelife kundi para sa future ko."

"Baka naman kasi hindi adik. Oa ka lang talaga makareact bes. Di lahat ng mapula ang mga mata adik na. Pwede naman na napuwing lang, Kinuskos lang yung mata o di kaya." Napahinto si Reina sa sasabihin niya at tumingin si Jenny sa kaibigan.

Nakataas ang kilay ni Jenny na nagtanong. "Di kaya ano?"

Napatayo sa kinauupuan niya si Reina dahil na rin sa sobrang excitement na nasa isip niya. "VAMPIRE SIYA!" sigaw ni Reina kaya lahat ng mga tao napahinto at napatingin sa kanila.

Mabilis na pinaupo ni Jenny ang kaibigan at ngumiti sa mga taong nakatingin sa kanila. Muli siyang bumalik sa kanyang kinauupuan at binigyan ng masamang tingin si Reina.

"Ano?" naguguluhang tanong ni Reina at tila natatawa sa reaksyon ng kaibigan.

"Come on Reina. Vampire? Sa ganitong panahon na 24 oras ng gising ang mga tao at halos hindi na natutulog ang mga criminal tapos sasabihin mo sakin vampire? Nasan na ang logic sa mga sinabi mo?" naiiritang depensa ni Jenny.

Napabuntong hininga si Reina. "Hayys. Kaya hindi na ko nagtataka kung bakit hindi kayo nagtagal ni Andrew."

Napatingin si Jenny kay Reina na bumalik na sa pagkain. Hindi na lang siya nagsalita. Si Andrew ang High school ex-boyfriend ni Jenny. Sweet, caring at mataas ang respeto sa kanya ni Andrew. He never force to do the things that she doesn't want to do pero dahil na rin sa puro logic at puro pag-aaral nawalan siya ng oras sa nobyo. Naging dahilan upang unti-unting lumayo si Andrew sa kanya hanggang sa makatanggap siya ng isang sulat na nasa States na ang binata.

"WAHHHH!" Sigaw ni Reina at saka inayos ang gamit niya. Aalis n asana siya nang bigla niyang maalala si Jenny. Muli siyang tumingin kay Jenny at ngumiti ng pilya. Napansin niya kasi na may papalapit sa kanila.

"Kwento ka mamaya Bes ah! Sige bye bye at late na ko sa subject ko!" paalam niya at tumango lang si Jenny bago bumalik ang atensyon sa pagkain niya.

"Excuse me? Pwede pa share ng table?" tanong ng isang pamilyar na boses at napatingin si Jenny sa lalaking nakangiti sa harapan niya.

Napatayo si Jenny sa kinauupuan niya. "At bakit ka nandito?"

Nilapag ng lalaki ang dala niyang tray at napatingin sa dalaga na sobrang natitense sa kanya. "Kakain. Obvious naman diba at saka wala ng bakante na mga upuan kaya dito ako uupo." Paliwanag ng lalaki.

Hindi na nagsalita si Jenny at mabilis na kinuha ang gamit niya sabay alis sa kinauupuan niya. "Teka lang miss hindi muna ba kakainin itong pagkain mo?!" tanong ng lalaki at mas lalong nairita si Jenny.

Humarap siya sa kinaroroonan ng lalaki na nakangiti sa kanya. "Kainin mo kunug gusto!" sigaw niya bago muling naglakad palabas ng cafeteria.

"Thank you!" pahabol ng lalaki at hindi na siya pinansin ni Jenny.

Lost Blood: The Origin (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon