Chapter 1 -Panaginip

12.3K 197 5
                                    

I LOVE YOU, LUPA MAN AKO
written by: Blackrose

------'-,-'-,--{@

Chapter 1 -Panaginip

Nagniningning ang suot niyang black evening sabrina gown na naaadornohan ng mga mamahaling diamante habang dahan-dahan siyang bumababa sa elaganteng hagdan kung saan hindi lang iisang mata ang buong hangang na nakatingin sa kanya bagkus ay daan. Sa suot niya ngayon ay litaw na litaw ang angkin niyang kagandahan. Bagay sa kanya ang suot niya tonight dahil mas pumuti ang makinis niyang kutis at mas na-emphasize ang kanyang maganda kurba.

"Wow! She is really so lovely!" hangang bigkas ng mga tao sa paligid na hindi maalis-alis ang tingin sa kanya.

"Siya na ba ang nag-iisang tagapagmana ng mga Alcantara?" sambit naman ng isang nakapusturang babae na halatang nagulat at namangha sa nakikita ngayon sa kanyang harapan.

Nilingon niya ang mga bisita sa paligid ng marating niya ang paanan ng hagdan. She felt satisfied for all the attention she is getting right now. Buong tamis siyang ngumiti sa mga taong lumalapit sa kanya habang inabot sa mga bulaklak.

"Thank you so very much. Thank you for everyone who've shared this wonderful night with me tonight. I am very much thankful to my parents, my ever-loving parents who never left my side every single day. I love you Daddy and Mommy. This magnificent night won't be this great without the you both of you. I love you both so much." I look at my parents na nakatayo sa may gilid but since dito lang sa kinatatayuan niya ang spot light, dim light na sa lahat ng palagid kaya hindi masyadong makita ang mga mukha nila.

"And also I want to grab this opportunity to thank my ever-loving and ever-faithful boyfriend. Thank you for being loyal to me all throughout these years, you don't know how lucky I am to have you as the love of my life. You make me complete sweetheart, thank you so much." mula sa malayo ay tanaw niyang kumakaway sa kanya.

Habang nagpasalamat siya sa mga dumalo sa celebration at nakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan at kakilala ay nagulat na lang ang lahat ng may biglang....

"ANAK! SAM! Sam! Anong oras na!!!" isang malakas na kalabog sa pinto ang nagpabalikwas sa akin mula sa pagkakatulog ko.

"Shit." ang unang salitang nasambit ko. Nananaginip lang pala ulit ako. Nanaginip na naman ako. Akala ko ay totoo na ang lahat, akala ko ay nandun talaga ako sa okasyon na yun. Akala ko ay ako ulit ang babaeng yun. Dali-dali akong bumangon dahil kabisado ko na ang nanay ko, kapag ganyan na malakas na ang kalabog niya sa may pinto ng kwarto ko. Ibig lang sabihin noon ay sa susunod na sigaw niya ay pihadong mas malakas ang sigaw niya at isang mahaba-habang litanya na naman na daig pa ang sermon ng pari sa misa ang bubungad sa'kin pagkalabas na pagkalabas ko.

"Eto na po 'nay! Nakabangon na po! Mag-iimis lang ng higaan.'

Palagi na lang akong nananaginip ng ganon, minsan nga ilan beses sa isang linggo. Na nasa sa isang napakalaking mansion daw ako na hindi ko alam kung saan, na isa akong prinsesa na tinitingala ng lahat tapos may boyfriend daw ako na sobrang mahal na mahal ako at palagi akong sinasabihan ng salitang 'You Complete Me'. Bakit kaya ganon? Ano kaya ang ibig sabihin ng mga panaginip kong yun? Bakit parang magkakadugtong ang mga panaginip ko na parang teleserye sa pang-hapon palabas sa TV.

Ako nga pala si Samantha Marie Diones. 'Sam' ang nickname ko. Panganay ako sa limang magkakapatid. 20 years old na ako at maaga akong namulat sa responsibilidad dahil narin sa kahirapan ng buhay namin. Ang nanay ko ay nagsa-sideline lamang sa kalapit na pabrika dito sa amin na gawaan ng candy. Taga balot siya ng candy doon at kung minsan ay taga hulma. Ang tatay ko naman na kasalukuyan may sakit ngayon dahil sa inabot na naman ng ulan noong nagdaan gabi ay isang pedicab driver. Nanlalabasan lang siya ng pedicab, kung minsan naman kapag sinuswerte ay nakakapamasada siya ng tricycle ng kumpare niya. Ang apat ko pang mga kapatid ay pawang mga nasa high school at elementarya pa lamang. 3rd year High school lang ang narating ko dahil sa gipit kami at dahil narin sa kakulangan ng pondo namin. Ako na ang nagparaya para makapag-aral ang mga kapatid ko, dahil hindi pa naman nila kayang kumayod hindi kagaya ko. Kasalukuyan akong nagtatrabaho bilang serbedora sa isang canteen na malapit sa isang university. Matagal na akong namamasukan sa canteen, mula pa noong huminto ako sa pag-aaral ko ay doon na ako namasukan. Ang kinikita ko doon ay pinangtutulong ko kila nanay at tatay para narin pandagdag sa mga gastusin dito sa bahay at sa mga kailangan ng mga kapatid ko sa eskwela.

I LOVE YOU, LUPA MAN AKO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon