Prologue

3.6K 58 2
                                    

Diane

Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatitig sa isang picture ng lalaki.

Ang lalaki nang rape sakin!

Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagmumukha nito. Ang Taong sumira ng buhay ko.

Kung sana hindi ganito ang buhay na pangarap ko at maibibigay ko sa mga anak ko.

Nagbunga ang panggagahasa nito sakin. Kahit kinasusuklaman ko ang ama nila ay mahal na mahal ko ang mga anak ko at gagawin ko lahat mabigyan lang sila ng magandang buhay.

"Mama... Bakit po kayo umiiyak?" Napapitlag ako ng yakapin ako ng bunso kong babae. Si Drane, na apat na taon-gulang.

"Ah Baby, hindi umiiyak si mama, napuling yata ako." Pasimple ko pinunasan ang luha ko na lumabas pala sa mata ko. Sinara ko narin ang folder na may picture ng hayop na lalaki at nilagay sa aparador.

Nakangiti hinarap ko ang anak ko. Hindi siya ang kamukha ko kundi ang mukha ng ama nito. Kaya sa tuwing titingin ako sa anak kong babae at dalawang lalaki ko ay hindi ko maiwasan maalala ang mukha na iyon.

"Saan na pala ang mga kuya mo?" Hinalikan ko siya sa pisngi na kinangisi nito dahil alam na nito ang susunod kong gagawin.

"Mama... Huwag po!...naki-kiliti ako!.. napaiwas-iwas ito sa pagkiliti ko sa kanya. Ito kasi ang paglalambing ko sa kanila mga triplets ko.

"Mama!.. Sali kami!" Mapanabay na pasok ng dalawa kong anak na lalaki. Si Drake na ang panganay at Drace na ikalawa sa triplets. Magkamukha talaga ang dalawa pero may kanya personality. Si Drake na masungit at parating mainitin ang ulo, walang pasensya at parang mature mag-isip. Si Drace naman ang tahimik lang at matalino. Ngumingiti lang kapag kaharap kami pero sa ibang tao ay nungka kang ngitian. Si Drane ang palangiti at bibo sa kanila.

Tumingin ako sa dalawa kong lalaki at napabuntong hininga.

Bakit ba kamukha nila ang ama nila!
Wala man lang nakakuha ng mukha ko. Grabe talaga ang dugo ng lalaking iyon!

Pero never niyang makukuha ang mga anak ko at hinding-hindi mangyayari iyon.

"Hali kayo mga anak... ka-kain na tayo." Humihingal na sabi kasi kinukulit pa ako ng mga ito. Kahit ano problema nawawala makita lang na maayos at masaya ang mga anak ko na mahal na mahal ko.

"Kakain na!!!" Sabay sabi nila na nagsiupo na sa silya. Inihain ko na ang mga ulam na iniluto ko. Tinolang manok na paborito ng tatlo. Nilagyan ko sila ng kanin at ulam sa kanilang plato.

"Mama...ang sarap talaga ng tinola mo!" Nakangiti sabi ni Drace.

"Oo nga mama, ang sarap talaga!" Si Drake na puno pa ang bibig ng magsalita. Ang anak ko talaga.

"Anak, diba ang sabi ni mama- don't talk when your mouth is full?" Nakangiti sabi ko kay Drake. Ilang ulit ko ito pinaalala sa kanila kapag kumakain kami.

"Sorry po mama..." Tumango ako na kinayuko nito at nagpatuloy na sa pagkain. Ayoko kasi na maging bastos sila sa harap ng hapag kainan.

"The best mama ever! I love you po mama!" Bibo naman na sabi ni Drane.

"I love you Mama!" Panabay naman ng mga anak ko lalaki.

"I love you too, mga mahal kong anak! Oh siya ipagpatuloy niyo na ang pagkain." Tumango sila at nagpatuloy na sa pagkain.

"Mama... Saan na po ang Papa namin?"

(Unedited)

Lahat ng Tao, pangyayari at lugar sa istoryang ito ay kathang isip lamang. Orihinal na istorya ng author.

Please vote and comments.
Thank you.

His Mortal Enemy (Mafia's Maid Love-series#:4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon