Kabanata- 4

1.4K 35 5
                                    

Diane

"Oh my gosh!!! Diane!!!"

Nagulat ako ng may sumigaw sa likod ko na kinalingon ko at sumalubong sakin ang isang malakas na sampal sa mukha ko. Napabaling ang mukha ko dahil sa lakas ng pagkasampal. Napahawak ako sa kaliwa kong pisngi na agad kong kinadaing dahil sa namanhid pa yata ito.

Agad kong tiningnan kung sino ang sumampal sakin na hawak pa ang namanhid kong pisngi na alam kong namumula narin. Bigla naman bumukal ang dugo ko sa taong ayaw ako. Masama ang titig nito sakin na nagpupuyos sa galit na dinuduro pa ako.

"Hoy Diane! Hindi mo ba alam kung kanino yang wine ang binasag mo? Sa amo natin at hindi basta basta ang halaga ng binasag mo!" Patuloy parin nito sa pagduduro sakin na lalo ko rin kinagalit dito. Nung una ay pinalampas ko lang ang mga panlalait nito sakin pero ang saktan ako ay hindi ko hahayaan mangyari sa pagkakataong ito dahil hindi ko naman sinasadyang mabasag ang wine nato.

"Anong karapatan mong saktan ako ha!?" Tumayo ako at hinarap ito. Sumusobra na talaga ang malditang ito. Akala mo kung sino nang basta nalang manakit ng kapwa nito katulong kesyo bang mataas ang posisyon nito sa amin ay malaya nitong gawin ang gusto kahit na ang manakit ng kapwa pero ibahin niya ako dahil lalaban talaga ako sa kanya kahit patalsikin ako dito ay wala akong paki-alam dahil nasa tama ako.

Nag-aalala naman si chej Jun at ate Chona na nakatingin sakin na lalapitan sana ako pero umiling ako na hayaan lang ako.

"Aba! Sumasagot ka nang babae ka! Hindi mo ba nakilala kung sino ang mataas satin dito ha!" Patuloy nito na akma sana akong sampalin uli pero nahawakan ko nang mahigpit ang kamay nito na kinagulat pa sa ginawa kong pagpigil sa pagsampal sakin. Akala siguro nito papayag nalang ako saktan niyang muli. May respeto akong babae pero kung ganito rin lang ang taong kaharap ko na walang galang sa iba at mapagmataas ay lalaban ako.

"Oo alam kong ikaw ang mataas satin dito pero hindi ako papayag na saktan mo ng ganun at dahil hindi ko naman sinasadyang mabasag ang wine nato!" Halong humigpit ang hawak ko sa kamay nito ng magpupumiglas ito sa hawak ko.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako! Isusumbong kita kay Madame Stewart! Hoy tulungan niyo nga ako!"

"Edi magsumbong ka––!" Naputol ang sasabihin ko ng may mha sumabunot ng buhok ko na kinadaing ko sa sakit kaya nakawala sa hawak ko si Sara at sinabunutan rin ako.

"Ito ang bagay sa mga taong kumakalaban sakin!" Pinagtutulungan nila akong sabunutan na sumabay rin sa pagsabunot sa buhok ni Sara. Kahit tatlo pa sila ay hindi ko sila uurungan. 

"Diane!" Sabay na sigaw nila chef Jun at ate Chona sakin pero tiningnan ko sila na huwag silang lalapit. Ayaw ko kasi silang madamay kung sakali man mapaalis ako dito.

Akma ko na sanang susuntukin ang sikmura ni Sara ng makarinig kami ng maawtoridad na boses na kinalingon nila Sara. Nakita ko sa mga nila at kay Sara ang pagkatakot na kinataka ko. Nakatalikod ako sa may-ari ng boses kaya hindi ko makita ang mukha nito at hawak ko pa sa magkabilang braso si Sara.

"What's happening here?" Isang galit at mapanganib na tinig ang dumagundong sa loob ng kusina.

"P-patawad p-po S-senyorito... I-iyong wine po kasi ninyo binasag ng katulong na ito!" Lumingon ito sakin na masama pa ang titig sakin. Pati mga kasama nito ay sumang-ayon din kay Sara na pinalabas pang sinadya kong basagin ang wine.

"Hindi ko sinasadyang mabasag ang wine Sara!" Pagtatangol ko sa sarili na hinarap ito. Hindi pansin ang mga matang matiim nakatitig sakin.

"Sinadya mo talaga at sinabunutan mo pa nga ako dahil sinabi ko na isusumbong kita kay senyorito!" Panggigiit pa nitong sabi habang umiiyak.

Best actress din pala ang bruha!

"Alam ng lahat dito na hindi totoo ang mga sinasabi mo Sara at ikaw ang unang nanakit!" Sabi ko rin na tumingin isa- isa sa mga kasama niya na nakayuko lang takot rin naman pala.Wala na akong pakialam kung nandito man ang senyorito. Mapapatalsik din naman ako.

"Sinungaling ka–-!"

"You two! Shut up!"

(Unedited)
09-09-18

Itutuloy...
Please votes, comments and share.
Thank you.

Mayril25

His Mortal Enemy (Mafia's Maid Love-series#:4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon