Kabanata- 5

2.4K 104 73
                                    

Diane

"You two! Shut up!"

Napahinto kaming dalawa ng magsalita muli ang boses na yon. Napatingin ako sa may-ari niyon na hindi ko nalang sana ginawa.

Napakuyom ng mariin ang mga kamay ko at biglang bumilis ang puso ko pinipigilan galit.

Ang mga alaalang ibinaon ko sa limot ay biglang lumitaw sa isip ko pagkakita sa taong kinasusuklaman ko buong buhay.

Mapanganib itong nakatayo sa gitna ng pinto habang matiim rin nakatitig sakin na para bang kinikilala ako. Sa likuran naman nito ang mga goons niya na nakatayo lang din.

Tingnan mo ang taong ginahasa mo!

Matagal kitang hinanap at dito lang pala kita makikita! Hayop ka!

Nakasuot ito ng pang opisinang kasuotan at hindi din nagbago ang mukha nito na nagmatured pa lalo, ang pangangatawan nito na para ngang nadagdagan pa ang matigas nitong anyo. Kung ang ibang babae makita ito ay naghuhumiyaw na sa kilig dahil sa taglay nitong tindig at kagwapuhan ako ay galit, pagkamuhi at paghihiganti ang humihiyaw sa kalooblooban ko.

Tinumbasan ko rin ng masamang titig ang tingin nito sakin kaya nagkatitigan kami at ni isa sa amin ay hindi nagpapatalo. Pero talagang mapanganib ang mga ipinipukol nitong titig sakin na para bang tinutunaw ako sa kulay berde nitong mga mata kaya napaiwas ang mga mata ko dito. Habang ang kaharap ko naman ay ramdam ko ang panginginig sa takot sa presensya ng hayop na nakatayo parin.

Saan ngayon ang tapang mo babae!

"So you broke my wine. Did you know how much it costs it?" Rinig kong sabi nito na kinatingin ko sa kanya. Hindi ako kumibo.

"1million US dollars." Simple nito pahayag na kinasinghap ng mga nasa paligid. Hindi ko pinahalata dito na ikinagulat din ang presyo ng wine.

Kahit pumanaw na ako ay hindi ko mababayaran ang ganoong halaga.

Saan ba nito binili ang ganoong inumin. Inaksaya lang ang pera para lang dun?

Bilyonaryo nga naman!

"Hayaan niyo sir... Babayaran ko ang nabasag ko!" Himig sarkasmo sa tinig ko na hindi ko napigil dala ng pagkamuhi.

"You know even you work full-time in your entire life– you can't pay that amount." Iniinsulto ba ako ng hayop nato. Oo alam kong hindi ko mababayaran ang ganoon halaga pero gagawin ko para mapalapit lang dito at makagawa ng plano kung paano ito patayin. Hindi ko rin hahayaan na malaman nito ang tungkol sa mga anak ko.

Magkamatayan na ay hindi ko ibibigay ang mga anak ko!

"Alam ko pero sisikapin kong mabayaran iyon!"  Galit ko nang sabi dito na kinalingon ng mga kasama ko na kinalaki ng mga nila. Pinandilatan ako ng mga mata ni ate Chona na nagpapahiwatig na magbigay galang ako dahil amo ko ito. Napangisi naman ito na para bang nasisiyahan pa sa pagsalita ko sa kanya.

"I know you can't... But I have a way so you can pay me full." Maya-maya sabi nito nasa tono na may binabalak ito. Sige lang ito na ang pagkakataon ko na mapalapit sayo hayop ka!

"A-ano naman iyon?" Kunyari interesado kong sabi na nakipagtitigan dito. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ng mga tao sa paligid namin na ang mga goons ay pawang may ngisi sa labi.

"Let's talk to my office." Napatikwas nalang ang kilay ko.

"Bakit hindi mo nalang sabihin ngayon para hindi na abala sa oras mo?" Baka ano na naman kahayupan ang gawin nito kung kami lang.

"It's private." Iyon lang ang sinabi nito bago umalis na kinahinga ko nang malalim.

Hindi ko aakalain na amo ko pa pala ang lalaking iyon. Ano nalang ang gagawin ko kung malaman nito ang tungkol sa mga anak ko. Wala akong laban kung pera ang pag-uusapan dahil sa yaman ba naman nito ay talo na ako. Hindi! Hindi ako papayag na malaman nito na may anak ito sakin.

Mukha naman hindi ako nito natandaan na pinagpasalamat ko.

"Hindi na nahiya! May anak na nakikilandi pa sa iba at sa amo pa niya!" Parinig kong sabi ni Sara sakin bago tumalikod.

"Kasi nga besh– mayaman!" Dugtong naman nila Sassy at Lovely. Tinaasan ko lang ang mga ito ng kilay.

Nang makaalis na ang tatlo ay lumapit sakin sila chef Jun at ate na may pag-alala sa mga mukha.

"Okay ka lang Diane? Mga walang hiya talaga ang mga iyon. Mga matatanda pa naman sana pero mga isip bata kung mag-isip!" Tinulungan ako ni ate Chona sa pagpulot ng mga basag na bote at nilagay sa basurahan na kinuha ni chef Jun.

"Hayaan mo na ang mga iyon Diane, may araw din sila." Si chef Jun na nakitulong nadin.

"Salamat sa inyo. Mabuti at nandiyan kayo." Pilit ko na ngumiti sa kanila.

"Pero Diane... Ngayon ko lang napansin na parang kamukha ng mga anak mo si senyorito Drake?"

(Unedited)

Sosyal ng wine. Ano kayang lasa? Lasang grapes o lasang ginto?😄😅

Itutuloy...
Please votes, comments and share.
Thank you.

Mayril25

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Mortal Enemy (Mafia's Maid Love-series#:4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon