Kabanata- 3

1.4K 39 0
                                    

Diane

Tama kaya ang narinig ko na Drake ang pangalan ng senyorito na anak ng mga Stewart na amo ko?

Wow... Kapangalan pa ng anak ko. Sabagay marami naman magkakapareho ang ngalan ng isang tao sa mundong ito.

Hindi ko nga alam kung saan ko binase ang mga naipangalan ko sa triplets ko basta kinuha ko lang sa una kong letra na D- Diane ang kanilang mga pangalan.

"Hoy Diane! Natulala ka na diyan, ayos ka lang ba?" May pag-alalang tanong ni ate Chona na kinapitlag ko at napatingin dito. Malapit na pala itong matapos sa paglalaba habang ako ay nasa kalahati palang.

"A-ayos lang ako ate, D-drake din pala ang pangalan ng senyorito natin." Naisagot ko bigla na nagpatuloy na sa pagkuskos at nakuha nadin pala nito ang brief na nalabhan na din. Namismis ko na ang mga anak ko, sana maayos lang sila sa bahay.

Kapag naging maganda na at maayos ang trabaho ko dito ay isasama ko na talaga sila para maging panatag na ang loob ko na nasa tabi na nila ako. Hindi din naman ako makakapagtrabaho ng maayos kasi sila lagi ang nasa isipan ko.

"Oo, kapangalan nga ng panganay mong anak na lalaki no?" Tumango ako sa sinabi nito. Alam din kasi nito na may mga anak na ako na sinabi ko ang tungkol sa kanila. Nag-alala nga rin nga ito sa kaligtasan ng mga anak ko kaso sabi nga niya baka magalit ang mga amo namin na magdala ng mga bata dito kasi baguhan palang daw ako.

Pero kapag makatiyempo ako ay makikiusap ako sa kanila na kung pwede na isama ko ang mga anak ko dito sa loob ng mansyon para hindi na ako mag-alala sa kalagayan nila doon sa bahay. Panatag na ako kapag kasama ko na sila dito. Masunurin naman silang mga bata at hindi makukulit na bibigyan ka ng sakit sa ulo. Sana pumayag na ang mga amo ko na pwede silang isama.

"Oo nga ate. Sana pumayag ang amo natin na isama ko sila dito." Dalangin ko talagang pumayag sila sa pakiusap kong dalhin ang mga anak ko dito.

"Sana nga Diane para naman makapagtrabaho ka ng walang inaalala sa mga anak mo." Sabi pa nito na tinapon na ang maruming tubig ako naman ay matatapos narin.

Matapos sa paglalabada ay isa- isa na namin ito binanlawan at tsaka sinampay dito rin sa likuran ng bahay nila. Malaki naman kasi ang espasyo dito kaya hindi ka masisikipan sa lugar at sa aming paglalaba.

Magtatanghali na ng natapos namin ang paglalaba ni ate Chona kaya nagpunta na kami ng kusina at nadatnan ang ibang katulong at ang personal chef sa mansyon na ito na naghahanda na ng tanghalian.

Iba't ibang klase ng ulam ang niluluto ng chef ng pamilya para siguro sa pagwelcome kay senyorito na ipinahanda ng mag-asawa para sa kanilang anak.

Nakitulong narin kami ni ate sa paghihiwa ng mga gagamitin na sangkap dahil marami pa ang mga dapat na hihiwain.

"Diane, pakikuha nga ng manok sa ref." Rinig kong utos ni chef Jun sakin.

"Okay po chef Jun!" Naghugas muna ako ng kamay bago pumunta sa ref at binuksan ito. Maraming laman sa loob ng ref na pawang si chef Jun ang nag- aasikaso para sa pagkain ng pamilya Stewart.

Nahirapan akong kumuha ng manok na nakalagay sa itaas na layer. Malaki kasi ang ref at double door pa kaya nahihirapan ako sa pag- abot sa manok. Pero pilit ko parin sa pagkuha na malapit ko na sanang makuha ng mapaatras ako at bigla nalang makarinig ako ng may nabasag sa likuran ko. Tiningnan ko ito at nataranta ako na isang bote pala ng wine na nasagi ko. Agad kong pinulot ang mga basag na bote na makarinig ako ng galit na sigaw sa likod ko.

"Oh my gosh!!! Diane!!!"

Unedited
09-02-18

Itutuloy...
Please votes, comments and share.
Thank you.

Mayril25

His Mortal Enemy (Mafia's Maid Love-series#:4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon