"DITO kayo sa bahay at nang makapagpahinga muna, malayo ang biniyahe n'yo, ipinahahanda kobtalaga ang isang kwarto para magamit n'yong mag---anak, "
Hindi magkaintindihan ang isang tiyahin ng daddy ni Tansy sa pagsalubong sa kanila, para silang balikbayan kung ituring,
"Akala ko ba, intregera, bakit para namang mabait? " bulong ni Marky sa kanya,
"Maghintay ka lang, " bulong din niya,
Sikat na ang araw nang sapitin nila ang kayong sinilangan ng kanyang ama,
Napansin na ng isa si Marky, hindi nakatiis,
"Sino naman ang batang ire? Boyfriend ba ng anak mo, Elizabeth? "
"Inaanak ko, si Marky, anak ng kaibigan ko, at kaibigan nitong si Tansy, " at ipinakilala ni Beth sa lahat nang naroroon ng binata,
Panay naman ang "Kamust po, " ni Marky kahit hindi naman natatandaan ang mga pangalan ng ipinakilala,
"Kumain muna kayo diyan, pagkatapos ay magpahinga,
Hindi naman magagalit ang kuya kung hindi kaagad kayo sisilip sa burol niya, " wika pa ng isa,
Hindi rin naman sila makakain nang maigi dahil panay ang tanong ng mga nang mga nakapalibot sa kanila,
"Ang ganda mo lalo, Tansy, " wika sa kanya ng isang pinsang---buo, " kailan ka mag--aasawa? "
"Nag---iipon pa, " pabiro niyang tugon,
"Nagtatrabaho ka na ba? Si Myrna ay nagtatrabaho sa munisipyo, sa opisina ng mayor,
Kagabi nga ay nasa burol si Mayor, ang laki ng dalang koronong bulaklak---"
Siniko niya si Marky na katabi niya, then winked at him saying, "See? "
Ngumiti lang si Marky,
Nagsalita naman ang pinsang---buo ng daddy niya,
"Naku, hindi na kailangang magtrabaho niyang si Tansy dahil mapera naman ang kanyang ama, bago ang kotse, "
"Kay Marky po yun, Tita, " wika niya,
"Ganoon ba? Napaka bait naman ng kaibigan mo, " anitong napahiya,
"Pero, totoo namang mapera iyang si Alberto, masuwerte ang mamanugangin, "
Hindi siya nakatiis, "Oo nga, Tita, ang yaman--yaman ni Daddy, ang totoo nga, eh pupunta kami sa Switzerland sa summer, mamamasyal kmi at magtatapon ng salapi, hindi naman iyon mauubos at mayaman kami, "
"Constancia! " sabay na awat nina Beth at Albert sa anak,
"Hindi pa nga nakakabili ng lote sa sementeryo para kay kuya dahik naibayas namin sa ospital ang pera---" ang pinsan ni Alberto,
"Ako na ang bahal roo, Ate, " anang daddy niya,
"Baka naman nakakahiya sa inyong mag---asawa,
Tutuloy na raw sa burol ang mga ito, nagpaiwan naman sina Tansy,
" Matutulog lang ako saglit, Mommy, masakit ang katawan ko, at saka si Marky, kawawa naman, magdamag nagmaneho, "wika niya,
"Sige, sumunod na lang kayo mamaya para kami naman ang makapagpahinga, " ani Beth at sumabay na sa mga kamag---anak na pupunta sa burol,
"Tita---" tawag niya sa pinsang---buo ng ama,
"Saan kami pwedeng matulog saglit?"
Sinamahan sila sa isang maliit na silid ba halatang bagong linis, bagong palit pati kurtina sa maliit na bintanang kahoy,
Agad naghubad ng sapatos at medyas si Marky,
Si Tansy naman ay sinipa labg ang tsinelas na balat at sumampa sa kama na manipis ang kutson, maigi na kaysa wala,
"Ang kaibigan mo'y pwede na roon sa salas, sa sofa, " wika ng tiyahin niya,
"Tita naman, ang dami namang dumadaan doon, hindi makakatulog si Marky, dito na lang siya, aniya,
Kumunot ang matandang babae ngunit hinsi nagsalita, iniwan sila,
"Okay ang poor relations mo, ah, pasimpleng manira, "
Komento ni Marky at nahiga sa tabi niya matapos hubarin ang T--shirt,
"Sabi ko sayo, eh, pero may naiisip ako, Tutal, naririto tayo sa bicol, mamasyal tayo bukas,
Sa biyernes pa naman ang living ni Lolo at hindi naman ako hahanapin nina Mommy,
Maiinip lang tayo,
Pumunta tayo sa Mayon Volcano, " yaya niya,
"May pera ka? " tanong ni Marky,
"Mura naman ang bilihin dito, "
Nakatihaya sa higaan si Marky samantalang siya ay nakatagilid paharap dito, ang ulo ay nakapatong sa palad at ang siko ay nakatuon sa unan,
Napatingin sila sa pinto nang bahagyang bumukasbiyon,
Kitang---kita nilang sumilip ang tiyahin,
Pagkatapos ay pasinpleng umalis,
Napabungisngis si Tansy,
"Matsi---tsismis tayo ngayon din, ""Hayaan mo sila, inggit lang sila, " at isinaklay pa ni Marky ang isang hita sa baywang niya,
"Sakit ng likod ko, I---back rub mo naman ako---" lambing nito,
"Okay, mabait ka naman"
Bumaba siya ng kama at hinalungkat ang dalang traveling bag,
Isang boteng alcohol ang inilabas niya at bale---walang sumakay sa likod ng nakadapa nang si Marky,
"Basta pupunta tayo sa Mayon bukas, ha? "
"Basta ikaw, " He groaned dahil sinimulan na niyang hagurin ang likod nito,
Hindi niya tinitigilan hangga't hindi nkakatulog,
Hindi siya napapagod dahil gusto niya ang ginagawa,
Kapag siya naman ang masakit ang mga kasukasuan ay minamasahe rin siya nito,
Mayamaya nga ay regular na ang paghinga nito,
At dama na rin niya ang katahimikan sa paligid,
Umalis na yata ang mga tao, mga ingay ng hayop at mga batang naglalaro ang naririnig niya, ngunit malayo sa bakuran ng bahay,
Nahiga rin siya hanggang maidlip,
Sanay na rin siyang makatabi sa higaan si Marky kapag overnight outings sila,
Hindi lamang sila nagtatabi kapag nasa kani---kanilang bahay natatakot na mag--isip ng iba ang kanyang mommy,
But they were out of town at walang ibang mahihigaan si Marky,
Kaya okay lang na nagkatabi sila sa higaan,
Besides, hindi sila ni Marky ang primary concern ng kanyang parents sa pagpunta sa Bicol,
Kung hindi ang magagastos sa living ng kanyang lolo,
Pupusta siyang lahat ng puwedeng ipaaakonng gastusin ay ipaako ng nga kamag--anak nila sa Manila.