Chapter 1 "Rebelde"

4.3K 84 0
                                    

Isang kotse ng van ang naligaw at napadayo sa isang probinsya na kung tawagin ay Probinsya Luisita.

"Buti na lang at naitakas natin itong si Jena sa mga magulang niyang mga baliw. Akalain mo bang gusto nilang ipa-abort ang apo nila. Grabe!" galit na sabi ni Jerick. Isang dalawampu't tatlong taong binata na siyang nagmamaneho ng van.

"Kaya nga. Hindi talaga ako makapaniwala na ganoon ang naisip nilang solusyon. Sabi ko ngang pananagutan ko e! Ang hirap basahin ang utak ng mga matatanda ngayon . . ." wika ni Lemuel. Isang dalawampu't isang taong binata at kasintahan naman ni Jena.

Halos pareho lang sila ng edad ng nagdadalantaong katropa nilang kasama sa van.

"Nasaan na ba tayo, Leni?" tanong ni Jerick.

"Malapit na tayo sa destinasyon natin," bungad na sabi ni Leni. Dalagang kasing-edad nila.

"Hay, naku! Akin na nga 'yan. Ang bagal-bagal mo," inis na sabi ni Edison—dalawampu't isang taon.

Magbabarkada silang nag-istokwa dahil lang sa kaibigan nilang nagdadalantao. Higit pa sa magkakapatid ang kanilang turingang lima.

"Bakit kasi di kayo gumamit ng GPS!" sigaw ni Jerick dahil sa inis.

"Wala kasing signal dito o!" paasik na sagot ni Edison saka iniangat niya ang cellphone niya.

"Tangina ang init na sa lugar na 'to. Saang probinsya na ba tayo?" reklamong sagot ni Lemuel.

May nakita agad silang check point sa di-kalayuan.

"Oh my God! Ano 'yan?" nag-aalinlangang wika ni Leni.

"Shit! Sis Leni! Parang mga rebelde. Ganyan 'yong nakikita ko sa balita," nakaalertong wika ni Jena.

Pagkarating nila sa check point ay agad huminto ang van nila. Maraming mga kalalakihang nakasuot ng pansundalong pantalon at itim na damit ang nakaabang sa kanila.

"Bago kayo rito, 'no?" sabi ng matandang lalaking
nakasuot ng salamin. Mukhang hindi ito katiwa-tiwala dahil sa mukhang itong rapist na ex-convict at leader ng mga rebelde.

"Oho! Bakit ho? Ano ang kailangan n'yo sa amin?" nagmamatapang na sabi ni Jerick.

"Baba! Dali!" sigaw ng isa pa nilang kasamahang rebelde pagkatapos silang tutukan ng baril.

Agad naman silang bumabang lima pagkatapos ay pinaglinya sila ng mga rebelde.

"Gusto ko 'yong isa bossing o! Morena at bata pa! Matambok ang puwetan! Masarap lamasin," sabi ng isang manyakis habang nakangiti sabay turo kay Jena.

Dumepensa naman si Lemuel. "Wala namang ganyanan! Girlfriend ko 'yan!"

Bigla itong hinampas ng baril ng rebelde at natumba.

"Itaas ang kamay!" panakot na sigaw ulit ng nakasalaming rebelde kaya sumunod ang lima sa utos nito.

Sa kalagitnaan ng kagubatan at napakainit na sikat ng araw ay tila may balak ang mga rebeldeng i-hostage ang limang kabataan. Ngunit dahil mautak si Jerick ay nakipagtitigan siya kay Edison habang nginunguso ang nakatutok rito na baril. Senyas na inuutusan niyang ipaagaw sa kaibigan ang baril ng rebelde.

Kaso, sa kamalasan ay di kayang gawin iyon ni Edison dahil takot ito kaya mas lalong nainis at nagtimpi na lang si Jerick.

Lumapit na ang leader ng mga rebelde na may suot na salamin at sinimulang niyang kapaan si Edison. Nadungaw ni
Jerick sa likod ng leader ng mga rebelde ang isang rifle kaya agad siyang tumingin kay Jena.

"Psst! Jena! Akitin mo sila! May plano ako!" utos ni Jerick nang pabulong.

"What? Are you crazy, pare? Girlfriend ko 'yan," bulong na wika ni Lemuel na tila naiinis.

"Basta, akong bahala dali!" sabi ni Jerick sabay tingin kay Leni at ngumuso ulit doon sa likod ng leader ng mga rebelde na nangangapa kay Edison.

"Kunin mo yung pistol. Sa 'yo 'yon habang akin naman ang rifle. Kaya mo?" bulong ni Jerick at di naman tumanggi si Leni sa senyas nito.

Sinimulan nang akitin ni Jena ang mga rebelde kaya sa babae sila pumunta. Habang yung leader naman ay nagtataka dahil parang may nahawakan o nakapa siyang tila matigas na bagay sa katawan ni Edison.

"Ano 'to?" sigaw ng leader ng mga rebelde. Nang pahubarin niya si Edison ay nakita niya itong may suot na kakaibang anting-anting.

"Alam ko 'to a! Pangontra 'to sa mga aswang," sabi pa nito.

Umatake, hinampas, at sinipa ito sa likod ni Edison.

Agad namang dinampot nina Jerick at Leni ang mga baril kaya natigil ang mga rebelde. Naglabas din ang mga ito ng kanya-kanyang baril.

Sinipa ni Jerick ang leader ng mga rebelde at pinatayo saka ginawang hostage. "Ano'ng pangalan mo?"

"Commander Raquel," sagot ng leader ng mga rebelde.

"Sige, tangina n'yo! Subukan n'yong lumapit sa amin. Pasasabugin ko ang ulo ng leader n'yo!" pasigaw na sabi ni Jerick habang nakatutok ang baril sa leader ng mga rebelde. Agad silang lumayo sa grupo ng rebelde kasama ang leader ng mga ito.

Hinabol naman sila ng mga rebelde para tugisin.

"Tangina, ano ang gagawin natin diyan Jerick? Bitiwan mo na 'yan!" utos ni Edison.

"Siya ang alas natin. Kung pakakawalan natin siya ay di tayo tatantanan ng mga hayop na 'yan! Isa pa, wala tayong kotse," ani Jerick.

Biglang namang nadapa si Jena at napasigaw. "Babe, di ko na kayang tumakbo!" Kaya binalikan siya ng kasintahang si Lemuel saka binuhat. Lalo na't nagdadalantao pa siya.

Tuwang-tuwa namang binabaril ni Leni ang ibang rebelde na naghahabol sa kanila.

"Tigilan mo na nga 'yan! Mauubusan pa tayo ng bala," inis na wika ni Lemuel.

"Bakit ba? Ano'ng pakialam mo? Duwag ka kasi. Dapat nga, ikaw ang nakahawak sa baril na 'to e," pang-aalaska na wika ni Leni.

Nang makalayo-layo na sila ay may nakita silang isang building na may nakasulat na Poly Clinic.

Walang katao-tao kaya dumiretso agad sila papasok sa loob. Pagkatapos ay sinarhan nila ng kahoy ang pinto. Puro sila hingal na hingal pagkatapos nilang takasan ang grupo ng mga rebelde.

Agad na may nakita si Jerick na tali kaya itinali niya ang kamay ni Commander Raquel nang mahigpit. Nilagyan pa niya ito ng scotch tape sa bibig.

Naglakad-lakad sila sa clinic nang may makita si Jena.

"Jerick, look!" tawag niya.

Lumapit si Jerick sa may nakasulat na wanted. Mukha ni Commander Raquel at may pabuya pa itong 50 thousand.

"Tangina, p're! Tiba-tiba tayo! Jackpot!" natatawang sabi ni Edison nang agad na may narinig silang boses.

"Ano'ng ginagawa n'yo rito?"


Clinic Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon