Basement nung pagkababa
Red Room kung saan kinukulong ang mga taoBASEMENT NA NAGIBA NG ANYO
Nakita niyang parang brand new pa ang basement. Walang kadumi-dumi at kumikintab pa ang ibabang sementong gawa sa marble.
Bigla siyang nagambala nang may marinig siyang parang tumakbo sa likod niya.
Hindi niya rin maintindihan kung bakit nanindig bigla ang mga balahibo niya sa batok at agad nanlamig. Mas lalo siyang nagulat nang tumakbo na naman ulit iyon sa likod niya ngunit sa kabilang direksyon naman. Mabilis ito na tila nakikipaglaro.
Isa sa mga pinto ng mga kuwarto ang nabuksan niya sa tahimik na hallway.
"Tara, dito ka," sabi ng isang boses bata.
Napalunok na lang si Leni sa takot, ngunit dahil bata ay pinilit niya ang sariling puntahan ito. Baka puwede pa niya itong isalba sa mga aswang. Napakatahimik talaga ng lugar. Tanging huni ng rubbershoes na pinang-aapak niya ang naririnig niya.
Nang nandoon na siya sa pinto ay dahan-dahan niyang tiningnan ito. Nakita niyang ito ay isang simpleng kuwarto lamang na tila secret file room ng clinic. Magulo at nakatapon ang mga libo-libong papel kung saan-saan.
BINABASA MO ANG
Clinic
HorrorNaligaw ang isang magbabarkada sa isang clinic kung saan pinagmamay-ari ng isang pamilya ng aswang. Nakakapangilabot lalo na't buntis pa ang isa sa kanila. Pano nila malulusotan ito. [✔️] Completed [✖️] On Going [✖️] On Hold [✔️] SPG [✖️] Not SPG Ge...