Chapter 20: Confrontation

638 28 6
                                    

Third Person's POV

"Bat ang tatahimik niyo? Nakakita ba kayo ng multo?" tanong ni Martin habang nakakunot ang noo sa dalawang pares ng magkasintahan.

"Grabe di pa kayo nasanay sa pagmumukha ni Martin at natakot pa kayo sa multo?" pagbibiro naman ni Marco na agad namang binatukan ni Martin at sinamaan ng tingin.

Nanatiling tahimik lang naman si Ian. He already has a hunch on what's happening, but he decided to stay silent. Their vacation in Cebu ended in a blur at ngayon na ang araw na babalik sila sa syudad. Ihahatid na lang sila ni Ian, Marco at Martin sa airport. Napag-usapan na rin nila na bibisita sina Ian sa hospital sa susunod. 

"Sakay na guys" sambit ni Dahlia at nauna na sila ni Thorn na sumakay sa van after putting their luggages in as well.

Ilalagay pa lang sana ni Chloe ang gamit niya nang unahan siya ni Husher.

"Ako na" maigsing saad nito at wala naman ng magawa si Chloe kundi sumakay na lang din. His voice was cold.

Ever since that night, napansin ni Chloe na parang ang tahimik ni Husher. Tahimik lang at ang seryoso ng itsura. He hasn't cracked any jokes since then. Nakakapanibago. Lumakas tuloy ang kutob ni Chloe na baka nga narinig ni Husher ang lahat, but she didn't dare to open that topic. Masyado siyang nilalamon ng hiya.

Pinakahuling sumakay si Husher sa van. Nasa likod sila nakapwesto ni Chloe. Umandar na ang van papunta sa airport at tanging bangayan lang nila Marco ang naririnig.

Napansin ni Chloe na nakatingin lang si Husher sa bintana. Hindi ito nag-iingay tulad ng nakasanayan. Para bang ang lalim ng iniisip nito.

Napabuntong hininga na lang si Husher at hindi niya napigilan ang sarili niya as he intertwined his hands with Chloe. Napatingin sa kanya si Chloe ngunit hindi man lang binalik ni Husher ang tingin.

He was just simply staring outside the window while holding Chloe's hands. It somewhat felt bittersweet. Kahit sa mga bagay na nalaman niya, di niya pa rin mapigilan ipakita yung pagmamahal at pag-aalala niya kay Chloe. It's driving him insane.

They bid their farewells sa airport at sumakay na sa kanilang flight. Tahimik lang silang lahat hanggang sa makarating sila sa Manila.

"Jusko ako lang ba yung di makahinga nang maayos buong byahe" mahinang sambit nung isang nurse nung nasa van na sila papuntang hospital.

"Ako rin. Ano kayang nangyari sa kanila?" nag-aalalang tanong naman ng isa pang nurse. Maski ang mga nurse ay walang ideya kung bakit ganoon umakto ang dalawang pares.

Pagdating nila ay buong araw silang nagpahinga at kinabukasan na sila nagsimula ng trabaho.

Kinabukasan ay sinimulan na rin ni Dahlia ang plano niya. Sakto dahil may therapy session si Thorn kaya pagkaalis na pagkaalis ni Thorn ay agad niyang nilapitan ang magulang ni Thorn na nagkataon din na nandoon.

She took it as a sign kaya hindi niya na ito papatagalin pa. It's now or never.

"Bakit iha? May kailangan ka?" Tanong ni Tita Tanya habang katabi niya naman si Tito Travis sa hallway. Wala namang tao sa hallway kung nasaan sila so it was fine.

"I'm breaking up with Thorn" diretsong saad ni Dahlia kaya agad nanlaki ang mga mata ni Tanya at Travis.

"What? No! May usapan tayo Dahlia" pagtanggi naman ni Tanya.

"Tita, ayoko ng lokohin si Thorn. It's been seven years. Awat na. Hindi na ako masisilaw sa perang binabayad niyo sa akin" desididong sambit ni Dahlia, and there goes the truth.

Euthanasia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon