Chloe's POV
Napabuntong hininga na lang ako as I parked my car dito sa bagong hospital kung saan ako naka-assign dahil dun sa bagong pasyente ko. Next week pa talaga ang start ko pero pumunta na ako rito to drop off a few of my things para di na ako masyado madaming dadalin next week.
Nagulat ako sa price na offer ng pamilya ni Thorn para sa service ko. It was a lot of cash. Dapat daw makitaan na may improvements ang pasyente para patuloy akong maging doctor niya at bayaran ng malaki. Deal agad syempre.
Habang naglalakad ako papunta sa entrance ng hospital ay nakarinig ako ng mga sigaw ng tulong at iyak kaya lumingon ako kung saan ito nanggaling at nakita ko kung paano bumagsak ang isang lalaki sa sahig.
Automatic akong tumakbo papunta sa lugar nila and I saw the girl was crying while screaming for help.
Always make sure not to add up to the casualty and remember ABC when performing first aid.
A - airways. B - breathing. C - CPR.
"What happened?!" tanong ko at umupo sa tabi ng lalaki at tinignan ang pulso nito. No pulse. Nilapit ko ang sarili ko sa mukha nito at hindi ko naramdaman ang paghinga niya. Nilabas ko rin ang flashlight ko at tinignan ang mata nito. I checked a few other signs. He most likely had a cardiac arrest.
Hindi makasalita ang babae kakaiyak.
"Wag kang umiyak dyan at tumawag ka ng nurse para sa stretcher!" inis kong sambit sa kanya na tumango tango naman bago nagmamadaling tumakbo. Binuksan ko naman ang polo nung lalaki at kinapa ko ang dibdib nito hanggang sa nasa ibabaw ang kamay ko sa puso niya. I started massaging the surface of his heart and started pumping on his chest. Naramdaman ko na tumibok ito muli kahit papaano pero nawawala ulit ito.
Dumating na ang mga nurse with the stretcher at halatang natataranta ang mga ito. Mukhang delikado ang kalagayan nitong pasyente."Doctor Winter!" bati nila at agad nila akong nakilala. Sumakay din ako sa stretcher while pumping his chest hanggang makapunta kami sa ER. Nakita kong namumutla na ito dahil sa kakulangan sa hangin.
"Defibrillator!" sigaw ko at inasiko naman ng nurse at inabot na sa akin ito with the substance on it.
"Clear!" kasabay ng pagbalik ng tibok ng puso niya ay mabilis nilang kinabit ang machine sa kanya para maging stable siya. Napahinga naman ako nang malalim nang mag-pick up na ng rhythm ang pagtibok ng puso niya. Muntik na yon.
Iyak pa rin nang iyak yung babae kanina.
"Hey don't cry. He's gonna be fine" sambit ko sa kanya at hinimas ang likod nito para kumalma.
"I-It was all my fault!" iyak niya kaya napalingon ako sa nurse and motioned to take care of her. I have no time to listen to her drama.
Nilipat na ang lalaking yon sa room niya talaga. Oh another reminder, wag basta-bastang tumutulong sa mga taong naaksidente. Lalo na kung wala kayong red cross certificate dahil pwede kayong makasuhan doon. It depends on the situation. When the victim is unconscious it's better not to touch the victim dahil baka may magalaw kayo na hindi dapat at mas lumala ang sitwasyon nito. I'm not telling you to not help kasi marami ka pang pwedeng ibang gawin, tulad ng pagtawag ng 911. Better leave it to the professionals. It all depends on the situation.
"Nakakaawa talaga ang batang iyon" naiiling na sambit ng isang matandang nurse.
"Parating na ang parents niya. Kawawa talaga si Thorn" saad naman ng ibang nurse kaya napukaw ang atensyon ko at agad napalingon.
"What? Siya yon? That's Thorn Lazarus?!" gulat kong tanong sa kanila as they nodded.
"Yes. Ikaw po ang bagong doctor niya diba?" tanong ng isang nurse at tumango naman ako.
BINABASA MO ANG
Euthanasia [COMPLETED]
أدب المراهقين[HR: #8 in medical ✨] This story is about the man who dies repeatedly. Having a deal with the devil is bad. Having a deal with your doctor is worse. Why? Because one damn word can change the whole game. Euthanasia. A story by Royalty # 1 (unedited)