This update is dedicated to AEM_Andy (thanks for the cease-full support 😍😘💕 )
********
THIRD PERSON's POV
"*sigh* and guys I would like you to meet Shan, ate ko"
Ate?
Yan ang tanong ng lahat maliban kay Dei na isang tingin lang ang ibinigay kay Shan magmula ng lumapit ito kasama si Nath sa kinaroroonan nila.
Sa isang banda, ito ang kumuha ng atensyon ni Zach na kanina pa pala pinupukol ng tingin ang babae. Animo sinusuri ang kabuuan nito maging ang bawat galaw na ginagawa nito.
She's her sister? Seriously?? Because she didn't act like one weeks ago. That's what most of them thinks after Nath introduced Shan-- her sister to them.
"Well nice to meet you again Shan" bati ng trainer ng banda na syang unang nakabalik sa riyaledad.
"Well not nice seeing you though. If you'll excuse my presence"
Hindi na sumagot pa ang propesor at nanatili na lamang tahimik matapos ang nakuhang sagot sa kausap.
She was about to leave when a grip stop her.
"Please"
A bored 'tss' was what she replied. She may be a bitch in front of everyone but there is something that she can't refuse her sister. 'At least marunong pa akong magpakumbaba at umintindi sa kapatid ko ibig sabihin tao pa rin ako. Pwe! Tao pa rin ako at buset ang Mike na yun kung san nya nakuha ang mga kagaguhang pinangdescribe niya sakin' she thinks as she face her sister again.
"Fine. Shanaih Nich Lasseter is the name. And not nice meeting you all"
And she left.
She left them dumbfounded.
******
Nathalie's POV
At ayun na nga umalis nanaman siya. Aaarrgghhh. Mommy di ko na talaga kaya. Huhuhu! Bat ba kasi ako pa ang napadala dito? O mas tamang itanong na bakit sa lahat ng tao si Shan pa ang kailangang ilipat! Huhuhuhu
Bakit di na lang si ate Ritz, tutal magbestfriend naman sila. Hmmp!
Di ko alam kong pano pa ako makakatagal dito kay Shan, pero bat ganun, kapag naman si kuya Tyler ang kumakausap sa kanya ang tino tino niya bat pag samin ni kuya Mike daig pa niya nakalunok ng isang bloke ng yelo.. Aabutin kami ng siyan siyan bago siya nakausap o kaya makakuha ng matinong sagot sa kanya. Why so unfair?! *pout*
"Hehehehe pag pasensyahan niyo na yun, ganun lang talaga si Shan"
Hinging pasensiya ko sa kanila sa inasal ng kapatid ko. Ganun lang yun pero mabait yun. Pramis peksman mamatay man si Alvie ngayon.
"Ate mo siya diba? Bat di mo man lang tinatawag na ate?" -Steph
Hmmm. Pano ba to?
"Ayaw niya eh. Nagmumukha daw siyang matanda"
Totoo naman yun nagmumukha daw talaga siyang matanda pag may tumatawag sa kanyang ate. Ewan ko ba sa utak na meron yun! Di ko alam kung totoo yung rason niya o talagang maarte lang talaga siya. Haay!
"Huh? Eh diba pag ate matanda naman talaga?" -Alvie
"Haays.. Utak pre! Utak" -Kent
"Wow ha! Meron ka? Meron ka?! Pwe!"
Tss. Iingay kala mo naman talaga. Gwapo kayo? Ha gwapo kayo?
"Uy Gian natulala ka na dyan. Naks pare mukhang ang kapatid ni Nathalie ang may dala niyan ah!"
Lahat kami napatingin sa direksyon niya and yeah mukhang kakabawi pa lang niya sa kung san mang dimensyon siya nadala ng mga pinag iisip niya.
Omoooo. Shocks. Namumula yung tenga niya. Iba talaga Charm ni Shan yiieeh. Sayang nga lang di pwede. Haays
"Namu ka Kent!" Saad nito na inismeran agad ang kaibigan. Unti na lang isang malutong na 'pakyu' ang sabihin nito matigil lang sa pang aasar ang matino niyang kaibigan.
"Nice one pare. Buti pa yung ate maganda kamusta naman yung isa dyan!"
Aba loko to ah! Duh! Bulag ba siya? Sa ganda kong to? Pwe!
"Alvie alam mo ba dyan nagsimula lolo't lola ko yieeehhh! Paasar-asar lang yan pero lakas na ng tibok ng puso niyan. " -Steph
"Pssh. Patay na siguro lolo't lola mo."
"Hoy! Gagong to! Buhay pa kaya! Bahala ka nga dyan crush mo lang si Nathalie eh!"
"Tama na yan. Magsipag-uwi na kayo and congratulations again. It was a job well done." Natatawang pagtataboy neto sa mga nagbabangayan. Iingay kasi!
"Bye Sir Clarence" they bid their goodbye in unison.
Thanks God it was a successful one. And it was one of my best moment ever. Kahit na alam kong napilitan lang talagang manuod si Shan kanina ginawa niya pa rin and that's what makes it more special
It was her effort of showing herself up on this live practice. Para kasi sakin, the effort itself that was put up para makapunta siya dito at manuod kahit Na alam kong buong pagkatao at nakaraan niya ang maalala niya, she tried. Sinubukan pa rin niyang tapatan ang isang bagay na kinakatakutan at nananakot sa kanya. And for me, that's what make a person even stronger and tougher.
Facing what you fear the most. Conquering a path that was once grip you into pain, a path that was once your source of happiness yet also the one that bore the death of you.
Nakalabas na silang lahat at ako na lang ang natitira kasama na rin si Carl at Sir Clarence.
Bat ba palaging magkasama tong dalawang to? My ghaad may relasyon kaya sila?? Tanungin ko kaya?Pero-- ay ganto aayusin ko na lang yung pagkakaconstruct ng tanong ko para di masyadong nakaka offend.. Hmm what if..
Loko ka talaga Nathalie lahat na lang binibigyan mo ng meaning. Pero kasi diba---
"Oh Nathalie di ka pa ba uuwi anong oras na oh. Tsaka baka galit na yung kapatid mo kakaantay sayo"
" Ahmm Sir Clarence pwede po ba kayong makausap?"
This is it! Kaya mo yan Nathalie!
Fighting lang!
******