"PUMASOK KA SA KOTSE. NGAYON NA!" sigaw ko sa kanya na agad niya namang sinunod. Nalintikan na talaga!Agad akong nagpaputok sa direksiyon ng dalawang lalaki at mabilis na pumasok ng sasakyan upang magsimula ng magmaneho.
Walang lingon lingong pinaharurot ko ang kotse palabas ng eskwelahan, loko tong mga to pano nila nalaman na nandito ako sa pilipinas?!. At mga bwesit sila, talagang wala silang pakundangan sa lugar kung saan sila basta magpapaputok ng baril.Nang makalabas ng academy sinilip ko ang side mirror upang matingnan kung nasundan kami, langya oh! Apat na kotse ang nakasunod sakin, kaya to!
"Ikaw muna mag-drive may tatapusin lang ako" pag agaw ko ng atensyon niya na ngayon ko lang din ulit nabigyan ng pansin dala na rin nang pagkatutok ng atensyon ko sa mga lalaking nakasunod pa rin sa'min hanggang ngayon. Mabilis pa sa alas kwatro ng magpalit kami ng pwesto, kinuha ko ang isa pang baril na nakalagay sa compartment ng kotse at binuksan ang bintana.
Now, face your fucking death assholes!
Kailangang pulido ko itong magawa dahil dalawang baril lang ang meron ako at isa pa hindi bulletproof ang kotseng dala ko ngayon at hindi lang rin ako ang nasa loob ng kotse.
Una kong pina-putukan ang bawat gulong ng kanilang kotse para mapabagal ang takbo ng mga kotseng minamaneho nila, apat na bala para sa gulong ng apat na kotse.
*bang... bang... bang... bang*
Magkakasunod na putok ng baril ang ginanti nila papunta sa direksyon namin. Tangina nang mga to! Saglit akong pumasok sa kotse, para maiwasan ang mga balang papunta sa direksyon ko, kupal kayo ah!
"Who are those assholes and why are they up to you?"
"Will you just shut the fuck up?!" Bwiset na to di na lang manahimik sa isang tabi eh. Tsaka kasalanan niya kung bakit naabutan ako ng mga kumag na lalaking yun, bat ba naman kasi bigla pang sumulpot tong Zach na to eh.
Agad ko silang sinilip sa side mirror ng kotse para sa mas tamang pag asenta ng baril.
Tapos na kayo? Pwes ako naman.
Muli kong nilabas ang kalahati ng aking katawan para asintahin ang dalawang lalaking nagmamaneho ng dalawang kotseng medyo malapit na samin.
*bang... bang*
And bullseye!
"Die now bastards!"
*bang... bang...bang... bang*
Shit!
Putek! Muli kong pinasok ang sarili ko sa kotse at mabilis na pinunit ang ibabang bahagi ng aking uniporme para itali ang natamaan kong braso para maiwasan ang sobrang pagdaloy ng masagang dugo mula sa sugat dala na rin ng balang tumama sakin dahil sa pag ganti ng mga kumag! Nakatyamba pa kayo ah!
"And what the hell happened to you?"
"Bulag ka ba? Malamang tinamaan ng bala! Jusko naman!"
"Tss. Give me your gun" wtf! Does he know what he is doing?
"Now." Fine. Bahala siya kung matamaan siya, di ko na kargo de konsensya yun. Siya na rin mismo ang nanghingi ng kamatayan niya.