Chapter 2

120 7 1
                                    


Juno's POV

"Baka naman may shooting lang?"

naiinis na napakamot ako ng ulo, "Di nga shooting yun. Walang camera pre!"

"Live show?" nakakunot-noong tanong nito, "O baka na-wow mali ka."

"Punyemas naman oh. Wala ngang tao eh. Ako lang mismo nakakita."

"Okay kalma. Sinasabi mong nakakita ka lang naman ng magandang chika hot babes na nambugbog ng lalaki?" tanong nito, nagtaas muna ako ng paa sa upuan sa harap ko at tumango bilang sagot. Medyo nakakapagod ding magpaliwanag sa mga 'to, bukod sa paulit-ulit, mas mabagal pa ata sa pagong pagproseso ng utak bago ma-gets yung sinasabi ko.

"Alam ko na pre" sabi nya habang tumango-tango pa na parang nakaisip ng magandang idea, "Nalinlang ka. Transgender yun 'bro. Nagpapanggap sigurong babae pero, dating lalaki yun panigurado. Maskulado tapos balbas-sarado" natatawang sabi nya. nagtawanan naman yung dalawa pang gago.


-___________-


Napailing nalang ako. Takte.Ano pa 'bang aasahan ko? puro kalokohan at kabalastugaan lang naman laman ng mga utak nito. Tss

Kinwento ko kasi sakanila yung nasaksihan ko nung isang araw. Yung babaeng nakita ko sa eskinita. Etong mga gago naman ayaw maniwala. Baka daw nangarap lang ako maging superhero. Mga engot talaga. Hanggang ngayon ayun pa'rin nasa isip ko, wala astig talaga eh. Di ko rin makalimutan na nabakla ako nung gabing yun.

Buti di natuluyan. Taena lang. Di ko alam kung kinalibutan ba ako o.. na-startruck? Ewan.

"Goodmorning class" umayos na ako ng upo nang dumating na yung subject teacher namin at nagsimulang maglecture.

Magpapakilala nalang ako..

Mark Juno Joaquin. 18yrs old. 6th yr. sa isang public school. Medyo coke lang. Sakto height, sakto buhay, sakto pag-aaral, sakto barkada. Varsity player ng basketball. Ano pa ba? Gwapo, habulin ng chix. Seryoso. Tapos, Yun lang. Wala namang thrill buhay ko, kumbaga chill lang. Tangna boring nga eh.

"Listen, class. I'll just inform you that starting tomorrow, someone will be joining the class. Last month pa sya enroll pero bukas palang sya papasok. Treat her right, okay? Class dismissed."

"Transfer student?" kanya-kanya ng usapan tungkol sa balitang may transfer student. Nung isang buwan pa lang naman nag-umpisa ang klase. Pero bakit bukas pa lang nito naisipang pumasok? Langya sarap buhay nya.

"Guys, babae daw?" nangingiting sabi ni Franz. Sa ngiti pa lang halatang may ibig sabihin na eh. Tss

"Basta talaga babae ang bilis mo" naiiling na sagot ko. treat 'her' right daw. Oh, di babae nga.

"Sana maganda, sexy tapos hot. Shet pre, heaven yun-- aray! ba't ka ba nambabatok?" sabi nya habang hinihimas yung ulo nyang binatukan ko. Tumayo na kami at tumahak papunta sa tambayan.


"Kung maka-demand ka parang umoorder ka lang ng babae ah?" sarkastikong sabi ko, "Pano kung sunog, balyena tapos bingot yung bagong transfer student? Poporma ka pa?"

napangiwi sya sa sinabi ko, "Kadiri ka, dude"

"O pustahan na yan!" singit ni keno sa usapan, "O sino pupusta sa mala-dyosang transfer student? Sige lista mo pangalan mo. Eh sa bingot? Ge guys pusta na."

Putcha. Napailing ako. Paulit-ulit nalang mga kaganapan sa araw-araw, ko dapat madagdagan naman thrill.

©celinfinity

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Assassin GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon