Ang ganda. Ang ganda ng librong iyong isinulat. Ngunit isang mapait na relasyon ang aming natuklasan sa loob ng maganda. Magandang libro na isinulat mo.
Sila. Silang dalawa ang mga taong nagmahal ngunit hindi itinadhana. Silang dalawang lubos na nagmamahal. Binalaan ng magandang binibini ang isang maginoong lalake na huwag huwag iibig sakanya, ngunit sa dulo, siya pa pala. Siya pa pala ang unang iibig sa binata.
Mahal naming tagapagsulat, maraming salamat sa kung paano mo naisulat ang isang maganda. Magandang libro na nag ngangalang I LOVE YOU SINCE 1892.
Hindi nakapagtataka na kasing ganda ng tittle ng istorya mo. Istorya nila. Istorya ng pag iibigan nila.
Juanito. Hinangaan ka namin sapagkat sa iyong pananalita, pag kilos at gawa, masasabi mo na agad na siya ang katotohanan ng salitang maginoo.
Carmela. Binibining isa sa nagpaiyak sa amin. Ang mga salitang iyong binibitawan ay tumatatal sa puso namin. Maraming salamat dahil hindi ka nawalan ng pag asa. Pag asa sakaniya.
Kayong dalawa ang nagpapatotoo ng salitang "pinagtagpo ngunit hindi itinadhana" pero kayo rin ang nagpatotoo ng salitang "True Love never dies" sabi nila First love daw. Eh pano yung true love? Diba mas maganda kung Yrue love ang ibabase natin sa kanilang dalawa? Sa dalawang nagmamahalan.
Silang dalawa na nagmahalan hanggang wakas.